Chapter 32 PILIT kong sinisiko si Jomar upang makawala ako mula sa pagkakahawak niya sa 'kin. Kinakapos na ako ng hangin at maging ang tubig ay nalunok ko na ng tuluyan. Kanina pa niya ako pilit na nilulunod ngunit hindi niya magawa-gawa dahil sa t'wing inaangat niya ang ulo ko ay humihinga parin ako. Kaya siguro ay inis na inis na siya sa 'kin. Ngayon ko lang nalaman na masamang damo din pala ako. Kanina ay muntik na akong mawalan ng malay kaya kinagat ko ang ibabang labi ko habang iniisip ko ang dalawa kong anak. Kawawa naman sila, maiiwan ko sa mundong 'to. Maaga ko silang maiiwan dahil sa gagong ‘to na pinipilit akong asawahin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang ginawa ni Jomar sa 'kin. Ang nasa isip ko nalang ay baka may babae siyang minahal at iniwan siya at nakikita niya sa 'kin

