Chapter 34 NAGISING ako na may pumipisil sa palad ko. Agad kong iminulat ang mga mata ko at nakita si mayor Aivann na nakaupo sa tabi ng kama habang hawak ang kamay ko. Nakatulog pala ako kanina habang siya ay binabantayan parin ako. Nasa hospital room parin ako dahil sa natamo kong sugat mula kay Jomar. Nagamot naman na ako at medyo okay na din ang pakiramdam ko. Naka inom na din ako ng gamot kaya hindi na masyadong kumikirot ang sugat ko pati ang nabugbog kong katawan. Ngumiti sa 'kin si Aivann ng makita niya ako. "Kamusta pakiramdam mo, love?" Tanong niya sa nag aalalang boses. Hinahaplos din niya ang likod ng palad ko saka niya dinampian ng halik. "Medyo maayos na ako, mayor." Sagot ko. Mahina naman siyang natawa saka pinatakan ulit ng halik ang palad ko. "Hindi na ako mayor, love

