Chapter 27 APAT NA taon na ang nakalipas simula ng mangyari ang aksidenteng nagpabago sa buhay ko. Yung kaligayahan ko ay nawala nalang na parang bula at hindi ko na nakita pang muli. Tuluyan na akong nagpakalayo-layo at namuhay ng mag-isa. Kahit apat na taon na ang nakalipas ay hindi parin nagbabago ang pagmamahal ko sa dalaga kahit wala na siya sa piling ko. Lagi kong pinagdadasal na sana masaya siya kung nasaan man siya naroroon. Gusto ko siyang maging masaya kahit pa nga miserable ang buhay ko simula ng mawala siya. Hindi ko na magawang ngumiti. Lagi nalang ako umiinom ng alak upang makatulog ako agad para hindi na ako umiyak kapag naiisip ko na wala na talaga si Elizabeth. Wala na ang babaeng mahal ko. Pati cellphone ko ay hindi ko na din ginagamit kaya alam kong nag aalala na ngay

