Chapter 33 NAPANGITI ako ng makita ko ang mukha ni Aivann hindi malinaw yun ngunit nakikita ko parin habang ang isang kamay niya ay ipinasok sa loob ng drum. Akala ko ay guni-guni ko lang ang lahat ngunit tuluyan akong naiyak ng maramdaman ko ng hawakan ako ni Aivann sa kamay at hinila palabas ng drum. Nanghihina akong nakatitig sa mukha ng lalaking mahal ko habang hinahabol ang aking paghinga. "M-Mayor.." sambit ko sa lagi kong tawag sa kanya. Namiss ko na siyang tawagin ng ganun. Ang mayor ng buhay ko. Agad niya akong niyakap ng mahigpit kaya humagulgol ako ng iyak. Akala ko ay hindi na siya darating. Akala ko ay hindi ko na makikita ang mahal ko. Nawawalan na ako ng pag-asa kanina at tinanggap nalang ang kapalaran ko. Iyak lang ako ng iyak habang yakap ako ni Aivann. Ang mga paa ko

