NAKANGITI KAMI SA isa’t isa habang buhat-buhat niya ako papasok sa bahay niya. Walang kahirap-hirap niya akong binuhat kahit pa suot-suot ko pa ang wedding gown ko na nagpapabigat sa akin. Napatili ako nang ibaba niya ako sa sofa at agad na sumubsob siya sa leeg ko at sabik na humalik doon. Napahawak ako sa coat niya at napakagat ako ng labi nang kagatin niya nang mariin ang balat ko sa leeg. “Bullshit! Kanina pa ako atat na atat sa ’yo, baby,” bulong niya at dinilaan ang leeg ko paakyat sa panga ko na kinahalinghing ko habang mahigpit akong nakakapit sa coat niya. Hinawakan niya ang panga ko at agad niyang inangkin ang labi ko na animo’y sabik na sabik. Tumugon ako sa halik niya habang nagsisimula nang uminit ang buong paligid namin. Gumalugad ang dila niya sa bibig ko kaya nakipag-e

