Axelle’s POV Tatalikod na sana ako ng magsalita siya. “The dishes you cook remind me of your sister. It tastes just like Cassy's and I hate it.” Mabigat ang loob kong pumasok sa klase. Nasa eskwelahan ako ngunit kung saan-saan lumilipad ang isip ko. Tapos naalala ko ‘yung unang beses akong nagluto, tinawag niya ‘kong Cassy kaya pala, now I get it. Hindi niya ‘ko magawang i-appreciate dahil sa tuwing tinitikman niya niluto ko hindi naman ako ang naaalala niya, si Ate Cassy. “Okay ka lang?” Untag ni Ash sa ‘kin habang kumakain kami ng lunch sa canteen. Napatingin ako sa kanya. “Kanina ka pa nakatulala d’yan.” “Ha? W-wala may iniisip lang.” Kumagat ako sa hawak kong burger. “Kumusta buhay may asawa,” muli’y napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong isasagot sa tanong niya. Kum

