Axelle’s POV “Na-curious lang ako sa title kaya binasa ko,” casual kong saad saka siya tinalikuran at humakbang. Mariin akong napapikit kasabay ng pag-akyat ng init sa magkabilang pisngi ko. Hindi ko ma-imagine sarili ko sa sitwasyon ng bidang babae sa libro. Masyadong sadistic ‘yung mga scenes. Nahinto ako ng kunin niya sa ‘kin ang dala kong basket. Napalingon ako sa kanya, inabot niya ‘yung basket na may laman ng mga bibilhin ko kay Kuya Clint. “You take care of this, Clint.” Mando niya. Binalingan niya ‘ko. “Are you getting anything else?” “Wala na, ‘yan lang,” tugon ko. “Let's go. Magluluto ka pa.” Pagkasabi niya’y nauna siyang humakbang paalis. Napasunod ako ng tingin sa kanya, napakurap-kurap. Tama ba ‘yung narinig ko? Magluluto pa ‘ko? Napaisip ako bigla sa naging asta niya.

