Axelle’s POV Palabas na kami ng hospital. Nakaupo ako sa wheelchair habang tinutulak ng isa sa mga lalaking staff ng hospital. Nakasunod si mama sa ‘kin sa likuran. Si papa nauna ng lumabas upang kunin ‘yung sasakyan. Nasa harapan lang ang tingin ko ngunit kay layo ng nilipad ng isip ko, kay bigat ng puso ko at tila wala akong gana sa lahat ng bagay, ni hindi ko namalayang nasa labas na pala kami ng hospital kung hindi ko pa naramdaman ang paghawak sa ‘kin ni mama upang alalayan akong makapasok sa backseat ng sasakyan. Nang makaupo’y sinarado ni mama ang pinto at umupo sa passenger seat tabi ni Papa sa driver seat. Maya-maya’y binabagtas na namin ang daan pauwi ng bahay. Kay tahimik sa loob ng sasakyan. Nakatingin ako sa labas ng bintana ngunit nanatilng nakalipad ang isipan, wala s

