"Ikaw na talaga, Bes!" Halos mabilaukan sa kakatawa si Callie habang nagkukwento ako sa kanya sa paborito naming coffee shop ngayong Linggo
I rolled my eyes. "Stop it, Callie! Kasalanan mo to, eh!"
"Aba, hindi ko naman kasalanan kung namali ka ng target lock!" Tawa pa rin ito nang tawa habang hawak ang kanyang tyan
"Pero in fairness, Bes... gwapo ba? Iba rin kasi ang appeal ng mature men, 'no! At malay mo, kaya pala palagi kang bigo sa pag-ibig, eh pang-AFAM pala talaga ang beauty mo!"
Bahagya akong natigilan. Hindi ko man aminin nang malakas kay Callie, Greg was undeniably handsome. May kakaibang authority, alindog, at karisma ang lalaking yon na mahirap ipagkaila
Napailing na lang ako. "Well... Greg was a gentleman, actually. Na-guilty nga ako dahil na-judge ko agad sya na presko, eh ako pala itong nambulabog sa kape nya kahapon,"
Napapikit ako nang mariin habang naiisip ang pagsalute at pagkaway nya sa akin sa salamin. "Nakakahiya talaga, Bes! Ayoko nang maalala!"
"Hay naku, Bes! Tigilan na nga natin 'yang blind date na 'yan. Ako pa ang napapahamak sa 'yo, eh," dagdag ko bago muling uminom ng kape
Pagkatapos ng pakikipagkulitan ko kay Callie ay umuwi na ako sa aking apartment. Kasalukuyan akong nagluluto ng hapunan nang biglang tumunog ang aking doorbell
Ding! Dong!
Agad akong lumapit at sumilip sa peephole. Kumunot ang noo ko nang matagpuan si James sa labas ng pinto. Nagmadali akong buksan iyon
"James? What are you doing here?"
"Can I come in?" tanong nito. Seryoso ang kanyang mukha at halatang may mabigat syang pasan
"Sure, come in."
Pinapasok ko sya sa aking condo at pinaupo sa dining area. Naghain ako ng dalawang plato, kubyertos, at ang bagong luto kong hapunan. Knowing James, he wouldn't show up at my doorstep on a Sunday night if it wasn't extremely urgent
"Sienna," panimula nito habang nakatitig sa bakanteng plato sa kanyang harap
"Vance Group is more than a bread and butter for me. It has been twenty years since I led the company as its CEO. Beyond the title, I know that my purpose is to leave a legacy to the employees making up this company and to our valued customers. I won't let anyone destroy it,"
Tumingin sya sa akin, may halong lungkot at pait ang kanyang mga mata
"But at this point... I don't trust anyone in the company right now. You are one of the very few people I can truly rely on,"
"What's wrong, James?" tanong ko habang naupo sa tapat nya
Napabuntong hininga ito nang malalim
"Hindi ako mapalagay sa binulgar ni Spy007... I won't stop until I find the truth. I need your help, Sienna,"
"How can I help?"
"Find out the truth,"
Napatitig ako kay James. Find the truth?
Bilang Crisis Communications Specialist, sanay ako sa damage control, sa media relations, at sa pagprotekta sa pampublikong imahe ng kumpanya. Pero ang mag imbestiga at maghanap ng katotohanan sa isang PHP125M fraud?
"I know you're wondering why I'm asking this from you," patuloy ni James, na tila nababasa ang takbo ng utak ko
"I will explain everything during our confidential meeting tomorrow. But tell me... are you willing to take on this mission with me?"
Nag aalinlangan man ang aking rasyonal na pag-iisip, nangibabaw ang limang taong pagkakaibigan namin ni James at ang malalim kong malasakit sa kumpanya
"I'll help you, James," sagot ko nang may buong pagpapasya
Isang maluwag na buntong hininga ang pakawalan ni James. Pinagsalikop nya ang aking mga kamay at hinawakan iyon nang mahigpit
"Thank you, Sienna,"
Kinabukasan, alinsunod sa oras at lugar na sinabi ni James, pumasok ako sa isang private function room ng isang kilalang fine dining restaurant malapit sa Central Business district
Natagpuan ko sa loob ng silid si James kasama si Macy, ang aming Chief Human Resources Officer. Tumayo si James at nakipagkamay sa akin
"Sienna," nakangiti nitong bati
"Good morning, Sienna," bati ni Macy
"Good morning, James. Good morning, Macy," bati ko sabay nakipagkamay sa kanila
Nang makaupo na kaming tatlo sa paligid ng bilog na mesa, muling naging seryoso ang aura ni James
"Kayo lang dalawa sa buong kumpanya ang pinagkakatiwalaan ko tungkol sa proyektong ito," seryosong panimula ng CEO
"I expect absolute confidentiality and your ultimate loyalty ‐ not just to me, but to Vance Group."
Tumango kami ni Macy
"Sienna," baling sa akin ni James. "You will spearhead a special corporate project under the guise of an internal Communications and Employee Engagement Review. Macy will grant you full and unrestricted access to all HR records, exit interview logs, organizational charts, and personnel files. On paper, it's a routine culture enhancement program. In reality, it's your cover to look into every department without raising suspicion."
"Understood," sagot ko
Matalino ang naisip nyang strategy. Walang magtataka kung bakit naghahalungkat ng files ang Communications Specialist kung ang dahilan ay "Employee Experience Study."
"However," dagdag ni James, "this is a massive financial and corporate fraud investigation. You cannot do this alone. I’ve brought in an expert,"
Knock! Knock!
Bumukas ang pinto ng silid. Agad na huminto ang mundo ko nang pumasok ang isang matangkad at malapad ang balikat na lalaki.
He was wearing a tailored charcoal-grey suit. Clean shaven bald head, sharp dark rimmed glasses at may dalang aura ng isang taong hindi mo basta-basta pwedeng lokohin
OMG.
Si Greg.
Ang matandang pinagbintangan kong presko sa Café Flora noong Sabado!
Halos matuyo ang lalamunan ko. Napahawak ako nang mahigpit sa gilid ng mesa habang ang buong mukha ko ay nag uumpisang mag init sa matinding hiya at gulat
"Sienna, Macy," pakilala ni James habang pumapasok ang lalaki
"This is Greg Thorne. He's an independent Special Corporate Investigator. Greg spent twenty years as a Federal Special Agent in the US handling high-level crimes before transitioning into international corporate security,"
Tila nabingi ako sa mga sumunod na sinabi ni James. Ex-federal agent?! Special Investigator?!
Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko! Ang lalaking inakusahan kong 'sugar daddy' at 'gumagawa ng mind games' ay isang napakagaling at peligrosong imbestigador!
Naramdaman ko ang sulyap sa akin ni Macy
"Wow... welcome aboard, Greg," nakangiting bati ng CHRO namin, na halatang kumikislap ang mga mata at bahagyang kinikilig sa matipuno at imposing presence ng lalaki
"It's an absolute pleasure to have someone with your profile working with us,"
"The pleasure is mine, Macy," sagot ni Greg
Ang malalim at malamig nyang baritone voice ay muling humaplos sa tainga ko -- ang eksaktong boses na narinig ko sa cafe!
Bumaling si James sa akin
"To keep Greg's investigation completely under the radar, we need a solid cover story for him inside the office. Starting today, Greg will be introduced to the company as an Executive Expat Assignment from our US overseas site. Officially, he is a Senior Operations Advisor reporting directly to you, Sienna, under your Engagement Project."
Nanlaki ang aking mga mata
"R-reporting to... me?"
"Yes," tango ni James. "You will be his Host Assignment Manager. Under your shield, Greg can freely interview executives, review operational processes, and access secured floors without anyone questioning his presence. If anyone asks, he's just an expat shadowing your team,"
Akmang magrereklamo ang utak ko nang maramdaman kong humakbang si Greg at huminto sa mismong tabi ng upuan ko.
I slowly turned my head up. From behind his glasses, Greg's hazel eyes locked onto mine. A slow, playful, and subtly flirtatious smirk played on his lips... the exact same amused smile he gave me behind the cafe window
Sumandal sya nang kaunti sa mesa, lumalapit sa espasyo ko
"Well then..." humina ang timbre ng boses ni Greg, sapat lang para marinig naming lahat sa mesa. "...I look forward to reporting to you, Boss. I have a feeling I'm going to learn a lot under your very... strict supervision."
Muling uminit ang aking mga pisngi. Pinagsasamantalahan ng lalaking ito ang eksena noong Sabado!
"I-I'm sure we'll work... efficiently, Mr. Thorne," pilit kong pormal na sagot, kahit na pakiramdam ko ay nagproproprotesta na ang puso ko sa matinding kaba
Tumingin si Greg sa akin nang may malalim at nakatutuksong titig bago dahan dahang tumuwid ng tayo
"Call me Greg, Sienna. After all... we already skipped the formal introductions, didn't we?"