Chapter 25 NAGISING ako dahil sa malakas na katok na nanggaling sa labas ng kwarto ko. Agad akong bumangon dahil alam kong si Audrey yun. Nasa bahay kasi nila ako natutulog para makipaglaro sa pamangkin ko. Nalulungkot kasi ako sa pag alis ng asawa ko dahil sasamahan daw niya ang kanyang ina na bisitahin ang tita niya. Gusto ko sanang sumama ngunit madami akong aayusin ngayon sa munisipyo at may business meeting din ako mamaya. Ayaw din naman pumayag ni Eliza kahit pwede ko naman iresched. Alam niya kasi ang schedule ko dahil nakalista yun sa cellphone ko. Kahit gusto kong sumama ay hindi na ako nag pumilit pa. Alam ko naman na saglit lang siya kaya titiisin ko nalang muna ang pagka miss ko. Uuwi din naman siya sa linggo ng gabi. Mabilis lang naman yun. Nakatulog ulit ako kanina pagkat

