Aliah's POV "AAAAAHHHH! Tama na! Maawa ka sa amin. Please!" Nagising ako sa ingay na naririnig kong nanggagaling sa baba. Tila pamilyar sa akin ang boses na iyon. At nagulat naman ako dahil nasa isang hindi pamilyar na kuwarto ako nakahiga. Bahagya kong inangat ang ulo ko upang tingnan kung mayroong nawala sa akin. Pinakiramdaman ko rin kong may masakit sa parteng ibaba ng katawan ko. Wala. Pero paano ako napunta dito? Tama! Ang huling naalala ko ay nasa bahay ako tapos--anak ng-- nasa bahay ako ng suspek? Napapatakip pa ako sa bibig ko nang maalalang pinapasok ko nga pala ang isang bisitang nagpakilalang si Jarred sa loob ng bahay ko. Dahan-dahan akong bumangon at upang hindi makalikha ng ingay ay marahan din akong tumayo patungo sa pintuan ng kuwarto kung saan ako dinala. Sinubuk

