Prologue

1340 Words
"Oy Ish, saan ka na naman ba pupunta?", tawag sakin ni tita Fe. Nasa labas ako ngayon para mag pahangin. Maganda ang klima ngayon at masarap mag lakad-lakad. "Dito lang po, gusto kong makalanghap ng sariwang hangin." sagot ko rito. napailing naman ito. "Huwag kang lalayo ha. Naiintindihan ko naman kung bakit mo palaging gustong lumalabas. dahil sa loob ng limang taon ay ngayon ka nalang ulit nakapag-libang dito sa labas.", mahabang lintaya ni tita sakin habang nakangiti. tama kayo nang pagkakabasa. labing dalawang taon ako ng ako'y naaksidente. at limang taon akong nasa loob ng hospital, akala nila tita ay hindi na ako magigising pa dahil makina na lamang ang bumubuhay sakin sa loob ng mga taong na 'yon. ang sabi ni tita ay nabangga ako ng bus at sa di inaasahan ay nakaligtas pa rin ako. Nawala lahat ng mga alaala ko, sila tita Fe lang ang laging nasa tabi ko. Dahil nasa ibang bansa raw ang mga magulang ko at may bago ng pamilya. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ni tita dahil hindi niya ibinigay ang pangalan ng mga magulang ko. Pero hindi ko dapat siyang pag dudahan dahil siya ang nag-alaga sakin sa loob ng limang taon at nagpapasalamat ako dahil doon. "Opo, tita.", sagot ko rito. kinuha ko ang tela at tungkod ko para makatayo. tatlong buwan na rin ang nakalipas ng ako'y magising sa pagkakatulog kaya nahihirapan pa rin akong tumayo at lumakad. inilagay ko sa ulo ko ang tela upang takluban ang buhok ko. naglakad ako ng dahan dahan at medyo nararamdaman ko na ang mga binti ko. Sa dami kong iniisip ay hindi ko na namalayan na ang layo na pala nang nilakad ko sa village! aish, papagalitan ako ni tita! Hindi sa kalayuan ay nakakita ako ng mga bata na naglalaro sa kalsada. nakakatakbo sila at nakakalakad ng ayos, Nakakatuwa silang panoodin. naglakad lakad pa ako ng biglang bumangga sa likod ko ang isa sa mga bata na nag lalaro. muntikan na akong matumba dahil mahina pa ang katawan ko, ngunit may isang babae ang pumigil sa pagbasak ko. "ay miss! ayos ka lang ba?", tanong nito sakin na parang nag aalala. hindi agad ako nakapag-salita dahil hindi ako komportable sa harap ng ibang tao dahil sa itsura ko. hindi ko namalayan na nahulog pala ang tela na nakabalot sa buhok ko kaya agad kong inayos ang saklay ko at nag lakad pabalik sa bahay. "Miss! t-teka lang!", hindi ko na ito nilingon pa at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa narinig ko ang mga tawanan ng mga bata. "tignan niyo oh puti na lahat ang buhok niya!", sigaw ng isa sa mga bata. lalo kong binilisan ang mga hakbang ko at hindi na pinansin ang kalsada na dinadaanan ko. "SIGURO SIYA YUNG NASA KWENTO NILA LOLA NA MANGKUKULAM!", sigaw ng isang bata na sinundan nang sabay-sabay na tumawa. "HALIMAW!!" "nakakatakot! tara na baka kainin tayo nyan!" Ayoko ng mga naririnig ko. hindi ako halimaw... katulad niyo lang din ako... Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko nakita ang isang bato na nakausli na naging dahilan ng pagkadapa ko sa semento. napaiyak na lamang ako habang naririnig ko ang mga tawanan ng mga bata sakin. "HOY KAYONG MGA BATA KAYO MAG SI UWI NA KAYO KUNG AYAW NINYONG ISAKO KO KAYO ISA-ISA.", sigaw ng isang pamilyar na boses sa mga bata. Agad-agad naman itong nag si takbuhan. "Miss, ayos ka lang ba? nahulog mo tong tela sa kalsada kanina.", siya pala yung babae na sumalo sa'kin kanina. Napatingin ako dito at nag aalala ang mga mata nito. "H-hindi ka ba natatakot sa'kin?", 'yan ang mga salitang unang lumabas sa labi ko. Nakita ko itong ngumiti at kinuha ang mga tungkod ko na nakakalat sa kalsada. "Bakit naman ako matatakot sayo? ang ganda-ganda mo kaya!", sabi nito at umupo sa harap ko. "Dumudugo ang tuhod mo oh uupo ka nalang ba d'yan?", dagdag pa nito. "S-sorry.", kukunin ko na dapat sa kaniya ang mga tungkod ko para tumayo ng bigla niya itong inilayo sa'kin at tinalikuran ako. Akala ko ay aalis na ito ngunit umupo siya habang nakatalikod sa'kin. "Huwag kang mag sorry, halika na sakay ka sa likod ko hatid na kita sa bahay mo.", sabi nito sa'kin. bukod sa tita at tito ko ay siya ang pangatlo na nag pakita saakin ng kabaitan kahit hindi ako'y isang estranghera sa kaniya. "P-pero mahihirapan ka.", mahina kong sagot. "Ano ka ba may sugat ka sa tuhod at hindi ka nakakalakad nang ayos. pano kung hayaan kitang umuwi mag-isa sainyo ng gan'yan at may makasalubong kang masamang tao, hindi ba?", mahabang sabi nito. "Dali sakay na." "O-okay.", nakita ko ang pag ngiti nito at dahan dahan kong ipinaikot ang mga braso ko sa leeg niya. inabot niya naman ang mga hita ko atsaka siya tumayo. "Pfft kumakain ka pa ba? ang gaan mo.", sabi nito habang natatawa. "Oo n-naman." "Pfft, okay sabi mo e, oh siya ituro mo nalang daan papunta sa bahay niyo.", natatawa pa rin nitong ani. "d-deretso lang, kulay pula na bahay..." Ilang minuto lang ay nakita ko na ang bahay namin at nakita ko ang nag aalalang mukha ni tita Fe habang nasa labas ng gate, nang makita ako nito ay kumaripas na ito nang lakad papalapit sa amin. "Ay Jusko kang bata ka! sabi kong huwag kang magpakalayo! tignan mo may sugat ka sa palad at tuhod! ay nako!", Nag aalalang sabi nito. alam kong galit ngayon si tita Fe dahil pinag-alala ko siya. "Salamat ineng sa pag-hatid sa pamangkin ko ha, halika pumasok ka muna para makapag-pahinga, ipaghahanda na rin kita ng meryenda." pag-aalok ni tita Fe sa babae. Hindi ko pa pala alam ang ngalan niya. "Walang anuman po, kahit sino naman po siguro tutulungan ang isang tao lalo na pag nangangailangan, sige po tita.", agad naman nitong sagot. "ang laki pala ng bahay niyo.", biglang sabi nito nang makapasok na kami sa bahay. "Sa tita ko 'tong bahay, pakibaba nalang ako sa may upuan.", dahan dahan naman ako nitong ibinaba sa sofa. "S-salamat nga pala sa pag tulong sakin. My name is Lizzie Gomez, 17years old. you can call me ish nalang for short.", pagpapakilala ko rito. "Ah ako nga pala si Harper Fin Sanchez, I'm 17 years old too." sabi nito sabay abot ng kaniyang kamay na agad ko namang tinanggap. "You're an albino right?" tanong nito. "You can say that, but I'm not a completely albino. Albino have red eyes, but my eyes are grey.", Sagot ko rito na ikinamangha niya. "Ang ganda mo! pwede ka na ipang-laban sa beauty pageant! siguradong mananalo ka kaagad." nakangiting sabi nito. Ngayon ko lamang ito natitigan nang ayos. Maganda siya at mahaba ang brown nitong buhok, matangkad siya siguro ay 5'6 ang height nito. may mapupulang labi at singkit na mata. Maliit na matangos na ilong at maputing balat. She's so pretty. "Ehem, done checking me out?", nakangising sabi nito na agad na ikinalaki ng mata ko. "HAHAHAHA tomato, bakit mo ako tinititigan ha.", sabi nito kaya napahawak ako sa pisngi ko at sinamaan ito ng tingin. mainit ang mga pisngi ko... "k-kasi ano...", nag-iisip ako nang idadahilan ko. "ano?", tanong nito habang nakangisi. mamaya ay tumawa na ito. "Y-you have a booger on your cheek!", bigla kong sabi dito na ikinatigil nito sa pag tawa. nakita kong namula ang pisngi nito at agad na lumabas sa bahay namin nang walang pasabi. "Uh gosh!", tsaka ko lang naisip ang sinabi ko ng marinig ko ang tunog ng gate namin. Omg umalis na ba siya?! Kukunin ko na dapat ang tungkod ko ng bigla lumabas sa kusina si tita habang may bitbit na meryenda. "Oh saan ka pa pupunta Ish? nasaan na yung tumulong sayo?", tanong nito na ikinalunok ko sabay ngiti. "U-uh she left already, I think I made a friend na tita.", sabi ko at inilayo ko ang tingin ko kay tita dahil nakatingin ito sakin na para bang may ginawa akong masama. Well... meron naman talaga. Sorry Harper... ^-^ The Forgotten Savior
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD