Chapter 1

1380 Words
Lizzie's POV, Dalawang araw na ang nakalipas nang makilala ko si Harper at hanggang ngayon ay hindi na siya bumalik dito sa bahay. Sa tingin ko ay nagalit ito dahil sa sinabi ko noon. Kahit sino naman siguro ay magagalit sa sinabi ko, pero hindi ko naman 'yon sinasadya. T^T "Oh, ang lalim ata ng iniisip mo Ish.", nagulat ako sa biglang pag sulpot ni tita Fe. "Ah wala po yon tita fe.", sagot ko rito. tinaasan naman ako nito ng kilay at tumabi sakin sa sofa. "Nasaan pala ang mga tungkod mo Ish?", tanong ni tita Fe habang hinahanap ang mga tungkod ko. "Iniwan ko po sa kwarto dahil kahit papano ay nakakalakad na po ako nang maayos.", sabi ko rito sabay tayo at ngiti. kita ko ang saya sa mga mata ni tita fe sa oras mga oras na ito. pinakita ko rito ang pag hakbang ko papuntang pintuan, umikot ako at nang pagharap ko ay nakita ko ang lumuluhang mga mata ni tita Fe. "O-oh tita Fe bakit ka naman umiiyak dyan.", sabi ko at agad na naglakad pabalik kay tita Fe. Pinunasan ko ang mga mata ni tita Fe gamit ang palad ko ngunit lalo lang itong naiyak. "ano ka ba, tears of joy 'to anak!", ani nito sabay yakap sakin. ginantihan ko naman ito nang mahigpit na yakap. "Ang laki-laki mo na oh, parang dati ay pinapanood lang kita matulog sa kama mo sa hospital.", patuloy pa rin itong umiiyak habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. Pakiramdam ko ay safe ako at walang makakapanakit sa'kin sa mga bisig ni tita fe. Pinakinggan ko lamang ang mga sinasabi niya hanggang sa makaramdam ako ng antok at tuluyan nang nakatulog sa hita ni tita Fe. Harper's POV, "k-kasi ano... you have booger on your cheek!" "THAT WAS SO DAMN EMBARRASSING AAAAAARGH." Nandito ako ngayon sa kwarto at inaalala ang mga pangyayari tatlong araw ang nakalipas. Nagulat ako ng may tumama na libro sa ulo ko. "You're so damn loud.", ani ng kapatid ko na si ellie, she's 14y/o. "Bakit ka ba kasi nandito sa kwarto ko? may kwarto ka naman!", sabi ko rito sabay bato pabalik sa kaniya ng libro na ibinato niya sa'kin kanina. Nakita ko ang pag-irap nito. "Ang boring sa kwarto ko, nabasa ko na lahat ng books ko roon kaya books mo naman babasahin ko.", sabi nito at lumapit sa mini library ko rito sa kwarto. Akala ko ay ibabalik nito ang libro sa shelf pero kabaliktaran ito ng iniisip ko. "I'm going to take all of these books back to my room.", sabi nito at lumabas na sa kwarto ko. She took all my Mitch albom books... that damn brat. "DON'T YOU DARE TO COME BACK HERE ELLIE!", sigaw ko rito at tumayo ako para ilock ang pinto ko. kring! kring! kring! I look at the callers ID and it's Perrie my bestfriend. "h-" "HOY HARPER TARA SA BAHAY NILA VENICE! BROKEN NA NAMAN SI TANGA!", Pag si Perrie talaga ang nasa kabilang linya ay hindi ko na talaga kailangang iloud speaker ang phone ko. Daig pa nitong nakalunok ng isang mikropono sa lakas ng boses nito. "Sunduin niyo ako rito tinatamad akong mag maneho ng kotse ko ngayon.", sabi ko rito, sabay inilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil ayokong masira ang eardrums ko. "OKAY! HINTAYIN MO NALANG KAMI NI HAZEL DYAN!", Agad kong pinatay ang call at pumunta sa cr para maligo. --- Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko nalang ang malaking white nike t-shirt ko at isang maong na puti at agad na isinuot. Hinayaan ko lamang na nakalugay ang mahabang buhok ko at kinuha ang white sneakers ko. Yes, I love white. "Ate, may balak ka pa ba umalis. kanina pa nasa salas sila ate Perrie.", Nakita ko ang nakabusangot na mukha ng kapatid ko habang nakasandal sa pintuan ng kwarto ko. "Hindi naman halata na gustong-gusto mo akong umalis ng bahay ha.", sarcastic na sabi ko rito habang tinitignan ang itsura ko sa salamin. Alam ko naman na tatambay lang siya rito sa kwarto ko habang wala pa ako. "Well, ako kasi ang nahihiya kila ate Perrie na pinag-iintay mo sila, habang ikaw gandang-ganda sa sarili mo sa harap ng salamin.", sabi nito. agad ko namang kinuha ang suklay ko at akmang ibabato ito sa kaniya. agad itong tumakbo pabalik sa kwarto niya ng napansin niya ang suklay na hawak ko. Napairap nalang ako sa hangin at agad na kinuha ang phone at wallet ko sa kama at agad na lumabas sa kwarto. Naabutan kong nakain sa salas ang dalawang siraulo. Nakita kong nakahiga sa sofa si Perrie habang nakataas ang damit nakalabas ang tyan nito habang nakasubo ang hinlalaki sa bibig na kala mo ay bata. "Manang Julie, isa pa ngang juice tapos tinapay.", Utos ni Hazel kay manang julie habang may hawak- hawak pang tinabay sa kanang kamay at isang basong juice sa kaliwang kamay. "Sige po, ma'am.bkukuha lang po ako, pakabusog po kayo.", Papunta na dapat sa kusina si manang nang tawagin ko ito. "Manang julie, huwag na kayo kumuha dahil aalis na rin po kami.", nakita kong nabitawan ni Hazel ang hawak nitong tinapay ngunit agad nito itong pinulot at isinubo ng buo sa kaniyang bibig sabay ngiti sa'kin. sinamaan ko ito ng tingin kaya agad itong nag iwas ng tingin at ininom ang isang basong juice na hawak niya. Kumuha ako ng isang throw pillow sa malapit na upuan at hinagis ito sa mukha ni Perrie na natutulog sa sofa. "Tara na mga kulugo.", sabi ko sa dalawa at nauna na tumungo palabas ng bahay namin. Nakita ko namang sumunod sa akin ang dalawa habang si Perrie ay may tuyong laway pa sa pisngi at si hazel ay nakakuha pa talaga ng isa pang tinapay, kunwari pa itong walang nginunguya pag lumilingon ako. napailing nalang ako sa dalawang ito. pag labas ko ng gate ay nakita ko lamang ang dalawang bike na nakaparada rito. "nasaan ang kotse ninyo?", tanong ko sa dalawa habang nakataas ang kanang kilay ko. "A-ano kasi kinuha ni Daddy susi ko dahil kung saan saan daw ako pumupunta.", sabi ni Hazel habang si Perrie ay pasipol sipol lang na parang walang naririnig. Lumapit ako rito habang nakangiti, nagtataka itong tumingin sa'kin at mamaya ay nginitian din ako nito ng malawak. "Nasaan ang kotse mo Perrie?", mabait kong tanong dito habang nakangiti pa rin. Lumapit naman ito sa bisekleta niya na carbon sa unang tingin ay malalaman mo talagang mahal ang bisekletang ito. "TA-DAA! ETO ANG LIMITED EDITION NA CARBON BIKE NA NAGKAKAHALAGANG-", pinutol ko ang sinasabi nito at sinamaan ito ng tingin. "Kotse ang tinatanong ko Harper." "A-ano kasi... ibinenta ko kotse ko para mabili 'to hehe wala kasi akong allowance ngayong buwan dahil nagalit ko si daddy.", Sabi nito at agad na inilayo ang tingin sakin. Sinong baliw ang ibebenta ang kotse para lang sa isang bisekleta? "Sige, mag bisekleta kayo ha.", nakangiti kong sabi sa dalawa. napatigil naman sa pag nguya si Hazel at si Perrie ay napataas ang kilay. "Hintayin niyo ako rito may kukunin lang ako sa kwarto.", sabi ko sa dalawa, hindi ko na inantay ang sagot ng dalawang siraulo at tumakbo papasok sa loob ng bahay. Agad akong nag tungo sa kwarto at kinuha ang bagay na yon sa study table ko at ngumiti na parang demonyo. Pasipol sipol ako pumunta sa garahe at nakita kong nakasunod ang tingin sakin ng dalawang ulupong sa labas ng gate. pinindot ko ang isang button sa pader ng garahe para mag bukas ang malaking gate namin. pasipol sipol pa rin akong pumunta sa kotse ko at sumakay rito. tinignan ko ang side mirror ko at nakita ko ang dalawang ulopong na nakatayo pa rin sa tabi ng bisekleta nila. "Ano pang tinitingin-tingin niyo r'yan? sumakay na kayo.", Sabi ko sa dalawa. Napatawa ako nang ipinasok nila ang bisekleta nila sa garahe namin at akmang bubuksan ang pinto ng kotse ko ngunit natigil sila ng minaubra ko ang kotse ko palabas ng gate. "Gunggong! Mag bisekleta kayo hanggang sa bahay nila Venice! Ciao!", sabi ko sa dalawa habang nakasilip sa bintana ko. Nakita ko ang nakangangang si Perrie at si Hazel na agad sumakay sa kaniyang bisekleta. The Forgotten Savior
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD