Allysandra’s P.O.V
Nagsimula na akong mag-impake ng gamit at mga damit ko. Tatapusin ko lang ang buwan na binayaran ko, para sulit naman, bago ako umalis.
“Akala ko ikaw mags-stay ka na rito for good.” Sabi ng may-ari ng apartment, kaya nginitian ko lang ito ng tipid.
Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako sa kaniya, pero kasi ang bait niya at baka ma-misunderstand niya kung bakit ako lilipat. Totoo naman na mura talaga ang renta niya para sa 2 story-ng apartment na fully furnished, pero kasi, hindi ko talaga siya afford.
Siguro, babalik nalang ako rito kapag naka-ipon na ako nang marami-rami at ready na ako sa bakbakang expenses.
“Puwede ko naman siyang ibigay ng 7k sa’yo, hija.” Singit nito habang inaayos ko ang tupi ng mga damit ko. Kinuha ko naman ang sobreng nakapatong sa mesa at nahihiyang ini-abot ‘yon sa kaniya.
“Heto po ang bayad para sa tubig and kuryente. Pasensiya na po. Naka-usap ko na po kasi ‘yung malilipatan ko…” sabi ko rito habang nagdarasal na sana hindi na siya mangulit pa tungkol sa pag-pilit sa akin na mag-stay.
“Ano ba’ng dahilan ng pag-lipat mo, hija?” tanong nito habang umupo sa harapan ko. Nadatnan niya kasi ako na nagtutupi ng mga damit sa maliit na sala ng apartment.
“Kasi po, balak ko po sanang mag-ipon para sa kotse. Eh, kailangan kop o munang magtipid. Nag-cut out po ako ng mga expenses ko, kaya pansamantala, sa kaibigan ko muna po ako titira…” napatango-tango naman ito habang pinapanood lang akong mag-tupi ng damit.
“Hija, ganito kasi ‘yon…” Hindi siya mapakali sa upuan niya. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi sa akin.
“Sa ate ko kasi ang paupahan na ‘to at ako ang care taker. Nasa ibang bansa siya, so sa akin napupunta ang pera.” Tumango-tango ako at hinihintay kong ituloy niya ang kuwento niya, “Eh naka-utang ako ng 10k na ipinangako ko sa susunod na buwan… Akala ko kasi, tatagal ka, kaya ayon… Nai-pangako ko ‘yung ibabayad mo sana sa susunod na buwan…” para namang sumakit ang ulo ko sa narinig ko mula sa kaniya.
“Naku, Ma’am, pasensya nap o at pare-pareho po tayong gipit ngayon… Kung may mai-tu-tulong lang po ako, tutulong naman ako, kaya lang, tag-hirap talaga ngayon at marami po akong kailangang bayaran…” diretsahang sabi ko, kaya natahimik naman siya.
“Hija, kahit hanggang susunod na buwan lang sana dumito ka muna…”
“Ma’am, wala po talaga akong pambayad. Ako lang po mag-isa ang nandito, so hindi ko po talaga siya kaya. Isa pa, hindi ko naman po kasalanan na nakapang-utang kayo at ipinangako niyo ang bayad ko sa inyo na wala naman pong kasiguraduhan…” wala na akong pakialam kung ma-pikon pa siya o magalit sa sinabi ko.
Naiinis lang ako kung bakit parang pinapa-obliga niya pa sa akin ang utang niya. Wala naman akong pinirmahang kasulatan na 2 months akong mangungupahan. Basta binayaran ko ang whole month stay ko at lilipat ako, tapos dapat.
Nakatulala lang siya sa akin. Probably waiting for me to tell her na sige, ditto muna ako hanggang next month, but I won’t freaking say that.
I feel awkward as f uck!
Hindi ako sanay na may nanonood sa akin habang may ginagawa ako, kaya gustong gusto ko na siyang paalisin,pero hindi ko alam kung papaano.
Nagpapasalamat naman ako at parang nakaramdam siya nang bigla siyang tumayo mula sa couch, “Sige, hija. Maiwan na kita…” tumayo rin ako upang ihatid siya sa pintuan. Paglabas niya, pinanood ko siyang makapasok sa bahay niya na tapat lamang ng apartment.
Pagbalik ko sa loob ng apartment, napahiga nalang ako sa couch at napa-tingala sa kisame. Iniisip ko ang mga sinabi ko kung naging insensitive ba ako nang sobra sa kaniya. I didn’t mean to hurt her feelings naman. Nainis lang talaga ako, kasi parang ako pa ang may kasalanan na hindi na ako u-upa next month.
Hay, naku.
Niligpit ko muna ang mga damit na natapos ko nang itupi at dumiretso sa kwarto ko, kung saan medyo mamimiss ko rin dahil isang buwan na rin akong natutulog dito.
Kinabukasan, paggising ko, akala ko’y hindi ako makapag-a-almusal, pero nang buksan ko ang ref at nakita ko ang cookies na nasa loob, bigla akong natakam.
“I guess, kakain ako ng kaunti.”
Kaya kahit hindi ako breakfast person ay talaga namang kumuha ako ng gatas nan aka-sachet at ibinuhos sa mainit na tubig. Sakto lang ang gising ko, para makapag-ayos ako. Hindi kagaya noon na late akong makakatulog at maaga akong magigising.
Ngayon kasi, medyo nababawasan na mga iniisip ko. Finally, makaka-ipon na’ko. Na baka next time, bahay na mabili ko at hindi na muna kotse.
Ewan ko ba. Sobrang dami kong pangarap para sa sarili ko, sa sobrang dami kong gustong maabot sa kakarampot ko lang na sweldo, eh ni isa, ang pagtatapos ko palang ang nagawa ko. Sa halos limang taon na mag-isa ako, wala ako ni-isang nilapitan na tao para umutang.
Lahat, pinagsikapan kong makuha, kasi wala naman akong magagawa, eh.
Kumain ako hanggang sa maramdaman ko na ang satisfaction ng tiyan ko. Nasarapan ako sa tirang cookies na binake ko nang magpunta sa apartment si Stefan. Magandang lalaki si Stefan. Matangkad, maputi na parang bampira na nakikita sa TV, maarte sa katawan, mabango at oo, inaamin ko. Gwapo siya.
Siguro toxic, pero totoo nga. Sayang ang lahi niya, dahil hindi niya mapapalaganap.
Dahil sa extra tipid ang ginagawa ko ngayon, hindi na muna ako nag-taxi or grab. Naglakad ako sa terminal ng bus, dahil 15 minutes away ang trabaho ko sa inuupahan ko.
Nang lumabas ako ng gate ng apartment, kaagad na bumungad sa akin ang may-ari ng apartment na nagwawalis sa tapat ng bahay nila. Sa isang buwang pag-upa ko sa bahay, ngayon ko lang siya nakitang nagwalis sa tapat ng bahay nila.
Napaka-suspicious naman ni Aling Maria.
“Good morning, hija.” Bati nito sa akin at tinanguan ko siya at nginitian atsaka na nagtuloy-tuloy sa paglalakad papuntang terminal.
Para kasing hinihintay niya na bawiin ang desisyon ko sa paglipat. Nagbabakasakali pa siya… ganoon naman siguro lahat ng gipit, eh. Sa maliit ng chance nalang sila kumakapit. Na kahit imposible, maniniwala na may himala.
Sus… Napa-iling nalang ako habang nag-hihintay ng bus.
Medyo natagalan ang paghihintay ko ng bus, dahil kaaalis lang nung isa nang makarating ako. Ngayon, maghihintay pa tuloy na mapuno, bago maka-alis.
Pagpasok pa lang sa jeep, langhap ko na ang usual na amoy nito, kaya naman hindi ko napigilang mahilo at manikip ng dibdib sa amoy. Pumwesto ako sa malapit lang sa pintuan, dahil ayaw na ayaw ko sa dulo. Ayokong malayo ako sa babaan. Pagka-upo ko, napasandal ako sa upuan at tinignan ang cellphone ko na wala, kahit isang message. Meron man, mula naman sa mga scammer na sinasabing nanalo raw ang sim ko ng 500,000 pesos.
Dahil may load ako at naiinip ako, pinatulan ko ang mga ito at nireplyan.
From Unknown:
Note from Information Dept. of GMA Wowowin: your sim# w0n (P500,000.00) Handog pangkabuhayan From:Willie Revillame.pls call now Im Sec.RENALDO CHUA,s'2021
Me:
Wow. Finally! Answered prayers! Kuya Will, call me pls pls pls
Pinindot ko ang send atsaka pa nagtingin ng iba pang messages sa inbox ko. Sinulyapan ko ang paligid ng bus at hindi pa gano’n karami ang sakay nito kaya naisip kong patulan pa ang isang scam na nag-me-message sa akin noong nakaraang buwan na ang nakalipas.
From Unknown:
NFORMATION: From (GMA Wowowin)
Your SIM no. Had won (Php500,000.00) Handog Pangkabuhayan 2021.
Sponsored By: Mr. Willie Revillame
For more info text your full:
Name:
Age:
Address:
Work:
Then call me now! Im atty. ROBERTO RAFAEL LUCILA Thank you.
Nakangiti ako habang nagta-type ng message reply ko, dahil natatawa ako sa sarili kong ginagawa. Hindi ako makapaniwala na papatulan ko ang ganitong mga messages sa buong buhay ko, dahil lang bored ako at hindi kailangan ko ng distraction sa nafi-feel kong paghihirap sa paghinga.
Ganito siguro sa pakiramdam kapag walang iniisip na kahit ano. Na nakakaya mo nang mag-laan ng oras para tumawa, para sumaya kahit papaano. Noon kasi, lalo na nang nag-aaral ako ng college, ni hindi ko nagawang sumama sa mga kaklase ko sa Jollibee o sa kahit anumang yayaan, dahil hindi ako gumastos nang hindi ko naman kailangan.
Parami nang parami ang sakay ng jeep. Halos puno na ito. May sumakay na matandang lalaki. Saglit itong natigil, tinitignan nito kung saan siya puwedeng umupo. Isang minuto rin siguro siyang naghahanap ng upuan nang maka-tagpo kami nang tinginan.
Bigla naman akong nakaramdam sa susunod niyang gagawin, kaya nag-iwas ako ng tingin, pero nilapitan niya parin ako at nahihirapang naglakad palapit sa akin.
“Hija, pwede bang diyan nalang ako… mahina na kasi ang mga tuhod ko, eh…” pagod na sabi nito, habang inaayos ang tungkod nito na gawa sa kawayan. Bigla namang bumilis ang t***k ng puso ko.
“Wait lang po, ‘Tay…” tinignan ko ang mga natitirang upuan sa malapit sa babaan at lahat ng ‘yon ay occupied na. Hindi naman ako maka-hindi, dahil natatambak na ang mga gustong gumakay, ngunit hindi makadaan, dahil baka-harang ang matandang lalaki sa aisle ng bus.
“Tay… kasi ano…”
“Ano ba ‘yan. Para upuan lang, ayaw ibigay sa matanda.” Malakas na sabi ng isang babaeng katapat ko sa upuan na may dalang sanggol. Saglit ko itong inirapan at tumayo.
“Tay, dito na po kayo…” sabi ko at tumayo sa nag-iisang upuan na malapit sa pintuan.
Dahil puno na ang bus, dahan dahan akong nag-lakad papunta sa bandang likuran atsaka naman ito biglang umandar. Napahawak tuloy ako nang mahigpit sa isang babaeng mukhang kagigising lang at kung tignan ako ay parang isusumpa ako, dahil nagising ko siya sa nap niya.
Duh! Hindi ko naman siguro kasalanan na hindi siya maagang nakagising at magising siya sa bus na in the first place, public transportation.
Anong feeling niya? Private ang sinakyan niya at walang pwedeng umistorbo?
“Miss, dito ka na umupo.” Offer sa akin ng babaeng sa palagay ko ay kasing-edad ko lang.
Mukhang kagagaling lang niya sa shift, dahil halata sa mga mata nito ang pagod. Nginitian ko naman siya at kaagad na umupo sa tabi niya matapos kong ikutan ng mata ang masungit na babaeng maarte.
Habang nasa biyahe, sinubukan kong mag-earphones at i-distract ang sarili ko sa music, pero hindi ko kaya. Nahihilo ako at parang nauubusan ng hangin, kahit malamig naman sa loob ng bus--- hindi nga lang ganoon kabango. Medyo nangangamoy paa, eh.
Habang pahinto-hinto ang bus, dahil sa mga pumapara ay lalo akong nakakaramdam ng pagkahilo. Pinapaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. Nagpapasalamat ako na tulog ang katabi ko, dahil kung hindi, madi-distact siya sa akin, dahil hindi ako mapakali sa puwesto ko.
Ilang minute kong nilunok ang laway ko, dahil sa pakiramdam ko na parang nasusuka ako. Namamawis ako at parang kahit ano mang oras ay susuka ako. Gustung gusto kong pumara at lumabas nalang para maglakad, pero parang hindi kakayanin ng pagka-hilo ko.
Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Sa ganitong oras ako naaawa sa sarili ko kung bakit wala akong nanay na gumabay sa akin, na kung bakit wala akong kasama sa ganitong oras. Na kahit isang beses sa buhay ko mula noong nagkaroon ako ng kakayahang mag-isip, walang tumulong sa akin.
Bigla namang may inabot na plastic bag sa akin ang katabi ko, kahit nan aka-pikit ito. “Here. Use this. Just pretend na natutulog ako. Huwag kang mahiya, baka mapa’no ka pa pagbaba mo.” Mabilis ko ‘yung kinuha at itinapat sa bibig ko nang maramdaman kong nasa lalamunan ko na ang isusuka ko.
Bigla ko namang naalala ang kinain ko kanina bago ako umalis. Maraming cookies at gatas na mukhang hindi natunaw sa tiyan ko, dahil kaagad akong naglakad after kong kumain.
“It happens sometimes… That’s okay.” Sabi ng babae sa tabi ko matapos akong tapikin sa balikat at ngitian.
Nang mapansin ko ang uniform na nasa loob ng jacket niya, nakita ko ang nameplate niya at napag-alaman na nurse siya sa isang hospital at tama nga ako sa hula ko na katatapos lang ng shift niya.
Laking pasasalamat ko nang mag-stop n g**g bus sa tapat ng building na pagta-trabahuan ko, “Thank you…” mahinang sabi ko sa nurse na katabi ko na naka-pikit parin hanggang ngayon.
Tumango lang siya atsaka na ako mabilis na bumaba, hawak ang supot ng nai-suka ko.
I hope we never cross paths again... This is sooo embarassing!