bc

Billionaire's Mistaken Wife

book_age18+
769
FOLLOW
8.0K
READ
HE
arrogant
boss
drama
bxg
city
enimies to lovers
assistant
like
intro-logo
Blurb

Her life takes a terrifying turn when she is abducted. Trapped inside his mansion, she pleads for her freedom, insisting on her true identity, but her desperate words fall on deaf ears. To him, she is the unfaithful wife who betrayed his trust, and no amount of begging can convince him otherwise.

Haunted by fear yet driven by her love for her sick mother, she must summon every ounce of strength to fight back. But the man holding her captive is not only dangerous. His piercing eyes, commanding presence, and dark allure test the boundaries of her willpower, even as she resists his claim over her.

chap-preview
Free preview
Teaser
SAPO ang aking ulo at unti-unting idinilat ang mga mata. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang mapagtantong hindi pamilyar sa akin ang naturang kwartong kinaroroonan. Lihim akong nagpasalamat dahil wala naman akong naramdamang kakaiba sa aking buong katawan, so far and so good ay kompleto pa naman ako. "Where am I?" Nagmamadaling bumalikwas ako ng bangon at lumabas ng naturang kwarto. Halos mabingi sa malakas na pagtibok ng aking puso. "Good day, Ma'am Lavinia!" Kumunot ang aking noo nang marinig ang sinabi ng naka-itim na lalaki. "Hindi ako si Lavinia, sino ka?" Takang-tanong ko. Nagsimulang bumundol ang kaba sa aking puso. Nasaan nga ba ako? Napansin kong sumenyas ang lalaki at walang-sabing lumapit sa akin ang tatlo pang lalaki na tulad niya ay nakasuot ng itim na suit. Pagdakay walang-sabing hinawakan ang magkabila kong braso. "Bitiwan niyo ako!" Sigaw ko. "Pasensiya na po pero kailangan naming sundin ang utos ng asawa niyo." Sumilay ang mapanudyong ngiti sa aking mga labi. "Excuse me, wala pa akong asawa, nababaliw na ba kayo?" "Mommy please..." Napasulyap ako sa isang batang lalaki na ngayon ko lamang napansin. Mas lalo lang akong nalito. Mommy? Kailan pa ako naging mommy? Ako, may anak na? "Ma'am, alang-alang man lamang po sa anak niyong si Adam. Sumama po siya sa amin dahil gustung-gusto ka po niyang makita." "Adam, anak ko siya?" nagtatakang-taning ko at pilit na inaalala kung sino si Adam. Pero wala akong maalalang may anak ako. Ang alam ko'y single ako. Isang dalagang kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo para makatulong sa aking mga magulang. "Pakiusap, baka nagkamali lang po kayo. Pwede niyong i-check ang ilang records ko. Hindi ako ang ina ng batang 'yan. Isa pa, single ako at ni sa buong-buhay ko hindi ko pa naranasan na magkaro'n nang anak." "Ma'am, imposible po iyang sinasabi niyo. Sige na po, maawa kayo sa amin. Kami po ang kawawa lalo na at sumama pa sa amin si Adam. Tiyak na malilintikan na talaga kami nito ni Mr. Walton." "No!" Sigaw ko. Inipon ko ang aking buong-lakas at marahas na bumitaw sa mga ito. Pero sa malas ay agad pa rin akong nahawakan no'ng isa at tinakpan ang aking ilong ng panyo dahilan para dahan-dahan akong mahilo dahil sa amoy niyo'n, hanggang sa magdilim ang aking paningin. Nagising ako sa masuyong haplos sa aking pisngi. Awtomatikong nagulat ako nang makita ang luhaang batang lalaki. He expressed his delight at seeing me again, but I could see a deep sense of sadness in his eyes. Nakaramdam ako ng labis na pagkahabag sa batang nasa harapan ko. Saka rumehistro sa aking isipan ang nangyari kanina. Kagagaling ko lang sa paaralan ng may biglang humarang sa aking dinaraanan. Puro mga naka-itim na lalaki. "I'm so sorry, but I'm not your Mommy," sagot ko sa batang lalaki. Pero hindi ko man lamang ito nakitaan nang pagkagulat. Bagkus ay niyakap ako nito ng mahigpit at umiyak ito sa aking dibdib. "Please stay mom..." Parang pinipiga ang aking puso. Kung gano'n, don't tell me may kamukha ako? Hindi kaya, may kakambal ako? Dahil sa sobrang awa ko para sa batang lumuluha, niyakap ko ito ng buong-higpit. "Shhhh... stop crying," pag-aalo ko rito. "Please promise me that you won't leave us, mom." Paano ko nga ba maipapaliwanag dito ang nais kong sabihin. Kailangan kong makausap ang ama ng batang ito. Baka sakaling maniwala iyon sa akin. "May I know where your dad is?" tanong ko rito. "He is busy with work." "Could you please lend me your ear? I want to assure you that I am not your mother. By any chance, do you have any photographs of your mother? I would be delighted to have a glimpse of her pictures." "Yes, just wait a minute," malungkot na tugon sa akin ni Adam. Kailangan kong sabihin dito ang katotohanan. Hindi pwedeng ganito dahil umaasa sa akin ang ina at kapatid ko. Nasundan ko na lamang ng tingin si Adam. Mula sa aking kama ay bumaba ito at nilapitan ang isang frame. Dinampot niya iyon at dinala sa akin. "Here, it's us." Halos tumalon ang puso ko sa sobrang pagtataka. Naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng aking puso. Inabot sa akin ni Adam ang frame. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang babaeng talagang kamukhang-kamukha ko. "Imposible," ani ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang frame. "What do you mean, Mom?" Nakikita ko ang kakaibang ningning sa mga mata ng lalaki na nasa larawan lalo na ang matingkad nitong ngiti. Maliban sa babaeng kasama nito sa larawan, makikita na hindi masaya ang naturang babae at halatang napipilitan lang. Kapwa kami nagulat ni Adam ng biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan. Nakatayo sa harapan ko ang lalaking nasa frame na ngayo'y hawak-hawak ko. Napalunok ako nang masilayan siya ng personal. Mas hot siya ngayon kaysa noon. Halos mabingi ako sa malakas na pagtibōk nang aking puso. His mere presence takes my breath away, leaving me captivated and unable to look away. There's an undeniable air of seriousness that surrounds him, making me feel a mix of reverence and anticipation. His confident demeanor exudes an aura of arrogance, adding an intriguing edge to his character. As I lock eyes with him, I can feel the intensity radiating from his gaze, sending shivers down my spine. Yet, there's also a hint of aloofness, a coldness that keeps me on my toes, yearning to unravel the hotness that he is. His commanding presence and magnetic allure make it impossible to resist being drawn into his world. "Daddy!" Narinig kong bulalas ni Adam. "Mommy is back!" Natameme ako sa lalaking nasilayan nang aking mga mata. Sa buong-buhay ko ngayon lang ako nakakita ng perpektong imahe ng isang lalaki, na dati ay akala ko noon ay sa mga nobela ko lamang nababasa. Hindi ko akalaing meron din pala sa totoong buhay. Gamit ang matipunong braso ng lalaki. Walang-hirap nitong kinarga si Adam. Hindi ko kayang titigan ang mga mata nitong tila nang-uuyam. "Dad, don't you feel happy that mommy is here with us?" tanong ni Adam dito. "Yaya, could you please take Adam to his playroom for a moment?" "Y—Yes, sir," nautal na sagot nang Yaya. Mula sa lalaki ay kinuha ng Yaya nito si Adam. Agad namang sumama si Adam sa Yaya nito. "Don't hate her again, daddy. Please I beg you..." Narinig kong pagmamakaawa ni Adam sa ama nito. Hindi pinansin ng lalaki ang sinabi nang anak. Pinukol ako nito ng isang nag-aalab na tingin. Binundol nang matinding kaba ang aking puso. Napalunok ako. Narinig ko ang pagbukas at pagsara nang pinto ng kwartong kinaroroonan ko. Halos hindi ako makahinga sa mabilis na pagtibōk nang aking puso. "Who are you?" Sa wakas ay tanong ko rito. "Lavinia, don't manipulate me. I can never find it in my heart to forgive you for your acts of betrayal," sarkastikong tugon nito sa akin kasabay ng marahas nitong paghila sa aking kabilang braso dahilan para mapangiwi ako sa sakit. "Hindi ako si Lavinia, you bastàrd! Batid kong makapangyarihang tao ka. Alamin mo muna kung ako nga ang nagtaksil mong asawa bago mo ako saktan," mahina pero may diing sagot ko sa gàlit na lalaki. Inis na pumiksi ako mula sa pagkakahawak nito. Kitang-kita ko ang labis na galit sa anyo nito. Galit at poot ang nakikita ko sa mga mata nito. Pagdakay, biglang tumaas ang sulok ng labi nito at walang-sabing hinila nito ang aking dalawa paa saka ito kumubabaw sa akin. Nanlaki ang aking mga mata sa ginawa nito. At dahil sa matinding takot at kaba, isang malakas na pagtuhod sa bandang gitna ng hita nito ang ginawa ko dahilan para mapahiyaw ito ng malakas. Isang malutong na mura ang narinig ko mula sa bibig nito. Dali-daling tumayo ako mula sa kama at mabilis na lumabas nang naturang silid. Bakit ba ako napunta sa sitwasyong ito? For pete's sake hindi ako si Lavinia.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook