ATREO’S P.O.V. BUMAGSAK AKO SA sahig dahil sa malakas na suntok na natamo ko mula sa mga Esteban. Ang dalawang lalakeng kapatid ni Grace. Hinila ni Gab Esteban ang kwelyo ng polo ko para itayo ako. Humithit siya ng sigarilyo bago niya itapon iyon sa sahig habang nakatingin sa akin nang seryoso at mariin. “Sinabihan ka na namin, Alvarez, pero talagang wala kang isang salita.” Napaubo ako nang sikmuraan ako nito. Hindi ako lumaban. Nararapat lang sa akin ito. “f**k! Laban! Ano? Wala ka pala, asshole!” Muli ako nitong sinapak sa mukha at binitiwan ang kwelyo ko kaya humagis ako pabagsak sa sahig. Napaubo ako na kinalabas ng dugo sa bibig ko. Babangon pa lang ako nang may sumipa sa mukha ko na muli kong kinabagsak. “You’re an asshole! Ang saktan ang kapatid namin ay hindi katanggap-tang

