PROPOSAL

1504 Words
SA awa at pagmamahal ni Irish ay binigyan niya ng pangalawang pagkakataon si Henry. Medyo masama ang loob ng mga kaibigan niya dahil sinunod pa rin niya ang kanyang puso. "Nakakainis ka, Irish. Talagang pinatawad mo pa 'yang boyfriend mo. Tanga ka talaga sa pag ibig. Tutuktukan kita, e!" Iritadong sabi ni Cathy. Break time ni Irish sa trabaho at pinuntahan nila ito. Dahil sa nabalitaan nilang nagkabalikan daw ang dalawa. "Oo nga. Kung ako 'yan pinahirapan ko muna bago ko pinatawad. Ang bilis din lumambot ang puso. Ang tapang naman," nawika naman ni Mabel. "Gayahin mo si Mabel. Kapag may makita lang mali sa boyfriend niya, nakikipag-break kaagad," ani Lara. "Nagkaroon na ba si Mabel ng boyfriend? Parang wala pa naman," tanong ni Irish. Napakamot naman ng ulo niya si Mabel. Hindi pa nga siya nagkakaroon ng boyfriend. Ni wala ngang lumiligaw sa kanya. "Ito naman, ibuko pa ako. Puwede namang sumakay ka na lang. Hindi ko pa trip ma-broken hearted na kagaya mo. Nakakatrauma ang nangyayari sa inyo ni Henry. Pagkatapos nagpapakamartir ka sa jowa mong babaero." Sanay na sanay na si Irish sa mga patutsada ng kanyang mga kaibigan, lalo na sa relasyon nila ni Henry. Noon pa man ay ayaw na ayaw ng mga ito sa kanya ang nobyo. Pero sabi nga, kapag ang puso ay tinamaan. Hahamakin ang lahat masunod ka lamang. "Nagbago na si Henry. Alam ko na totoo na siya sa akin, this time. 'Di na niya ako lolokohin," pagtatanggol ni Irish sa nobyo. "Ewan ko lang, ha. Wala talaga akong tiwala d'yan sa boyfriend mo. Mukha palang 'non, hindi na mapapagkatiwalaan. Maigi pa na nagpakasal ka na lang sa nai-arrange marriage sayo. Hindi na nga uso pero parang iyon ang tamang lalaki para sa'yo," ang pahayag ni Lara. 'Di rin ito naniniwalang magbabago si Henry. Sa school nga nila marami na silang naririnig tungkol sa lalaki pero bingi ang kaibigan nilang si Irish. "Sana pang hindi mo pagsisihan ang pagbigay mo ng second chance diyan kay Henry, Irish. Sa oras naman na ma-heart broken ka. E, andito lang kami palagi sa tabi mo. Ayaw mo lang kasi tanggapin ang offer naming tulong para hinid ka na nagdo-double job para lamang makatapos ng pag aaral. Ma-pride ka rin, ano?" Kahit na tutol sila sa pakikipagrelasyon niya kay Henry ay tunay niyang mga kaibigan ang mga ito. Inuudyukan siyang tanggapin ang pera na ibinibigay nila para pangdagdag sa pambayad sa kanyang matrikula. Ngunit, tinatanggihan ito ni Irish. "Nahihirapan ako, masaya naman ako sa ginagawa ko. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Saka mayroon akong sarili kong pera na hindi ko kailangan na manghingi kay mama para sa pambayad ng tuition ko. Kapag nangailangan ako ulit, 'di ko na tatanggihan ang offer niyo." Maluha luhang saad ni Irish sa kanyang mga kaibigan. "We're friends. Siyempre tutulungan ka namin at wala kaming inisip kundi ang maging maayos ka at matapos na ang mga problema mo. We are always here for you, Irish," ang taos sa pusong sabi ni Lara. Tuluyan ng dumaloy ang mga luha ni Irish. Ngayon, ang naging pamilya niya ay si Henry at ang tatlo niyang makukulit na mga kaibigan. Kaya nagpapasalamat pa rin siya sa kabila ng nawala ang lahat sa kaniya. Hindi naman siya iniwan ng mga ito. Parati silang andiyan kapag kailangan niya. Pabalik na sa trabaho niya si Irish. Inihatid pa siya ng mga kaibigan niya sa store. Pero papasok palang siya sa tindahan ay tila nagtaka siya na maraming tao sa gilid. Nagkatinginan ang magkakaibigan. "Sarado ang store niyo? Di ba kanina bukas pa 'yan?" Nagugulat na tanong ni Cathy. "Oo nga. Nasa loob pa naman ang mga gamit ko. Hindi ako makakapasok sa room ko, andoon sa bag ko ang susi ko ng bahay," nag aalala na rin si Irish. Baka sa kalsada siya matulog kung hindi niya makukuha ang gamit niya Naglakad siya palapit sa pintuan ng tindahan at sumilip sa loob. Patay ang mga ilaw at wala na siyang maaninag na tao. At nang hinawakan niya ang pinto ay ikinagulat niyang hindi iyon nakalock. "Oh, bukas naman pala. Pumasok ka na sa loob, Irish. Kunin mo na ang bag mo," ang sabi ni Mabel. Pumasok nga sa loob si Irish. At kinapa ang switch ng ilaw sa gilid. At nang lumiwanag ay nagulat siya sa nakita. Natutop niya ang kanyang bibig nang makita si Henry. Naglakad ito palapit sa kanya. "Hi, babe. Alam kong marami akong naging pagkakasala at pagkukulang sayo. But one thing that I am sure about is, I love you so much. Noong nagbreak tayo. I really felt that I lost everything. Ikaw lang ang naniniwala sa akin. Ikaw lang ang totoo sa akin at ikaw lang ang nagmamahal sa akin ng wagas. Hindi ko kaya na mawala ka pa sa buhay ko." Mahabang litanya ni Henry at may kinuha ito sa loob ng kanyang bulsa. Isa isang nagsilapitan ang kanyang mga kasama na may dalang isang red rose ar ibinigay sa kanya. Nang makuha niya ang kahuli hulihang rose ay lumuhod si Henry sa harapan niya. "Ano ito, babe?" Kabado at naiiyak na si Irish habang nakatingin kay Henry. At saka napatingin din siya sa kanyang likuran. Andoon at kompleto ang kanyang tatlong kaibigan. "Maeve Irish Dizon, will you marry me?" Napahawak si Irish sa kanyang dibdib. Kinapa ang sarili niya. Bakit gan'on? 'Di niya maramdaman ang saya sa puso niya. Muli siyang tumingin sa mga kaibigan niyang nasa likuran pa rin niya. At alanganin na ngumiti ang mga ito. Napaharap siya kay Henry na naghihintay ng kanyang sagot. Napahinga siyang ng malalim saka pumikit ng kanyang mga mata. "Babe..." ang tawag sa kanya ni Henry. "Y-Yes..." ang kanyang sagot na ikinapalakpak ng mga kasamahan niya sa trabaho. Walang pagsidlan ang kasiyahan kay Henry na tumayo at kinabig siya ng yakap. "I love you so much, babe," ang bulong nito sa kanyang tenga. "I love you too." Tugon niya kay Henry. Bumitaw si Henry sa pagkakayakap sa kanya at isinuot ang engagement ring sa kanyang daliri. Tinignan niya ito at alam niya na hindi ito mamahaling singsing. 'Di naman na mahalaga ang presyo ng singsing. Ang mahalaga ay ang taong nagbigay nito sa kanya. At mahal niya si Henry. Isa isang lumapit ang mga kasamahan ni Irish sa kanya para bumati. Maging ang manager nila na si Pia ay binati siya. Iyong lamang ay nagulat siya nang yakapin nito si Henry. Inis man ay hindi ipinahalata iyon ni Irish. Naramdaman niya ang mahinang tapik sa balikat niya. "Congrats, Irish. Talagang pinanindigan mo ang pagiging tanga mo. Masaya kami para sayo," ang tila may pagkasarkastikong bati ni Mabel sa kanya. Saka siya hinalikan sa pisngi. Sumunod naman na bumati ang dalawa pa niyang mga kaibigan. At pagkatapos ay nagpaalam na ang mga ito. Nang makaalis ang mga kaibigan niya ay hinanap ng mata niya si Henry. Nakita niya itong nasa gilid at kausap ang isa niyang kasama sa trabaho na lalaki. Napatingin ito sa gawi niya at nginitian siya. "Maswerte ka kay Henry, Irish. Ipinaalam ka na pala niya sa akin na maghaft day today. Pumayag ako at pinayagan ko rin siyang dito sa tindahan na magpropose sa'yo. Kunin mo na ang mga gamit mo. At congrats ulit," sabi ni Pia, hindi niya napansin na nakalapit na ito sa kanya. "Salamat po, ma'am." Ang tanging naisagot ni Irish at umalis na sa harapan ng amo niya para kunin ang kanyang bag. Pinagmamasdan ni Irish ang singsing na isinuot ni Henry sa kanya. Hindi siya makapaniwalang nagpropose ng kasal sa kanya ang nobyo. Ang akala niya ay wala itong balak na ayain siya ng kasal. May trabaho naman ito. Sa nakikita niya para kasing wala pa ring plano ito sa buhay kahit na bukam bibig na siya ang pakakasalan balang araw. Dinala siya ni Henry sa isang mahaling restaurant. Nagpalinga linga si Irish sa paligid at saka napatingin sa kanyang suot. "What's wrong, babe?" tanong ni Henry nang mapansin ata nito na hindi siya komportable. "Bakit dito mo pa ako dinala? Ang mamahal ng mga pagkain dito. E, nagtitipid nga tayo, di ba?" "May bago na akong trabaho. Kaya nga kita inayang pakasal dahil kaya na kitang buhayin sa bagong nakuha kong trabaho." Nanlaki ang mga mata ni Irish. "Talaga ba?" Sunod sunod na tumango si Henry. "Yes. Pero pasensiya ka na muna sa engagement ring, ha. Papalitan ko na lang ng may diamond 'yan kapag nakasahod na ako." "Oh, eh... Pano ka makakabayad dito? Ang maigi pa siguro sa ibang restaurant na pang tayo kumain. Okay lang naman sa kain kahit sa lomihan o sa pares." Ang isang order sa restaurant kung saan sila ngayon ay higit sa limang daang piso. Napakalaki nito para sa isang meal na mao-order nila. "Huwag kang mag-alala, babe. Handa ako diyan. Kumain ka lang ng gusto mo. Kung gusto mong mag-take out at dalhin sa boarding house mo, walang problema. Anything for my future wife," sabi ni Henry sabay kindat sa kanya, na nagpaiyak sa kanya sa kakatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD