CHAPTER 4

1748 Words
"Below is our comms plan for tomorrow," ​Pagkatapos kong maitipa ang huling pangungusap ng email at mapindot ang send patungo sa mga email nina James, Macy, at Greg, dahan dahan kong isinara ang aking laptop ​Napatakip ako ng mukha habang nakaupo sa aking study chair. Ang bilis at ang dami ng nangyari ngayong araw ​From: Macy To: Sienna ​Sienna, I already took care of Greg's Alien Employment Permit application and other HR/Global Mobility requirements. Tomorrow, as his manager, please do the supervisor orientation and the ramp plan. Attached is the onboarding checklist. ​Paulit ulit na bumabalik sa aking alaala ang email na yon ni Macy. Sinong mag aakala na ang lalaking napagkamalan kong blind date at inakusahan kong presko sa Cafe Flora ay magiging tao ko sa papel?! Gosh! Paano ako makikipagtrabaho nang pormal sa kanya nang hindi naiisip ang matinding kapahamakang iyon?! ​Kinabukasan, kahit halos walang tulog ang isip ko sa pag aalala, maaga pa rin akong pumasok sa opisina. ​Sinigurado kong malinis at maayos ang bakanteng cubicle na magiging workstation nya na nakapwesto sa labas mismo ng pinto ng sarili kong opisina Kinuha ko na rin mula sa IT department ang gagamitin nyang company-issued laptop at inihanda ang new hire welcome kit ng kumpanya ​Pagkabalik sa aking silid, muli kong binuksan ang onboarding checklist. Sanay naman akong humarap sa mga media reps at matataas na executives, pero bakit kailangan ko pang magpraktis sa harap ng salamin kung ano ang eksaktong sasabihin ko kay Greg Thorne?! Nakakaasar! ​Nang makuntento sa ginawa kong spiel, sumandal muna ako sa aking executive chair at dahan dahang pumikit. Inalis ko ang tali ng aking buhok at hinayaan itong bumagsak sa aking balikat habang sinusubukang mag-relax. Ako pa lang naman ang tao sa floor na ito sa ganito kaagang oras, kaya hinayaan kong nakabukas nang bahagya ang pinto ng aking silid ​Ilang sandali pa, dala ng pagod at puyat, unti unti na akong bumigay sa antok. ​Isang malamig at maawtoridad ngunit napakahinang tikhim ang pumukaw sa aking pandinig ​Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nanlaki ang paningin ko at mabilis na napaupo nang tuwid sa aking upuan nang matagpuan si Greg na nakasandal sa frame ng pinto ng aking opisina. Nakasuot siya ng isang light checkered button-down shirt, hawak ang isang tasa ng kape at nakatitig sa akin mula sa likod ng kanyang glasses ​"I-I'm sorry!" nauutal kong maingat na panimula habang mabilis na inayos ang gulo gulong buhok. "I didn't realize I fell asleep..." ​Isang tahimik at mababang tawa ang pinalabas ni Greg habang pumasok sya sa silid, ipinatong ang kape at dahan dahang itinuon ang mga palad sa gilid ng aking mesa ​"No worries, Sienna," maawtoridad ngunit marahang sagot nya. His deep baritone voice was warm and surprisingly gentle "Looks like you're overworking yourself before the investigation even starts," ​Hindi ako nakaimik. Kung alam mo lang, Greg Thorne, ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog kagabi! ​"By the way," mabilis kong pag iiba ng usapan habang pilit na ibinabalik ang aking corporate persona "Here is your company laptop and new hire kit. I also prepared your workstation outside, and we can go there after our supervisor orientation," ​"Thank you," simpleng sagot nya, sabay tanggap sa folder na inabot ko at naupo sa upuan ​"Greg," seryoso kong tawag sa kanya. ​Inangat niya ang kanyang paningin mula sa folder at tumitig sa akin ​"I... I know we didn't start on the right foot last Saturday," panimula ko nang may kumpiyansa. "But I want to maintain a completely professional dynamic between us. I respect your expertise as a Senior Investigator, and I intend to learn from your process. As your Host Assignment Manager, I assure you that I will support your cover and shield you so you can carry out what you need to do without interference," ​Sumandal si Greg sa kanyang upuan, dahan dahang pinag cross ang kanyang mga braso habang sumisilay ang nakatutuksong ngiti sa kanyang mga labi ​"I didn't think our first encounter was bad..." banat nya sabay bahagyang pag lean in sa mesa. "In fact, I thoroughly enjoyed it. Even if you rejected me before I could even offer you a cup of coffee," ​Napatigil ako. Narito na naman ang nakakainis nyang kapreskuhan! ​Tumikhim ako nang malakas para itago ang pamumula ng aking leeg. "Right. Moving on. I'm going to discuss your onboarding checklist, corporate policies, and your engagement ramp plan under the Internal Communications department," ​"Sounds good to me, Boss," nakangisi nyang tugon ​Habang iniisa isa ko ang onboarding checklist, training modules, at organizational charts, ako yata ang sobrang na co-conscious. Kahit mas may edad, mas may karanasan, at mas imposing ang kanyang presence, nakaupo lang si Greg sa tapat ko -- matama at tahimik na nakikinig habang nakatitig sa bawat galaw at salita ko. His undivided attention was somewhat nerve-wracking ​Muli akong tumikhim para basagin ang tensyon. "That's it for the paperwork. Let me show you around the executive floors," ​"Yes, Ma'am," sagot nya sabay tayo at bahagyang nagsalute gamit ang eksaktong kaway na ginawa niya sa cafe! ​Napakagatlabi ako at pilit na tinago ang maliit na ngiti. Kahit gaano ako katense sa presensya nya, may paraan talaga ang lalaking ito para pagaanin ang atmosphere. ​Inilibot ko siya sa administrative offices, sa HR wing, at sa mga pangunahing departamento ng kumpanya ​"Can you also show me where the cafeteria is?" tanong nya habang naglalakad kami sa kahabaan ng hallway ​"Sure," sagot ko at pinaliko siya patungo sa main employee dining hall sa ground floor ​"Have you eaten breakfast?" tanong ko habang pinagmamasdan syang nakatingin sa paligid ​"Yeah, I had coffee and breakfast at my hotel. Just wanted to check the options for lunch later," sagot nya ​May mga nakahain nang pagkain sa stainless steel bain-maries para sa maagang breaktime ng morning shift employees ​"Do you have any dietary restrictions?" tanong ko, pilit na inaalala na hindi sya sanay sa tipikal na pagkain sa Pilipinas ​"None, really. I'm quite adventurous with food." ​Itinuro ko ang mga nakahain. "This is Pork Adobo - it's like a stewed pork in soy sauce and vinegar. That one is Sinigang, a sour broth with meat and vegetables. And that one is fried spring rolls..." ​"That's Lumpia, right?" mabilis nyang putol sa akin ​Napatingin ako sa kanya nang may pagtataka. "Yeah! How did you know?" ​Bahagyang ngumiti si Greg. "Back when I was with the Bureau in the US, my partner's friend always made lumpia for our team during late-night operations. She told me to never leave the Philippines without eating authentic lumpia," ​Napatango ako. My partner? So may asawa na pala sya sa US. Grabe. And here he was trying to tease me with that Saturday incident. Hindi ko maintindihan bakit ako nainis nang kaunti. Kung sabagay, ako naman kasi ang lumapit sa maling kablind date, kaya ako rin ang may kasalanan! ​"Well, in that case, you have to try ours," pinilit kong ibinalik ang atensyon sa lumpia "Ate, isang order po ng Lumpiang Shanghai," ​Kumuha ako ng tray at inilagay roon ang maliit na plato ng bagong lutong lumpia. Akma ko nang ilalabas ang wallet ko para magbayad nang mabilis na inabot ni Greg ang card reader sa counter ​"Let me pay for it," malamig ngunit pinal nyang sabi ​Hindi na ako nakipagtalo pa. Hinayaan ko syang magbayad habang kumuha ako ng maliit na lalagyan ng banana ketchup bilang sawsawan saka kami lumipat sa isang bakanteng mesa sa gilid ​"Please, go ahead," imbitasyon ko, pilit na iwinawaksi ang inis kanina ​Kumuha si Greg ng isang piraso, isinawsaw sa ketchup at kinagat iyon. Tahimik kong pinagmasdan ang reaksyon nya ​"How is it?" tanong ko ​Muling tumaas ang magkabilang kilay nya sabay tango. "Mmm. This is actually really good. Better than the ones in DC," ​Naaliw ako sa paraan ng pagnguya nya -- marunong syang mag enjoy sa mga simpleng bagay sa kabila ng maawtoridad niyang tindig ​"You say 'Masarap'," turo ko sa kanya. "It means delicious," ​"Ma-sa-rap," subok nyang bigkas gamit ang kanyang malalim na accent ​"Have some more," alok ko ​"Hey, I'm not planning to finish this entire plate alone," sagot nya sabay tulak ng tray pabalik sa gitna naming dalawa. "Have some, Boss," ​Napangiti ako nang tuluyan at kumuha rin ng isa ​"How long have you been working for Vance Group?" tanong ni Greg habang dahan dahan kaming naglalakad pabalik sa aming departamento ​"Five years," tugon ko ​"How's the experience so far?" ​"It has been challenging, but deeply fulfilling," sagot ko habang nakatitig sa hallway "James Vance is an incredible mentor. I strongly align with his vision for the company and how he values the people... I guess that's the main reason why I'm still here," ​Bahagyang napatigil si Greg sa paglalakad, dahilan para mapatigil din ako at lumingon sa kanya ​"Are you sure he's completely aligned with those values, Sienna?" tanong nya. Ang boses nya ay nawalan ng alindog at pinalitan ng matalas, malamig, at analytical na tono ng isang veteran investigator ​Kumunot ang noo ko, medyo naging defensive para sa CEO. "What do you mean by that, Greg? I know James. I've worked closely with him for five years both as a boss and as a friend. He cares about this company," ​Isang munting, misteryosong ngiti ang sumilay sa mukha ni Greg. Ibinaba nya ang kanyang boses at bahagyang naglean in sa akin ​"Easy, Sienna," pabulong nyang paalala. "In my twenty years of digging through corporate fraud, I've learned one universal truth: everyone has something they're hiding. Even the people you trust the most," ​Napatitig ako sa kanyang hazel eyes. May kakaibang kaba na humaplos sa dibdib ko. ​"Is that a warning, Mr. Thorne?" tanong ko nang may diing pormal. "Or are you just naturally cynical?" ​Dahan dahang itinuwid ni Greg ang kanyang tayo at inayos ang kanyang glasses, pabalik sa kanyang composed at confident na aura ​"Call it an investigator's instinct," sagot nya sabay bukas ng pinto ng aking opisina para sa akin. "Let's just say... I'm here to make sure you don't get caught in the crossfire when those secrets start coming out,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD