Axelle’s POV Nagising ako kalagitnaan ng gabi. Nakaramdam ako ng uhaw. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at tinungo ang kusina. Binuksan ko ang ref at nilabas ang isang babasaging pitchel na puno ng malamig na tubig. Sinalinan ko ang baso at ininom. Nang maubos ang laman ay binalik ko ulit ang pitchel at lumabas ng kusina upang bumalik sa kwarto. Umakyat akong muli ngunit nang mapadaan ako sa hallway patungong terrace nahinto ako ng makita ang ate na nakaupo sa couch na naroon. Napakunot ang noo ko dahil malalim na ang gabi at nanatiling gising pa ‘to. Pinili kong lapitan siya at habang papalapit ay nakita kong nakatitig siya langit at tila kay lalim ng iniisip. “Ate,” tawag ko sa atensyon niya. Bahagya pa siyang nagulat ng marinig ang boses ko. “Hi, Axe. Gisi

