I'm currently busy listing down Dan's photoshoot schedules for today. Sabay na kami ni Yel na may pasok ngayon at gaya nga ng nakagawian ay dala ko si Jethro. Good thing is the other photographers are making my son as their subject. Nakita ko agad si Yel na hindi maipinta ang mukha ngayon, parang bigat na bigat sa nakasabit na camera sa leeg niya. "Oh ano nanaman?" I asked her. "Sino ba yung bagong lalaki na model, ha?" Tinignan ko ang tinutukoy niyang si Clarence. He glanced over us, napakunot ang noo ko doon. "Bakit?" "Wala! Hindi ako makapag focus, ang lagkit tumingin." Aniya. Tumakbo si Jethro papunta sa akin. Tumatalbog pa nga ang suot niyang diaper habang hawak hawak ang lollipop na malamang ay bigay sa kanya ng isang photographer. Ugh. Sweets again!

