Axelle’s POV I froze. Para akong na estatwa sa kinauupuan ko, ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binato niya habang mariing nakatitig sa mga mata ko na tila ba sa mga mata ko makikita niya ‘yung sagot sa mga tanong niya. Halos mabingi na ‘ko sa lakas ng sipa ng puso ko. Ganun ba ‘ko kahalata sa nararamdaman ko para sa kanya at napansin niya agad. “Natahimik ka? Are you surprised that I know?” Ayaw humiwalay ng mga mata niya sa mga mata ko, tila sinusuri kung magsasabi ako ng totoo o magsisinungaling. “Anong pinagsasabi mo?” pilit kong tinitigasan ang boses ko, kahit pakiramdam ko ay nanginginig na ang buong kalamnan ko. Pasimple akong lumunok. Mas lalo akong nanigas nang mas nilapit niya ang mukha sa ‘kin. Sa lapit ay halos maramdaman ko na ang init ng hininga niya sa pisngi ko.

