Pakiramdam ko ay tinalo ko pa si Yel na nauntog sa pader. Ang dami kong iniisip. Bakit ngayon pa sila nandito? Ngayon na kasama ko pa talaga si Jethro! I will not give him any chance to see my son! Hindi! Dahil alam kong isang sulyap lang ang makita nila sa mukha ng anak ko ay malalaman agad kung kaninong ama ito. Ilang beses ko na ring tinanggi sa mga photographers dito ang tungkol kay Jethro. Kamukha daw ng mga Arrhenius. Mukha daw anak ng isang Arrhenius! Sometimes I blame his strong genes for that. Sana sa akin na lang namana ang hulma ng mukha ni Jethro at kay Mikael na lang sana ang talino. Dahan dahan ang paglapat ko ng yelo sa ulo ni Yel, she winced because of pain. Napangiwi naman ako don. "Pasensya ka na. Dapat hindi mo na lang sinagot si Ate." "Aurora, bagay lang

