Axelle’s POV Nakakapagod umiyak. Nakakadrain ng isip. Humiga ako sa sofa. Tumagilid at ginawang unan ang magkalapat kong mga kamay habang panay ang pagdaloy ng luha sa pisngi at tungki ng ilong ko. Napatitig ako sa kawalan. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pinikit ko ang mga mata habang humihikbi, sumisinok-sinok pa ‘ko, pakiramdam naubos ‘yung lahat ng lakas ko. At dahil sa naramdaman kong pagod, tuluyang hinila ako ng antok at nakatulog ako muli. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nagising ako ng makaramdam ng pagkalam ng tiyan ko. Nagmulat ako ng mga mata. Nagtaka ako dahil nasa kama na ‘ko at nakabalot ang katawan ng kumot. Alam ko, natatandaan ko nakatulog ako sa sofa. Nagkibit balikat na lamang ako at naisip na baka dahil sa pagod ko, hindi ko namalayang lumipat a

