NAPAMANGHA AKO NA napatingin sa mataas na gate na tila maharlika ang nakatira. May mga guwardya na nakasuot ng uniform na kulay maroon habang may sumbrero rin sa ulo na katerno ng uniform nilang suot. Binuksan nila ang gate nang bumusina ang nagmamaneho sa amin ng isang limousine. Bale, sinundo lang kami nito mula sa airport dito sa Greece. Napakaganda ng Greece. Tahimik, malinis, at medyo malamig din. Kita ko rin ang mga tila ancient greek establishment na nasa paligid. “Dito ba nakatira ang grandma mo?” tanong ko kay Atreo na nasa tabi ko habang pinaglalaruan ang kaliwang kamay ko na nasa kanyang kandungan. “Yeah. Dito rin ako lumaki,” aniya kaya napangiti ako. Pumasok na ang limousine na sinasakyan namin kaya napatingin ako sa bintana at nakita ko ang malaki at puro puting kulay na

