"To ensure smooth execution of our strategic roadmap for this quarter, Sienna will be leading a Special Corporate Project under the Human Resources department, focusing on Employee Experience and Workplace Engagement," pormal na pahayag ni James Evans habang nakatayo sa dulo ng mahabang glass table sa boardroom
Nakatutok ang paningin ng lahat ng Department Directors sa amin
"In line with this," patuloy ni James, "we are also welcoming an Executive Expat Assignee from our US overseas site. He will be on a temporary advisory assignment working directly with Sienna's team,"
Tumayo ako at pormal na iniharap ang lalaking nakaupo sa tabi ko
"Everyone, this is Greg Thorne. He will be our Senior Operations Advisor for this engagement project,"
Tumayo si Greg. Suot ang kanyang tailored suit at dark-rimmed glasses, imposing at puno ng awtoridad ang kanyang kaanyuan. Yet, when he spoke, his deep American baritone voice was refined, polite, and surprisingly accessible
"Good morning, everyone," magalang na bati ni Greg, na may kaunting ngiti sa kanyang mga labi
"It's an honor to be here and to support Sienna’s initiative. I look forward to working closely with all of you,"
He was warmly welcomed by the leadership team. May mangilan ngilang directors na nakangiti at mahinang nagkukwentuhan na tila interesadong makasama si Greg sa trabaho
"Welcome to the Philippines, Greg!" bati ng isang Operations director. Magalang na ngumiti si Greg
Pagkatapos ng Directors' meeting, dumiretso kami sa HR Conference Room kung saan ipinakilala kami ni Macy sa kanyang HR Team
"You all know Sienna from Crisis Comms," panimula ni Macy habang nakatayo sa gitna ng conference room. "She will be spearheading a major Employee Engagement review with us. I expect full cooperation and support from everyone whenever she needs data or access from your respective units,"
Bumaling si Macy kay Greg na nakatayo sa tabi ko
"And this is Greg Thorne, an expat on temporary assignment from our US site. He will be reporting directly to Sienna under the Comms department,"
Tumingin si Greg sa team. Bago pa man magsalita ang sinuman, bahagya syang yumukod at nanalita sa kanyang malalim at buong boses
"Magandang umaga sa inyong lahat,"
Bahagyang napasinghap ang dalawang babaeng HR managers sa harap. Isang kolektibong ngiti at kilig ang agad na humaplos sa buong kwarto dahil sa kakaibang charm ng isang mature at gwapong AFAM na nagtatagalog!
Pati ako...kahit gaano ko piliting manatiling pormal habang nakahawak sa aking iPad...naramdaman ko ang dahan dahang pag akyat ng init sa aking mga pisngi. The man certainly knows how to hold a room
"Marunong ka mag Tagalog, Sir Greg?!" masayang tanong ng isang Training Manager
"A little," pilyong ngiti ni Greg. "I'm still learning. My Boss here..." tiningnan nya ako nang mabilis galing sa gilid ng kanyang mata, "...is very strict, so I have to catch up fast,"
Nagtawanan ang mga tao. Ilang sandali pa ay biglang napasigaw ang isang mas batang HR specialist sa gilid
"Naku Sir, Mahal kita!"
Napatigil ang buong kwarto. Nanlaki ang mga mata ni Macy at mabilis na pinalo ang mesa sa hiya
"Team! Professionalism, please!"
Natawa nang malakas si Greg habang ako naman ay gustong takpan ang mukha ko sa halu halong gulat at hiya para sa team
Mabilis na lumipas ang buong hapon. Binalikan ko ang aking mga pending deliverables sa Communications habang si Greg naman ay tahimik na tinapos ang kanyang mga mandatory HR orientation trainings sa kanyang workstation sa labas ng opisina ko
Bago ko namalayan, 7:30 PM na pala. Overtime na naman. Nasanay na ako sa ganitong oras ng uwian, lalo na kapag marami akong iniisip.
Knock! Knock!
Napatingin ako sa pinto. Nakatayo roon si Greg, nakatupi na ang mga manggas ng kanyang button down shirt at wala na ang kanyang amerikana
"Still finishing some stuff?" tanong nya habang nakasandal sa frame ng pinto
Nanlaki ang mga mata ko
"Greg? Why are you still here?!"
Bigla akong nakaramdam ng matinding guilt. First day pa man din nya! Baka inakala nyang kailangan nyang mag stayback dahil hindi ko sya nasabihan na 5:00 PM ang pormal na clock out time para sa admin/support team
Isang mababang tawa ang pinalabas ni Greg habang dahan dahang pumasok at umupo sa upuan sa tapat ng mesa ko. His posture was relaxed, mature, and completely unbothered
"Relax, Sienna," amused nyang ganti. "I'm a grown man. I know when my shift ends. I completed all my mandatory modules hours ago,"
"Then why didn't you go home to your hotel?" takang tanong ko
"Because we have a mission," seryosong sagot nya, habang ibinababa ang kanyang boses
"I wanted to clear our gameplan for tomorrow. We can do a quick ten minute huddle now, or if you're too exhausted, I can meet you early tomorrow morning,"
Agad akong nakaramdam ng hiya sa dedikasyon at sa pagiging maasikaso nya kaya agad akong umayos ng upo
"No, it's fine. Let's do it now,"
Yumukod si Greg at kumuha ng panulat
"Great. Here's what I need from HR under the guise of your Employee Engagement review:
Attrition trend for the past three years, including reasons for leaving;
Three-year Employee Engagement Survey trend analysis...I want to see which departments have dropping morale,"
Mabilis akong nag notes sa aking notebook.
"Got it. I'll ask Macy to set up a private alignment meeting for the three of us tomorrow morning so we can extract the files seamlessly,"
"Perfect," tango ni Greg
Nang matapos ang aming pag uusap, agad akong tumayo para magligpit ng gamit. Nauna si Greg na humakbang patungo sa pinto. Dahan dahan nyang binuksan iyon at hinawakan habang hinihintay akong makalabas
Napatigil ako nang bahagya. In my five years in Vance Group, halos nakalimutan ko na ang pakiramdam ng ganitong uri ng gentle chivalry mula sa isang lalaki. It felt... disarming
"Thank you," bulong ko
"After you, Boss," nakangiting ganti nya.Pagdating namin sa elevator, pinindot ko ang Basement Parking habang pinindot naman ni Greg ang Main Lobby
"Paano ka uuwi, Greg?" tanong ko habang bumababa ang elevator. "Did HR assign you a service vehicle already?"
"Not yet. Global Mobility is still processing the expat transport package," kaswal nyang sagot. "I just walked from the hotel this morning. It's only a ten-minute walk."
Pagbukas ng elevator sa ground floor, natanaw namin mula sa salaming pinto ng lobby ang napakasama at napakasungit na buhos ng ulan sa labas. Malakas ang hangin at madilim ang paligid
Kumunot ang noo ko, "Greg, it's pouring outside!"
"I have an umbrella, Sienna. I'll be fine," paninigurado nya
"No way," pinal kong ilag. "Hindi kita hahayaang maglakad sa ganitong ulan sa first day mo. Sumabay ka na sa akin sa parking. I'll drop you off at your hotel,"
Bahagyang natigilan si Greg, ngunit nang makita nya ang seryosong mukha ko, isang munting ngiti ang sumilay sa kanya
"Alright. Lead the way,"
Habang nagmamaneho ako sa gitna ng mabigat na trapik at malakas na ulan, tahimik at malamig sa loob ng kotse. Nakasandal si Greg sa passenger seat, payapang nakatitig sa mga ilaw ng kalsada sa labas
Grumbleee!
Isang napakalakas at nakakahiyang tunog ng nagrereklamong tyan ang biglang umalingawngaw mula sa akin
Napatakip ako ng tyan. OMG. Bakit ngayon pa?!
Isang malutong at napakalambing na tawa ang narinig ko mula kay Greg
"Sounds like someone forgot to eat lunch," kantyaw nya
"I had a busy day..." pilit kong depensa habang nag iinit ang mukha ko sa hiya.Medyo yumuko si Greg at tiningnan ang establishments sa gilid ng kalsada
"Look, there's a rustic Italian bistro right over there. Pull over. Let's get some dinner,"
"Naku, Greg, dideretso na kita sa hotel—"
"I am ordering you as your investigator, and inviting you as a gentleman," pinal nyang putol nang may nakalolokong tono
"Come on, Sienna. I'm hungry, too,"
Hindi na ako nakatanggi pa. Ilang minuto ang nakalipas, nakaupo na kami sa loob ng isang maliit at warm-lit Italian bistro.
Maaliwalas ang lugar, may amoy ng freshly baked garlic bread, at may mainit na bowl ng creamy truffle pasta at pancetta sa gitna ng mesa naming dalawa
Dahil sa masarap na pagkain at sa layo mula sa pressure ng opisina, unti unting naging relaxed at magaan ang atmosphere sa pagitan namin. Habang umiinom si Greg ng kanyang tubig, sumandal sya sa kanyang upuan at tinitigan ako mula sa likod ng kanyang glasses
"Sienna..." panimula nya. His voice vibrated low, baritone, and rich. "...earlier in the HR meeting, one of the team yelled something at me when I smiled. What does this mean... 'Mahal kita'?"
Muntik na akong mabilaukan sa kinakain kong pasta!
Agad kong inabot ang baso ng tubig at mabilis na uminom. Narinig at naaalala nya pala 'yon?!
"Oh... that!" pilit kong tawa gamit ang aking Corporate PR Voice
"Don't mind her, Greg. She was just... messing around. It's just a casual slang expression here. Nothing important!"
Bahagyang naglean in si Greg sa ibabaw ng mesa. Ibinaba nya ang kanyang mga palad at nakatutok ang kanyang hazel eyes sa mga mata ko --- intimidating, extremely sharp, yet unmistakably, seriously flirtatious
"I'm not asking about her intention, Sienna," pabulong nyang sabi, "I'm asking for the direct translation. What does it mean?"
Namula nang husto ang buo kong mukha. Pakiramdam ko ay nagkabuhul buhol ang t***k ng puso ko. Bakit ba napakahirap magsalita sa harap ng lalaking ito?!
Napatitig ako sa kanya, walang kakayahang kumalas sa kanyang tingin
"It... it means..." pabulong kong sagot, halos hindi mailabas ang boses. "...'I love you',"
Isang mabagal at napakagwapong ngiti ang dahan dahang sumilay sa mga labi ni Greg. He didn't break eye contact
"I see," dahan dahan nyang tango sabay sandal ulit. "Good to know,"
Gusto kong lumubog sa ilalim ng mesa sa matinding hiya! Pinagtitripan at hinuhuli lang ba ako ng lalaking ito?!
Pagkatapos ng hapunan, napansin namin na tuluyan nang tumigil ang ulan.
Dahil malapit lang ang bistro sa apartment building ko, nag alok si Greg na ihatid muna ako sa aking apartment bago sya magtaxi pabalik sa kanyang hotel.
Nang makarating kami sa parking ng condo tower ko, agad na bumaba si Greg sa kotse. Inikot nya ang sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Sabay kaming naglakad patungo sa lobby
"Thank you for the ride and for the dinner, Sienna," magalang nyang sabi
"Thank you, too, Greg. See you tomorrow,"
"Rest well, Boss," bulong nya sabay dahan dahang nag-salute—ang paborito nyang gawi
Nakatayo ako mula sa lobby ng apartment building habang pinagmamasdan ang matangkad, malapad ang balikat, at maawtoridad niyang bulto na dahan dahang naglalakad palayo sa ilalim ng malamig na gabi
Tahimik ang gabi, pero tila may nagbabadyang unos sa aking dibdib
Sienna, mag-ingat ka
Hindi lang basta isang kaso o isang imbestigador ang pumasok sa buhay ko. Si Greg Thorne ay isang lalaking may kakayahang itumba ang lahat ng pader, kontrol, at proteksyon na pinaghirapan kong itayo sa puso ko sa loob ng maraming taon. At ang mas nakakatakot... hindi ako sigurado kung gusto ko ba talaga syang pigilan