Chapter 29 BUMALIK sa kotse si Audrey na may dalang mga pagkain. Binatukan pa ako dahil ang arte ko daw dahil sa kotse ko pa daw gusto kumain. Ayaw ko sanang kumain pero pinipilit ako ng kapatid ko. Pinagbantaan pa ako ibubuhos daw niya ang mainit na sabaw sa 'kin kapag hindi daw ako kumain. Kumain nalang ako dahil ayaw kong mamatay na lapnos-lapnos ang mukha ko, baka hindi na ako makilala ni Elizabeth kapag nagkita na kami sa langit. Tahimik lang ako kumakain habang ang kapatid ko ay panay ang daldal. “Kuya malapit ba birthday ni Trie. Dapat nando’n ka.” Saad pa ng kapatid ko kaya umiling ako. “Hindi ako makakapunta, Audrey. Pasabi nalang kay Trie.” Saad ko sa malungkot na boses. “Ano ka ba naman, kuya! Ikaw ang gusto no'n na dumating. Alam mo ba ikaw ang gustong regalo no'n. Miss

