"Aaaaaaaahhhh! Bitiwan mo ako!" "Ate. ATE! GISING!" Napabangon bigla sa masamang panaginip si Aliah at napansing yakap-yakap siya ng dalawang taong nasa magkabilang bahagi niya, sina Ariel at Dabby. Agad naman niyang niyakap ang dalawa ng napakahigpit. "Salamat sa Diyos at ligtas tayong lahat," wika ni Aliah. "Ikaw rin ate, laking pasalamat din namin ni Dabby na ligtas ka," sang-ayon naman ni Ariel. "Friend, magpasalamat tayong lahat. Isang bangungot ang nangyari at sa wakas wala na sina Jarred at Jayrus. Hindi na kailanman nila tayo gagambalain," naiiyak namang salita ni Dabby. Muling niyakap ni Aliah ang dalawa sa kaniyang mga mahal sa buhay. Sa isip niya ay nakailang beses na siya nag-usal ng pasasalamat. Pasasalamat sa kaligtasang ginawa ng Panginoong sila ay makawala sa anino n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


