Luca’s POV Nagulat ako sa inutos sa akin ni Kylo. Hindi ko alam kung nagjo-joke lang ba siya o totoo talaga. Hindi kasi siya tumatawa. Parang seryoso kasi siya talaga. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya. Hinihintay ko na bawiin niya ang sinabi niya pero hindi ‘yun nangyari. “Seryoso ba ang utos mo kay Luca?” Hindi makapaniwalang tanong ni Finn. Kahit sila ay parang hindi rin makapaniwala. “Seryoso ako.” Si Kylo na ang kusang lumapit sa akin para yakapin ako. Nakuryente ako bigla. Nanlalaki tuloy ang mata ko. Nakaharap ako kay Finn. Kahit siya ay nanlalaki rin ang mata. Magkadikit ngayon ang mga balat namin ni Kylo. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang katawan. Grabe, umbok na umbok ang dibdib niya. Ang sarap nito sa pakiramdam. Iba ang dating ng yakap niya kaysa sa yakap sa akin

