Eksaktong natapos ang pag-uusap namin ni Micah nang dumating si Ares. Hindi maipinta ang mukha at halatang wala sa mood. Ibinaling ko ang tingin sa kabilang direksyon, nakangiti ang waitress na siyang may dalang tray kung saan naroon ang mga pagkaing in-order ko para sa amin ni Ares. "Narito na po ang order niyo, ma'am, sir," nakangiting sabi ng waitress na halatang nagpapa-cute sa kasama ko. Hindi nakapagtataka na maraming babaeng magkakagusto kay Ares. May mga babae nga talagang walang delikadesa. Alam kong hindi lingid sa babaeng ito na ako ang asawa ni Ares. Napaka-bastos nga naman. FYI, mistaken wife nga pala ako ng lalaking kasama ko. Itinuon ko na lamang ang pansin sa mga pagkaing nasa aking harapan. Hmmm... nakakatakam nga naman. Kanina pa ako nagugutom lalo na at hindi ako gaa

