Axelle’s POV Dumiretso ako sa kwarto. Naligo ako muli. Paglabas ko ng banyo ay insaktong narinig ko ang pag-alis ng sasakyan, hindi ko na sinilip ang pag-alis niya. He left again without even informing me. I really meant nothing to him. For him, I was nobody, just someone desperate holding on to a space in his life that was never meant for me. Mapait akong ngumiti at tinungo ang walk-in closet upang magbihis. Nakapambahay pa rin ako ng bumaba dahil kailangan ko pang banlawan ang de kolor. Dumiretso ako sa laundry area. Nagbanlaw ako at nagsampay. Nang matapos ay tinungo ‘ko ang kusina. Lumamig na ‘yung nilaga ko kaya ininit ‘ko muna. Nang kumulo ay hinango ko at kumain ng mag-isa sa dining area. Masarap na man ‘yung niluto ko ngunit nakawawalang gana gayun pa ma’y pinilit ko pa r

