Axelle’s POV Nagwalang silbi ang lamig ng tubig sa init na nararamdaman ko habang nakalapat ang katawan niya sa likod ko, habang dama ko ang palad niya sa tiyan ‘ko. Nang huminto ako sa pagpumiglas naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya. Kinuha ko ang pagkakataong makawala. Nakagawa kong humarap sa kanya sabay tulak sa kanya palayo. Tinangka ‘kong lumangoy palayo pabalik sa dalampasigan ngunit ‘di pa nga ako nakakalayo muli niyang hinuli ang baywang ko at muling hinila niya ‘ko palapit sa kanya. Sa pagkakataong ito, wala na siyang balak na makawala pa ‘ko. Bigla niya ‘kong siniil ng halik. Nilapat niya ang isang kamay sa batok ko habang ang isa’y nakapulupot sa baywang ‘ko. Mas diniin niya ang labi sa mga labi ko. Heto na naman siya. Nanghahalik bigla. Nais kong tumugon ngunit n

