Kylo’s POV Habang nag-iihaw sina Luca ng mga karne ay tinawag ko si Finn. “Dapat mong tandaan na hindi nila dapat malaman ang tungkol sa pagiging gangster natin.” “Noted, bossing,” sagot niya habang may pangal-pangal na agad na manok. Matakaw talaga ito kahit kelan. Pero kahit masiba siya sa pagkain ay napapanatili pa rin niya ang pagiging maganda ng katawan niya. Tumingin ako kay Luca. Kanina pa ito patingin-tingin sa akin. Ang totoo ay hindi pa rin naman okay ang tingin ko sa kaniya. Naiinis ako dahil nagmumukhang tanga ako pagdating sa kaniya. Nawala ang pagiging astig ko dahil sa alas na hawak niya. Hindi ako puwedeng magalit at magpakalayo sa kaniya. Natatakot kasi ako na baka isang araw ay pagsabi niya ang tungkol sa larawan kong nakita niya sa bedroom ko. Palalabasin kong mabait

