2 WEEKS after that incident. Hindi na nakikita ni Prince si Colyn sa opisina. Hindi din nya matanong ng deretso si Allen dahil alam nyang may sama din ng loob ang kaibigan sa kanya. Naging kaibigan din nila si Colyn at alam nila ang mga pinagdaanan nito sa piling nya.
Madalas na din nasa opisina si Sandra at nagpaplano para sa kasal nila. Nagpunta na din ang mga magulang ng babae sa kanya para pagusapan ang petsa ng kasal.
Gusto ng mga ito na madaliin ang kasal at magaganap ito sa susunod na linggo. Wala siyang ideya sa mga plano dahil hinahayaan nya lang si Sandra at mga magulang nito ang magasikaso. Inanunsyo na din sa mga dyaryo ang pagpapakasal nila. Madami ang nagulat na hindi si Colyn ang papakasalan nya.
Wala na ata talaga siya magagawa para maging ayos ang lahat. Kailangan na nyang i-give up ang lahat ng sakanila ni Colyn at bumuo ng pamilya kasama si Sandra at ng magiging anak nila.
Hindi naman siguro mahirap mahalin si Sandra at matututunan nya din ito sa tamang panahon. Natuto na siya sa mga maling nagawa nya. Natuto siya ngayong wala na si Colyn sa buhay nya. Tama nga sila na ang pagsisisi ay nasa huli.
Gayunpaman, marami siyang dapat ipagpasalamat kay Colyn at naimulat nya ang mga mata nya sa mga kamalian nya. May panahon pa siya para magbago kasama ang pamilyang bubuuuin nya.
Handa na siyang bitawan at isantabi ang nararamdaman nya para kay Colyn. Alam nyang hindi nya pa kaya ngayon ang lumimot at alam nyang hindi pa siya mapapatawad ni Colyn. Sana isang araw maging ayos ang lahat at magkapatawaran kami sa mga darating na panahon.
"Prince. .." Napalingon siya kay Sandra na kasalukuyang nasa opisina nya.
"Yes? May problema ba?"
Bahagyang napangiti si Sandra, ngiting kailanman hindi ko nabakasan ng kasiyahan. Siguro hindi nya din gusto ang pagpapakasal na ito, marahil ay napipilitan din siya dahil sa sitwasyon at sa mga magulang nya. Napapansin naman nya na yung mga magulang ni Sandra ang may gusto na maikasal sila agad. Wala na lang siguro siya magawa at naiisip nya na magdadala siya ng kahihiyan sa pamilya nila dahil sa mga nangyari.
"Ikaw ata ang may problema...malalim ang iniisip mo?"
"Wala ... wala ito." masasaktan lang siya kung sasabihin ko ano ang laman ng isip ko.
"Oh c'mon...halika dito.." tinapik nya ang bakanteng pwesto sa tabi."Lets talk."
Bumuntung hininga muna ako ng malalim bago tumabi sa kanya." Happy?" biro ko.
Natawa siya, napangiti din ako,kahit paano medyo gumaan ang pakiramdam ko. Maya maya ay nagsalita si Sandra.
"Prince ..." tumingin ako sa kanya pero nakayuko siya. Hinintay ko siyang magsalita ulit. "Alam kong mahirap itong desisyon na gagawin mo...at alam kong mahal mo pa si Colyn. Hindi ko siya kayang palitan sa buhay at puso mo. Sino ba naman ako di ba? Sumulpot lang ako isang gabi sa buhay mo. Alam kong wala ako karapatan sayo kahit maikasal pa tayo, maraming tao ang nasasaktan ngayon sa gagawin natin. Iniisip ko napaka selfish ko, inalisan kita ng kaligayahan para maayos at sumaya kasama ang taong mahal mo. I just want you know, im doing this because i love my parents so much."
Hinawakan ko ang mga kamay ni Sandra at marahang pinisil.
"I know you don't want this. Handa akong panagutan ang magiging anak ko sayo at handa akong panagutan ka. I don't know what will happen in the future but for sure i know na mas magiging better person ako, because of you and our child." ngumiti ako sa kanya ng tumingin sya sa akin.
"Prince...what if ayaw ko ituloy ang kasal?"
"Ha?! Are you crazy?? Palalakihin mong bastardo ang anak ko? No way! Paniguradong magagalit lalo sa akin si Colyn kapag hindi ko tinuloy ang pagpapakasal sa iyo at magagalit ang mga magulang mo sayo."
"Haaaayyyss...i see." malungkot na ngumiti si Sandra. " You are determined to do this because of Colyn. But i thought you love her, bakit ka magpapatali sa akin ng ganun lang?"
"Yes. I do love her a lot. She's my life and everything. But i know i already lost her because of what happened. Minsan kasi hindi din sapat yung mahal mo lang ang isang tao para mag stay kayo together. Like us, alam kong mahal nya ako ng sobra pero masyado kong tinake advantage ang pagmamahal nya. Yung akala kong pagmamahal ko sakanya ay nagiging dahilan na pala para masakal siya."
"Hindi nya ako pinilit magbago, tinuturuan nya ako maging better person. Kaya lang i chose pa din na maging ganito. Dapat hindi ko siya pinahirapan na baguhin ako, dahil kung sapat ang pagmamahal ko sa kanya dapat sa sarili ko alam ko na may dapat akong itama."
"Hindi ko na siya magawang habulin at balikan, dahil alam kong madami na akong damage na nagawa sakanya. I broke her heart million times and i think hindi ko na kayang buuin iyon. Kahit pilitin ko man, hindi na magiging tulad ng dati. Sayang. Sinayang ko lang ang lahat."
Naramdaman ko na lang na marahang dumampi ang mga palad ni Sandra sa pisngi ko. Tumulo na pala ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan.
"You're a good person now Prince. You should thank Colyn in the future. Atlis lahat ng hirap at sacrifices nya may napuntahan di ba? Hindi man natin masasabi na happy ending sa ngayon ,dadating din yung time na magiging okay sa inyo ang lahat"
Napangiti ako kay Sandra. Mabuting tao din naman ang magiging asawa ko. Sana nga maging maayos ang lahat.
Maya maya ay napatingin si Sandra sa cellphone nya na tumunog. Tinignan nya kung sino ang tumatawag, napansin kong bahagya siyang namutla ng makita kung sino ang tumatawag.
"Hey? Are you okay?" sinubukan kong silipin kung sino ang tumatawag pero mabilis na tumayo si Sandra at ngumiti.
"Y-yeah...im okay. I'll take this call na muna. Excuse me." aniya at nagmamdaling lumabas sa opisina.
Napakibit balikat na lang ako at bumalik sa trabaho. Ilang segundo lang pumasok naman sa opisina ko si Allen.
"Prince..."
"Yes? May mga need ba ako pirmahan or i-approve?"
"Wala naman. Gusto lang kita kamustahin at ang magiging asawa mo. Nasalubong ko sa labas na parang nakakita ng multo at nagmamdali. Nagtalo ba kayo?"
"Nope. May tumawag lang sa kanya, kakausapin lang daw nya." sagot ko habang abala sa binabasa kong dokumento. Hindi ko napansin ang pagtalim ng mga mata ni Allen.
"Alright. Labas na ako, naalala ko may gagawin pa ako. Call me if you need help."
**********************
Pagkalabas sa opisina ni Prince at nagmamadali ko tinungo ang isa sa mga fire exit kung saan ko nakitang papunta si Sandra. Malakas ang kutob ko na kausap na nito ang totoong ama ng pinagbubuntis nya.
Nalaman na namin ni Colyn na hindi talaga si Prince ang ama at ang dating nobyo nito ang tunay na nakabuntis dito. Pero ayaw pa din ni Colyn na ipaalam kay Prince ang lahat dahil gusto nya muna makausap ang ex-boyfriend ni Sandra. Hindi ko alam kung anong balak ni Colyn pero alam kong hindi nya hahayaan na matuloy ang kasal ng dalawa.
Dahan dahan akong nagpalinga linga at hinanap si Sandra. Maingat akong nagtago malapit sa kanya ng marinig ko ang ang boses nya.
"Carl ..please huwag mo na ako guluhin. Wala na tayo pagusapan pa. Settled na ang lahat. Ikakasal na kami next week......no....no...please ...listen to me...Please maawa ka sa parents ko...maawa ka sa anak natin ....y-yes ...i do love you pero saan tayo dadalhin ng pagmamahal na yan? Paano ang parents ko? ...ha??? Saan??...text me the place i'll be there at 6pm".
Mabilis ako umuna lumabas pagkatapos ng narinig kong usapan nila. Hindi nga kami nagkamali. Gusto lang maikasal ni Sandra kay Prince para isalba ang negosyo ng mga magulang nya. Ginamit nya ang pinagbubuntis para mapapayag ang kaibigan ko.
Pagkapasok ko sa opisina ay sakong tumawag si Colyn. Nakikipagkita siya sa akin dahil nakausap na nya ang totoong ama ng pinagbubuntis ni Sandra. Nagmamadali ako umalis sa opisina para puntahan si Colyn.