PRINCE POV
I saw the pain at Colyn's face as the girl says she is pregnant with me. f**k! Ano bang ginawa ko? Ang gusto ko lang naman is maglibang at pasakitan si Colyn. Gusto ko magselos sya at sya mismo ang makipagayos sa akin. Yes! I do love her! Gosh!
What have i done? Bakit ako nagpabaya ng ganito? Ako ba talaga ang Ama ng dinadala ng babaeng ito??! f**k ! Wala ako maalala sa nangyari sa amin. After waking up naked with this girl, kinalimutan ko na siya tapos after 3weeks magpapakita sya at sasabihin nyang buntis sya???!!
"W-well. ..c-congrats." napatingin ako kay Colyn ng magsalita siya.
"C-Colyn..it's not what you think ...i...i. .." hindi ko alam paano ipapaliwanag sakanya.
"You should stop Prince. Hindi maganda sa buntis ang nai-stress. And wag mo subukang saktan ang Ina ng magiging anak mo" matamis na ngumiti si Colyn. Ngiti na hindi umabot sa mga mata nito.
"Please let me explain. .." lumapit ako at hinawakan ang mga kamay nya.
Marahan nyang binawi ang mga yun at umiling.
"Wala ka dapat ipaliwanag. Kailangan nyo magusap ng maayos at malumanay. Please wag na wag mo syang sasaktan. ..a-alagaan mo silang mabuti ng magiging a-anak mo."
Lumapit si Colyn kay Sandra at pinunasan ang mga luha nito.
"Hindi ka dapat umiyak okay? Makakasama yan sa kalagayan mo. Pagpasensyahan mo na si Prince. Magsabi ka lang sa akin kapag may ginawang hindi maganda sayo tong mokong na ito."
Niyakap nya si Sandra ng ilang segundo bago tumayo at nagpaalam.
Binalak ko pa syang sundan pero niyakap na ako ni Sandra.
"Im sorry Prince. Alam kong hindi mo ito ginusto, pero nandito na ito. Hindi ko din alam gagawin ko at paano ito sasabihin sa parents ko."
Napatingin ako kay Sandra. Nakaramdam ako ng awa kasi hindi ko siya kayang mahalin gaya ng pagmamahal ko kay Colyn. Isang malaking pagkakamali ang nagawa namin at kailanman hindi ko iyon matatanggap.
Pero dugo't laman ko ang dinadala nya. Kasalanan ko bakit ganito ang sitwasyon ngayon. Kung hindi sana ako nagmatigas at pinairal ang init ng ulo ko sana masaya kami ni Colyn ngayon.
Siya pa din sana ang kasama ko sa pagtulog at paggising ko. Kung hindi ko lang sana siya kinulong sa mundo ko at hinayaan ko siya sa mga bagay na magpapasaya sa kanya siguro mas maayos ang lahat.
Oo. Inaamin ko na, naging selfish talaga ako at wala ako inisip kundi sarili ko. Takot akong maiwan magisa kaya nagawa kong sakalin si Colyn. Sa takot ko hindi ko naisip na unti unti kong nilalayo sa akin yung taong tunay at handang magmahal sa akin kung ano ako.
Sinayang ko ang pagmamahal na para lang sa akin. Itinapon ko yung ilang taong relasyong inalagaan ni Colyn. Binalewala ko yung paghihirap nya at pagtitiis para maging mabuting tao ako sa sarili ko at sa ibang tao.
Huli na ba talaga lahat sa amin? Wala na ba ako magagawa? This time, wala na ba ako magagawa para maitama ang lahat?
ALLEN'S POV
After malaman ko sa sekretarya ni Prince ang nangyayari nagmamadali na ako pumunta sa opisina nya. Nasalubong ko si Colyn sa hallway na naglalakad at parang lutang. Hindi nga nya ata ako napansin na kasalubong nya.
Huminto ako pero nilampasan nya lang ako. Derederetso sya patungo sa opisina nya. Napatingin ako sa opisina ni Prince. Mukhang naayos na ang gulo. Pero anong nangyari kay Colyn?
Sumunod ako sa opisina nya. Naabutan kong nakasandal sya sa swivel chair nya habang hawak ang ulo nya at marahang iniikot ikot ang upuan nya.
Marahan akong umupo sa upuan sa harap ng lamesa nya.
"Hey. ..you okay?"
"Hmmm ..mmm.." sagot nya sa akin
"Uhmm. ..ok na ba si Prince?" hesitant pa ako tanungin sya. Tumingin sya sa akin. Medyo bumigat ang pakiramdam ko kasi kitang kita ko sa mga mata nya yung sakit at pagsisisi.
"Haaaayyss. ..yeah." Nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga.
"Tell me Allen. ..kung sinunod ko ba si Prince at hindi ako nagmatigas sa mga gusto nya para sa aming dalawa. ..you think masaya pa kaming dalawa?" seryoso nyang tanong sa akin. Hinawakan ko ang mga kamay nya at sinagot sya ng totoo.
"I cannot tell what is right and wrong Colyn. But honestly? Both you and Prince cannot be happy the way you act with each other. May mali sa inyo. Yes, masaya kami para kay Prince kasi finally nakahanap sya ng babaeng handang umunawa sa kanya. Handang pagpasensyahan sya at mahalin kung ano sya. But you know? Either Prince is not happy sa set up nyo. He hold onto you not because he was happy being with you ...im not saying that he is not happy with you...but because he was afraid Colyn. Takot sya maiwan ulit magisa, takot siyang i-set aside mo siya, takot siyang mawala sa priorities mo. It's something to do with security and assurance. He was afraid that you might leave him if he allows you to do whatever you want to do which is too bad." Napailing ako.
"Kaya ka nya hinihigpitan at kinukulong sa mundo nya na dapat hindi mo hinayaan. Yun ang mali sayo." i honestly told her.
"But why? Maganda naman ang kinalabasan ng mga ginawa ko at sakripisyo ko"
"Then you tell me now...bakit kayo ganito ngayon kung sa tingin mo tama lahat ng ginawa mo?"
"B-because im tired? Im sick of everything? And i-im not h-happy?"
"Exactly!! Tumpak! Dahil lagi mo syang sinusunod you forget about yourself Colyn! You forgot to teach him and make him realized na hindi lahat susunod sa kanya. Na-spoil mo siya. You make him believe na everything he does is right. If you are truly inlove you won't tolerate the wrong doings of your partner. Let him realized his mistakes and make it right. But in your case, masyado mo siyang minahal. You control his anger and temper by accepting his flaws and not correcting it. Hindi ka talaga tatagal na magiging masaya if laging siya ang iisipin mo. Give and take Colyn."
"Because im afraid he might hurt himself Allen or people around him. Alam mo naman yun. .."
"Yeah.. i know. But does not mean na hahayaan mo sya para lang matapos na lahat. Think about it."
"I think i need sometime to think ..and i should give up on him. .He needs to stand for his responsibilities with his child."
Binitawan ko mga kamay nya at nagtatakang napatingin sa kanya.
"Prince is going to be a father."
Boom!! It's like a bomb. What the hell is really happened??