Axelle’s POV Napasandal ako sa kinauupuan ko habang iniinda ang hapdi mula sa sugat na natamo. Unti-unti akong nakaramdam ng panghihina. Napapikit ako at bahagyang napadaing. “Hey, konting tiis na lang, Axe. We’re almost there,” nag-aalalang saad ni Kuya Caleb. Mas diniin pa nito ang pagtapak sa gas kasabay ng mas mabilis na pagtakbo ng sasakyan. Halos palaparin na ni Kuya Caleb ang sasakyan nito marating lamang namin agad ang hospital. Mabuti na lang at malalim n ang gabi at maluwag ang daan at walang kasabay na mga sasakyan kaya dire-diretso lang ang takbo ni Kuya Caleb. Ilang saglit langa ay narating na namin ang hospital. “We’re here!” Saad ni Kuya Caleb sabay kabyo ng manibela at pagsagitsit ng gulong sa semento. Hininto ni Kuya Caleb ang sasakyan sa harap mismo ng Emergency Ro

