Chapter 28 NAKATANAW ako sa karagatan habang hawak ang rosas na dala ko para sa asawa ko. Tahimik lang ako habang nakaupo sa buhangin habang nililipad ng hangin ang buhok ko. Nandito na naman kasi ulit ako para sariwain ang sakit ng pagkawala ng asawa ko. Hindi ako nakapunta dito n’ong isang araw dahil nag patattoo ako. Pinata-tattoo ko ang pangalan ni Elizabeth sa aking dibdib at sa ring finger ko naman ay ang date ng kasal namin dalawa. Tumayo ako sa kinauupuan ko saka ako naglakad papunta sa dalampasigan at inihagis ang hawak kong rosas. Tumalikod ako at naglakad papunta sa kotse na naka park sa gilid ng kalsada. Nang marating ko yun ay agad ko binuksan ang pintuan ng driver seat saka ako pumasok. Binuhay ko ang makina ng sasakyan at agad na pinausad. Pupunta ako ng grocery ngayon p

