Kabanata 26 MAY BIGLANG HUMABLOT sa buhok ko bago pa ako makapanhik sa hagdan. Lumingon ako para makita ang salarin at nakita ko na si Suzane iyon. Siniko ko siya para makaalis sa pagkakasabunot niya pero tila malakas talaga siya. Humarap ako at sinabunutan ko rin siya. “Hayop kang kabit ka! Hindi ka mawala-wala!” aniya habang walang nagpapatalo sa amin sa pagsabunot. “Hindi ako mawawala dahil hindi naman ako masama kagaya mo.” Tumalim ang mata niya at mas sinabunutan pa niya ako. “Sige, sabunutan mo pa ako, tingnan natin kung hindi kita ipa-ambush sa mga kapatid ko.” “Talaga? Nakakatakot naman,” aniya at ngumisi pa siya. Tinulak ko siya kaya napabitiw siya sa buhok ko at napaatras. Huminga ako nang malalim at tumingin sa phone ko. May dinial ako at niloud speaker ko ang tawag.

