Axelle’s POV Pagkagising ko kinabukasan, gaya ng inaasahan ko wala na siya sa tabi ko. Naligo at nagbihis. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko’y napasulyap ako sa mini calendar sa itaas ng study table ko at napatitig sa araw na may bilog na pula. Ilang araw na lang pala, kaarawan ko na. I’ll be twenty, then. Napaisip ako kung maalala kaya ng pamilya ko ‘yung birthday ko o kahit si Izzie man lang, pero mukhang malabong mangyari, sa galit na nararamdaman niya sa ‘kin mukhan imposible. Maya-maya ay nagpahatid na ‘ko ni Ate Loida sa school. Inabala ko na lang ang sarili sa pag-aaral hanggang sa ‘di ko namalayang uwian na ulit. Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi si Izzie. Nasa terrace ako, hinihintay ang pagdating niya hanggang sa nakaramdam ako ng antok. Naisipan ko na lang na

