NAGULAT si Irish sa lugar pinagdalhan sa kanya ni Henry. Nasa lobby pa lang sila ng motel ay parang ayaw niyang ihakbang ang kanyang mga paa papunta sa kuwartong inupahan ng nobyo. "Babe, binayaran ko na ang room natin. Halika na," naiirita na aya kay Irish dahil parang ayaw kumilos. Hinawakan niya ito sa braso at hinila papunta sa elevator. Malakas na naiwaksi ni Irish ang kamay. At galit na hinarap si Henry. "Bakit mo ba ako dinala sa motel na ito?" "Bakit ba ang arte mo? Magiging asawa na naman kita, di ba? We're both adults and in legal age! Puwede na nating gawin ito, Irish!" Napaamang si Irish. Hindi komo't nagpropose na ito ng kasal sa kanya ay puwede na nilang gawin ang mga bagay na hindi pa puwede para sa kanya. At oo, nasa tamang edad na sila. Pero hindi naman ibig sabihin

