Chapter 4

1591 Words
Allysandra’s P.O.V   Pagbaba ko sa bus, nang makalanghap ako ng sariwang hangin ay napapikit ako.   “Finally…” mahinang sabi ko.   *beeeeeeeeep*    Mahaba pagbusina sa akin ng isang sasakyan, dahil sa nasa tabi pala ako ng daan, kaya naman umagang umaga ay talaga namang na-bwisit ako.   “Ang luwang luwang ng daan!” malakas na sabi ko, kahit na alam ko na hindi ako nito narinig.   Lumipat ako ng daan at naglakad lang ng kaunti bago nakarating sa tapat ng building. Nang makita siya ng guard, kaagad naman itong ngumiti sa akin, as usual.   Minsan, hindi ko alam kung may problema pa si Kuya, dahil ngiti lang siya nang ngiti sa mga tao…   “Ma’am, may baon yata kayong breakfast today?” natatawang tanong ng guard sa akin. At nang sundan ko ang tingin niya, naka-tingin pala siya sa hawak kong supot na may lamang suka ko!   Sh et! Nakalimutan ko ba namang itapon, dahil sa pesteng bumusina sa akin! Kaya nagmadali akong naglakad sa pinakamalapit na basurahan at itinapon doon ang plastic bag. Mabuti nalang at tinted ito at hindi nakita ni Manong Guard ang laman nito!   “Ano ba ‘yon, Ma’am? Akala ko pa naman saw akas mag-aalmusal ka na!”   “Kuya, kung may award ang mga sekyu, siguro, sa’yo mapupunta ang Mr. Friendship award at Mr. Winsome Smile.” Pagbibiro ko rito, dahil napakarami nitong tanong.   Cute ang ngipin ng guard ng building, kaya hindi rin naman siya nakaka-asiwang makitang naka-smile. Isa pa, kahit bwisit ka sa umaga, talaga namang mahahawaaan ka niya sa ngiti niya.   “Hindi ka early bird ngayon, Ma’am ah. Akala ko pa naman target mo ‘yung award na ‘yon.” Napa-iling ako habang tumatawa at tulut tuloy na pumasok matapos niyang i-check ang bag ko.   Sometimes… I just wish na I can be someone like him. Someone like Manong Guard na smiling face lang always. Feeling ko, nakakabata ‘yon ng itsura. Kasi ngayon, wala pa ako sa 30s ko, mukha na’kong 35.   Pagpasok ko sa editing office, nakita ko nan aka-upo na si Stefan sa desk niya. A refreshing site to see in the morning, dahil usually, ako lagi ang nauuna. Ngayon, sakto lang ang dating ko five minutes bago ma-declare na late ako.   “At bakit late ang pinaglihi sa ibong maaga?” tanong ni Stefan habang nakatutok parin sa monitor. He’s probably scanning through the interview na ipinasa sa kaniya na kailangan niyang i-edit para sa magazine.   “Wala…”   “Hay, nako… Ka-stress sa buhayz ang interview na ‘to, mare!” reklamo nito, pero tuloy parin siya sa pagbabasa.   “Sino ba ‘yan?” curious ako kung kaninong interview, dahil normally, artista ang kino-cover ng magazine na pina-publish nila.   “Shaun Silvestre raw…” napa-kibit balikat nalang ako nang hindi ko maalala kung saan ko siya narinig.   Nang tignan ko ang desk ko, tambak pa pala ako nang gagawin. May isang novel akong ine-edit kasama na ang pag-review sa mga i-e-edit ko tight after kong matapos sa isang article.   “God… ang dami pa pala…” napahilamos ako sa mukha ko at isinuot ang anti-radiation glasses ko na covered ng kumpanya.   Nagsimula ko nang i-edit nang maigi ang chapters ng bawat kuwento. The novel I am editing right now has a tragic ending na sobrang gusto ko, dahil naniniwala ako na ang happy ending sa buhay, imposible.   I’m just living my life right now to earn money, to save and to finally buy properties na at the end of the day--- wala. Hindi mo naman madadala sa hukay. Feeling ko rin naman, hindi ako makakapag-asawa, magkakaroon ng anak, because God knows na I don’t really know how to handle those things.   Parenting? Nah… It ain’t for me…   “Anong sabi ng landlord sa plano mo, ‘te?” tanong ni Stefan, kaya naman napa-pitlag ako mula sa pag-e-edit.   “Well, ayon, may big big problem na for sure hindi ako ang makasasagot. Girl, money ang problem. Who am I to answer that!” natawa naman siya sa sinabi ko habang patuloy lang ako sa pagta-type.   It’s a good thing that I can focus on editing while making chika with Stefan. Minsan lang, kinakabahan ako at baka ma-i-type ko ang dapat kong sabihin kay Stefan sa libro o kahit ano mang in-e-edit ko.   Panaw kung ganon…   Habang nag-e-edit ako, bigla na namang sumagi sa isip ko ang nangyari kanina sa biyahe ko papuntang trabaho. Biglang na-blangko ang utak ko.   Gosh! Ayokong isipin, kasi marami pa akong dapat gawin… I need to focus in my work first, bago mag-isip isip nang kung ano ano.   Tahimik akong tumayo at naglakad tungo sa coffee room na one office away lang sa kung saan kami naroon ni Stefan. Mayroong dispenser doon and luckily for us, we can freely choose kung ano ang gusto naming inumin for free, dahil covered ng kumpanya ang kahit ilang beverage or drink ang makuha namin. Kaya lang, hindi libre ang lunch, so medyo sayang din ‘yon.   Para maitaguyod ang sarili ko, pweding pwede na rin ang sahod na makukuha ko rito. Tama lang para maka-ipon at sobra sobra pa siguro sa panggastos ko, lalo na sobrang tipid ko lang naman sa sarili ko.  Habang pumipili ako ng ma-iinom, bigla namang may pumasok sa coffee room at tumabi sa akin, “Miss Fernandez, kumusta na ‘yung pinapa-review kong files sa’yo?” It was none other than, my EIC.   “Still working on po sa novel, Ma’am… pero surely, this week matatapos ko na po ang final editing no’n.” tumango naman ito at mabilis na pinindot ang black coffee sa coffee machine atsaka ‘yon kinuha.   “Just make sure na siya ang susunod right after that novel, ha. Busy rin kasi siyang tao. Full schedule, so kailangan pa siguro ng appointment bago pa mag-meet.” Tumango naman ako at ngumiti rito, “Don’t worry, Ma’am. Sure po ‘yon.” Iniwan rin nito matapos niyang tapikin ang balikat ko.   Ma’am Esmeralda is a 40-year-old woman na mukhang 20 lang. She still looks hot inspite of her age. Everyday, nagsu-suot siya ng uniform ng mga EIC na pencil cut skirt at stilletos na pinaparisan niya ng iba’t ibang kulay ng blazer habang white naman ang suot niyang button down blouse.   Bigla ko namang naalala ‘yung folder na bigay niya. I didn’t even dare to open it that time since subject palang, alam ko na na hindi ako mag-e-enjoy. Sino ba namang mag-e-enjoy sa topic na kinamumuhian ko.   I hate hospitals and of course, doctors. Most of them are liars at hindi mo malalaman kung alin sa kanila ang nagsasabi ng totoo. They’re selfish and that’s disgusting. I can’t even walk inside the hospital without feeling nauseous of the smell and the people who run it.   And to think na may tumulong na nurse kanina sa akin sa bus… nakaka-kilabot. Kung hindi ko lang talaga kailangan na kailangan, susungitan ko talaga siya, dahil ayoko. Ayokong ma-involve sa mga taong may kinalaman sa hospital, sa panggagamot--- lahat.   Kung sakaling may mangyari mang masama sa akin, feeling ko mas sasakit lang ang pakiramdam ko kung dadalhin nila ako sa hospital. L   Nang mapili ko ang hot chocolate drink, lumabas na ako sa coffee room at dumiretso sa desk ko. Napansin naman ni Stefan ang hawak ko, kaya naman sumimangot siya sa akin.   “Hindi mo talaga ako naaalala, ‘no?”   “Eh may kape ka naman diyan…” kunwaring sabi ko, pero ang totoo, nakalimutan ko lang talaga siyang ikuha, dahil sa pagka-spaced out ko sa pagmamadali sa akin ng EIC.   “Ay, ewan ko sa’yo. Katampo ka!” alam ko na nagbibiro lang siya, kaya naman tinawanan ko lang siya.   Natapos ang isang araw na naka-13 chapters ako. Typical murang lunch lang sa canteen ang kinain ko--- adobong manok at dalawalang order ng kanin, dahil sobrang gutom ko bigla--- at sa snacks naman, hindi na ako kumain ng solid at pinili ko nalang mag-coffee break.   Alas-sais na ng gabi, kaya narinig ko na ang pagtayo ni Stefan sa tabi ko.  Limang chapters nalang ang i-e-edit ko at puwede na akong magsimula sa atat na ipagawa ni Ma’am Esme.   “Girl, una na’ko. Soon sabay na tayo uuwi!” masayang sabi nito na may pa-talon talon pa habang nagsasayaw na naglakad papalabas ng pinto ng office.   “Ingat!” sigaw ko habang ako, nililigpit ko pa ang mga nagkalat na bondpapers sa desk ko.   Kaming dalawa lang kasi ang magkasama sa office. Wala ‘yung isa naming tahimik din na kasama. Sick leave yata at baka matagalan pa bago namin siya makita ulit. Mabait naman siya, pero sa palagay ko, hindi kami mag-ma-match, dahil same kami ng energy--- wala kami parehas no’n.   Akmang dadamputin ko na ang bag ko pagkatapos kong mag-ayos ng gamit nang mahagip ng mga mata ko ang folder kung saan nakalagay ang details ng VIP ‘kuno’ namin at kailangan naming unahin, dahil kesyo ‘busy’.   Lahat naman kami busy, duh.   Ipapasok ko na ulit sana ito sa maliit na cabinet ko nang bigla akong makakita ng pangalan ng isang pamilyar na hospital. Ang kaninang atat kong sarili na gusto nang umuwi ay napa-upo ulit sa upuan ko para tignan ‘yon. Nang basahin koi to nang mabuti, tsaka ako nalinawan kung sino at saan koi to nakita…   Sigurado ako. Hinding hindi ko ‘yon makakalimutan.   “Mga walang hiya…” pabulong kong sabi habang wala sa sarili kong nalukot ang papel, dahil sa higpit nang pagkaka-hawak ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD