"Ano ba Jayrus! Bitiwan mo akooo! JAYRUSSS!" "Hindi kita ibababa, Aliah. Wala pa tayo sa kuwarto ko. Relaks ka lang. 'Wag kang malikot kasi. Mamaya malalaman mo na ang pakay ko." "Ibaba mo ako! Please!" "Oh ayan, diyan ka sa kama." Napatihayang naihiga ni Jayrus si Aliah sa malambot nitong kama. Paupong umatras naman agad si Aliah. "Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito mahal kong Aliah." "Jayrus, please. Kung ano man ang binabalak mo, huwag mo nang ituloy. Alam kong mabait kang tao. Nakikiusap ako." "Magaling mahal ko. Napakabait ko ngang tao hindi ba? Inalagaan kita. Sinunod ang gusto mo. Naging mabait din ako kay Dabby, kay Enrique." "Anong ibig mong sabihin?" "Kung ang iniisip mo ay si Enrique, huwag kang mag-alala, wala na siya." "Hayop ka! Ikaw ang pumatay kay Enriqu

