"Did you miss me, Aliah?" pilyong ngiti sa kaniya ng totoong Jayrus. "Oo nga naman, Aliah. Matagal kang hindi nakita ng aking mahal na kapatid. Kaya dapat lang na ma-miss mo rin siya. Hindi ba Jayrus?" pagsang-ayon naman ni Jarred at inakbayan ang kapatid. Nanatili lang na nakatitig ito kay Aliah. "Kahit kailan hindi kita na-miss." matapang na sagot naman ni Aliah. "Kung hindi mo na-miss ang kapatid ko, sorry ka na lang dahil siya ay sadyang sabik sa iyo. Hindi mo ba alam na ilang buwan siyang nagluksa? Nagkulong? At namayat dahil SA IYO?" may diin ang huling salitang binitiwan at pagkakasabi ni Jarred at inihampas-hampas pa niya ang sinturong hawak-hawak niya sa semento. "At ano naman ang kinalaman ng best friend ko sa kapatid mo eh siya nga itong nawala," singit ni Dabby. Matatalim d

