Kabanata I
Anniversary ng Cult Club and Wonders or CCBAW for short. Napagdesisyunan namin na magkita-kita after magpaka-busy sa buhay. Pito kami na bumuo nito, pero anim na lang kaming magkita-kita dahil last year namatay ang tinalagang leader ng cult. Hindi ito kulto, grupo lang ito na nabuo nung kolehiyo bago grumadweyt. Tinawag namin ang grupo na CCBAW dahil sa mahilig kami sa horror, sa thrill, sa mysteries stuffs. Nagdecide din kami na sa Paraiso de Hotel Resort gagawin ang meet up party, Ang Resort ay tawid dagat, nasa isang isla at kailangan ng ferry boat para mapuntahan.
"Matagal pa ba sila Jessica? Inuugat na tayo oh. Akala ko ba 7pm ang usapan? Hays! kasalanan ng espanyol 'to!" Reklamo ni Amber.
Kasalukuyan kaming nasa port, Inaantay namin ang iba pa. Nagmungkahi akong i-text si Jessica.
"Ano ba ang gusto mo Amber? Mauna na tayo then itext ko na lang sila na sumunod na lang?" Suhestiyon ko sabay lingon sa kanya.
"Yes! Nics! Sabihin mo excited na ako kaya mauuna na tayo." May pagtaas na kilay na sagot niya.
"Oh sige sabi mo eh, wait." Sabi ko sabay pindot sa Messaging ng phone.
"Ano ba! Nakakaya niyo nga antayin maging single crush niyo ng ilang taon tapos itong oras lang di niyo pa mahintay? Mas masaya kung sabay-sabay tayong magpunta doon." Apila ni Jayson.
"Ode hindi na. Eto naman killjoy! Kaya ka walang jowa eh!" Pang aasar ni Amber.
Death Glare ang naging tugon ni Jayson. 1 taon na ang lumipas pero hindi pa rin nagsasawa ang dalawa na magbangayan, pero namiss ko ang ganitong eksena nila. Lumipas pa ang trenta minuto ay dumating na din ang inaantay namin.
"Hello guys! Sorry sa paghihintay ng matagal. Alam niyo naman traffic diba?" Pagbati ni Jessica.
"Oo nga! Dinalian talaga namin, si Dylan lang ang nagpabagal." Hirit ni Zoe.
"Ako oh kayo? Tagal niyo kayang magkilay! Di naman makikita sa dilim yan." Depensa ni Dylan.
" 'Wag na kayo magturuan. Parehas kayong tatlo na may kasalanan. Balian ko kayo ng buto eh!" Angal ni Jayson.
"Bayolente ka na naman. Di ka na nagbago!" Hirit ni Amber na nakapameywang.
"Tara na! Masama na titig satin ni manong Alas, Kanina ko pa pinag aantay yan dahil huling byahe na nya." Sabi ko.
"Ano mga miss at sir? Sasakay pa ba kayo? Mahirap na kapag sobrang dilim at malakas ang alon mamaya. 'Bala 4AM na ang susunod na byahe." Mahabang saad ni Manong.
"Papunta na manong!" Sigaw naming lahat at dali-daliang sumakay sa ferry boat. Nagcatch up na din sa kanya-kanya naming buhay kahit na may Group Chat naman ay iba pa rin ang nagkakausap sa personal.
"Guys, nakadalaw ba kayo sa puntod ni.." Pag-iiba ko ng topic. Sandali silang natigilan sa ibang usapin at lumingon sa akin.
"Naku Nics, Hindi dapat bini-bring up ganyan sa ganitong pagkikita natin, malulungkot lang tayo." Suhestiyon ni Zoe.
"Tama! Lets enjoy! Wag na muna mag isip ng mga bagay na nakakalungkot." Dagdag pa ni Dylan.
Sunod-sunod na pagtango ng karamihan kaya ngiti na lang ang ginawa kong pagtugon. Naisip ko tuloy bigla na pakiwari ko ay ayaw nilang pag-usapan si leader at kung ano man ang tungkol sa kanya. Nagkibit balikat na lang ako ng makuha ko ang punto nina Zoe at Dylan.
Before this story proceeds, I want to introduce the CCBAW members.
In the First Row, wearing High waist jean and Crop top is Amber, The One with Pencil skirt, 3/4 sleeves shirt and Cardigan is Zoe, Our Kikay. The one wearing Jeans and Tshirt is Jessica, Our Bookworm but today is, nagbakasyon muna siya sa pagbabasa. On the second row is Dylan, Our 4-eyed member but a funny one. Next to him is Jayson, Counterpart ni Amber kaya nga nag-clicked sila, before. Yep, Oo. Mag-ex sila and lastly, Me . They called me Nics, short for Nicole.
Isang oras ang byahe bago makarating sa resort. Malayo pa lang ay tanaw mo na ang magarbo at magandang disenyo ng nito. Halatang mabusisi at bawat detalye ay pinag isipan. Maraming tao ang makikita sa outdoor pool area na gaya namin ay gustong iwasan ang stress at polusyon ng lungsod.
Pinagmasdan ko ang aking mga kasama. Puno ng kislap ang mata at nababakas sa mukha ang tuwa na tulad ko ay namamangha din sa laki at ganda ng Paraiso de hotel. Kung ikukumpara ay kawangis nito ang Atlantis, The Palm ng bansang UAE. Ang pinagkaiba lang ay nilagyan ng pinoy touch ang bawat desinyo. Bago pa makarating sa entrance ng hotel ay dadaanan ka muna sa red carpet, ang kaliwa't kanan na man-made landscape. Amazed na amazed kami sa aming nakikita. Sinong makakapagsabi na may ganito kagandang bakasyunan sa bansa natin.
"OMG, Nics! Ang ganda nitong nakuha mong Resort! Hindi ko alam na ganito ka-ganda dito. Bilib na talaga ako sa skill mo sa paghahanap ng mga places!" Tuwang sabi ni Zoe.
"So true, Zoe. Is it a hidden gem? Parang ngayon ko lang nalaman na may ganitong lugar pala." Dagdag ni Jessica.
"Mabuti naman, hindi naaksaya ang oras sa paghihintay." giit ni Amber.
"Mukhang mamahalin dito ah? kaya ba ng budget?" Tanong ni Dylan.
"Kayang kaya 'yan, Kasama niyo ko eh. Sagot ko kayo." Ang saad ni Jayson.
Nanahimik kami sa tinuran ni Jayson at pagtawa ang naging kasunod.
"Ano ba, Pinagti-tripan niyo ko eh. Have faith on me." Pangungumbinsi niya sa amin.
"Sige na, Jayson. Okay na kami. Tama ka na." Tatawa tawa kong sabi.
I-kinuwento ko sa kanila kung saan at paano ko na-discover ang resort, sinabi ko na bigla lang "to nagpop-up sa screen ng monitor ko. Na-amazed agad ako sa mga pictures sa gallery ng resort. Sa Amenities, Rooms at Cottages pati na din sa iba't-ibang activities na pwede mong gawin with your friends, colleague o love ones.
Nang makadaong na ang sinasakyan naming Ferry boat ay sinipat namin ang panglabas na infrakstraktura.
"Taray! Bukas picture picture tayo dito ha? Sigurado mas maganda 'to sa umaga." Suhistiyon ni Jessica.
"Gagawin kong background sa profile picture etong human sized stone heart." Segunda ni Zoe.
"Oo na Oo na. Bilisan na natin, gusto ko ng kumain at magpahinga." Pagmamadali ni Amber.
"Okayyyyy." Tugon naming lahat.
Nagpunta kami sa Front desk at tinanong sa receptionist kung saang unit kami nakatalaga. Malaki at malawak ang lobby. Kung gaano kaganda sa labas ay ganun din ang loob nito. Nagkataon din na anibersaryo ng resort kaya tyempo na nakakuha kami ng malaking discount. Ang mga silid pala ay may kanya-kanyang Pasilyo. Itinalaga kami sa Unit 6 na may Anim na kwarto.
"Room 601 (Amber), Room 602 (Zoe), Room 603 (Jessica) Room 604 (Jayson) Room 605 (Dylan) at sayo 'tong pang 606, Maam Nicole." Wika ng Receptionist.
Nang makuha ang mga keycards sa kanya-kanya naming room ay iginiya kami ng Room attendant kung nasaan ang Unit 6. Ang mga kasama ko naman ay panay ang picture sa mga naggagandahang painting na nakapaskil sa mga wall sa dinaraanan namin.