Prologue
"Anak, basahin mo naman 'yong mga subject books mo bago 'yang mga fairytale or drama na 'yan!" Sabi ni Mama pagbukas pa lang ng pintuan ko. Napairap na lang ako.
"Ma, wait lang! Isang chapter na lang ito. Tatapusin ko lang!"
Hindi na sumagot si Mama at dinalhan na lang ako ng pagkain. Matapos ko magbasa ng istorya ay nag-aral naman din ako. Ginagawa ko 'to para lang masabi na hindi nasayang ang oras ko sa pagbabasa ng kung ano-ano. Mahilig ako mag-read ng tungkol sa fairytale, mystery, horror, at romantic. Naiinis nga ako at na aadik na ako kahit 'yong mga bida ay tatanga-tanga! Kasi naman nakakakilig pa rin!
"Hayst, bakit ba kasi napakabobo ni Ashley? Halatang gustong-gusto naman siya ni Henry! Ito namang si Henry, torpe eh ang gwapo-gwapo!" Wala sa sariling bulong ko habang nagbabasa ng libro. Exam namin bukas at nabasa ko si Henry Sy, pero ang pumasok sa utak ko ay 'yong mga bida sa recent kong nabasa!
Hayst! Nilalamon na talaga ako ng libro! Okay lang hihihi, excited na ako sa graduation! Malapit na mawalan ng pasok! Hihihi.
"At kapag nawalan na ako ng pasok! Magbabasa lang ako ng magdamag at makakakilala na naman ako ng mga inutil na bida! Hihihi"
"Sis! Nabasa mo na ba 'yong Innocently Guilty?! Grabe pala ang huli no'n." Kwento ni Diane sa kaibigan niya. Nasa likod lang nila ako at nakikinig ng palihim.
Hindi naman ako chismosa kaso 'di ko mapigilan kapag patungkol na sa novel ang pinag-uusapan nila. Natutuwa din ako. Kasi nga wala akong bestfriend dito sa school cause mas gugustuhin kong magbasa kaisa makipagkaibigan uli! Actually nakakausap ko naman sila kaya lang wala talaga akong literal na ka-close. Nakakainis pa minsan na nakikipag-F.O. sila, dahil lang same kami ng crush na bida! Edi wow! Para namang totoo 'yon at kahit maging totoong tao ang nasa libro, asa naman siyang patulan talaga kami no'n!
"Oo naman 'no! Si Adonis at Maricar! Kakilig!"
Agree! Nako naalala ko na naman ang istoryang iyon. Patungkol 'yon sa babaeng tumatanggap ng mga kaso at hahayaan niya ang sarili niya pagbintangang kriminal, kapalit kasi ng pagpapanggap niya ay 'yong pagpapaaral sa lima niyang kapatid! Tapos makikilala niya si Adonis na isang artista, naging P.A. siya no'n noong nakalaya siya. Nagkagulo lang kasi nalaman ni Adonis na ex-convic si Maricar. Ito namang si Maricar, tatanga-tanga bigla na lang nag-resign. Pero all in all okay sa akin ang story! Nakakakilig!
"Charlotte! Ikaw na basa mo na ba 'yong Innocently Guilty?" Bigla silang lumingon sa akin. Inayos ko naman ang books ko at tumango.
"Alangan."
"Sabagay halos lahat ata ng libro nabasa mo na eh! Hahaha maliban na lang sa libro ng school! Hahahaha!"
Hindi ko na lang sila pinansin at dumating na agad ang teacher namin. Nag-test lang kami ng 50 items. 42 lang ang nakuha ko at okay na sa akin 'yon basta line of 4. Hindi ako matalino at hindi rin naman ako bobo, sakto lang ako. Ako 'yong tipong istudyante na walang ganap sa buhay. May top ako minsan, minsan naman wala. Basta dapat walang line of 7 sa card, masaya na ako.
"Sino pala ang kapareha mo sa J.S. Prom natin? May naisip ka na ba?" Tanong ng kaklase ko ng makalabas kami upang kumain sa cafeteria.
"A-attend lang ako pero hindi ko iniisip na magkaroon ng partner."
"Ay gano'n? Ikaw na lang kaya yayain ko, wala kasing pumapayag eh. Gusto ko lang ng kapareha, sige na Charlotte, ikaw na lang hehe!"
Tumango na lang ko kay Rafael, ngumiti naman siya at nagpasalamat ng marami, nilibre pa ako ng juice.
Hayst nakakainis! Naawa ako sa kaniya, kasi may balita dito na mangkukulam or kulto ang pamilya nila, kaya ayon nagpapaniwala ang mga kumag. Pero dahil isa akong elite at hindi tatanga-tanga katulad ng mga nabasa ko ay hindi ako naniniwalang gano'n sina Rafael! Hayst, 21st century tuna na! Anyway, pangit din tingin sa kaniya ng mga kaklase ko kasi hindi naman talaga siya gwapo. Siya pinaka hindi kaaya-ayang hitsura sa room. Kaya walang pumapayag sa mga niyaya niya as partner. Ako, pumayag na ako kasi wala naman akong pakialam sa mga kaklase ko, libro lang talaga ang pinahahalagahan ko. At saka ayoko kasing gumaya sa mga bobong bida na kapag niyaya, tumatanggi pa. Duh, buti nga may nagyaya. Hayst, nakakainis. Nako, kahit 'di siya pogi! Inaamin kong may konting tuwa akong naramdaman hihihi!
"Weh, pumayag ka daw na maging kapareha mo si Rafael? Akala ko mataas standard mo dahil sa mga nababasa mo! Hahaha."
"H'wag kang bobo, hindi ko siya syo-syotain, partner lang kami. Putek..." Sagot ko kay Christine, ngumuso siya bago magsalita ulit.
"Grabe ka naman makabobo, nag-jo-joke lang ako eh! Pero nice ah, kasi ako wala pa akong partner!"
Napairap na lang ako, kasi alam ko naman na hinihintay niyang yayain siya no'ng crush niya. Gwapo naman talaga si Gino, kaya nga crush ko rin 'yon eh, pero hindi ko siya hinihintay nayayain niya ako, kasi hindi ako tanga. At saka, kahit gwapo siya hindi pa rin siya 'yong ultimate crush ko, malayo siya doon. Siguro nga mataas na talaga standard ko, sobrang gwapo na kasi talaga ng nasa isip ko. Maalaga, matalino, mayaman, at matangkad! Kaso si Gino, medyo pandak siya kaya, medyo ekis siya sa akin.
"Wow naman Charlotte, sana all na lang may partner! Wala pang nagyaya sa akin eh!"
"Maniwala ka diyan kay Mikay, eh niyaya raw siya ni King pero ayaw niya! Naku, mukhang hinihintay niya si Lorence na yayain siya!" Pang-aasar ni John sa sumingit na kaklase namin. Ngumuso na lang ako at inisip ang prom.
Halos lahat ng may kapareha sa room ay puro 'yong magbo-boyfriend kaya akala ng iba jowa ko si Rafael. Wala naman sa akin 'yon as long as tinatanggi namin pareho. Basta ako, kapag nakauwi na ako sa bahay magbabasa na lang ako nang magbabasa!
"Kainis, nanlalabo na ang paningin ko. Ang bata-bata ko pa para na akong matanda!"
"Iyan kasi ang hilig mo magbasa ng mga walang kwentang bagay, ayan tuloy. Patingin nga."
"May kwenta 'yon Ma! Maraming kapupulutan ng aral! Ikaw nga po puro teleserye at K-drama!" Sabi ko, tinitigan naman niya ako ng masama.
Pinakita ko kay Mama 'yong mata ko, lagyan ko daw ng eye-drop. Si Mama ko 'yong tipong bungangera pero maalaga naman. Wala akong kapatid kaya ang atensyon niya ay nasa akin lang. Single parent siya kasi namatay si Papa sa stroke, hindi ko na masyado iniinda 'yon kasi baby pa naman ako noong maganap 'yon. Call center agent si Mama habang ako naman ay wala lang, anak lang niya na nagbabasa ng kung ano-ano. Walang espesyal sa akin. Hindi ako gano'n kaganda at mas lalong hindi ako pangit. Hindi ako mataba, hindi rin sexy! Hindi ako masama pero hindi rin ako mabait. Sakto lang talaga ako, may nagkaka-crush sa akin at may naiinis rin. Kung baga patas lang.
"Anak malapit ka na magkolehiyo, ano na ang balak mo? Anong kurso pala ang gusto mo?"
Putek ang tanga mo talaga Stella, alam mo na ngang dimonyo at inggit sa iyo ang babaeng 'yan! Tapos sasamahan pa sa building, halatang may gagawin hindi maganda eh. Nakakainis, minsan talaga sa sobrang bait nagiging mangmang na!
"Hoy Charlotte, anak? Ano na? Anong kurso ang balak mo? Kumakain tayo, bitiwan mo muna 'yang novel mo. Kaya lumalabo mata mo eh!"
Nakakinis naman, ang ganda na ng parte eh! Nako, napakasama talaga ng ugali ni Risa! Pasalamat ka Risa at hindi kita mamura-mura dahil nasa harap ako ng pagkain at ni Mama! Hayst kagigil ka!
"Hehehe, balak ko sana maging Professor, Mama." Kunwaring sabi ko, napatango naman si Mama. Yumuko ako at nawindang nawala ang isip ko sa istoryang binabasa dahil wala pang bawas ang pagkain ko habang si Mama patapos na!
"Masamang tinatalikuran ang pagkain. Huwag kang basa-basa ng puro novel anak, try mo rin ang alamat. Alamat ng Kanin, gano'n." Natatawang aniya, iniwas ko na lang ang tingin ko at kumain na. Nagmamadali ako para makapagbasa agad!
"Ang ganda-ganda mo naman anak! Sige aalis na ako ah, text mo na lang ako kung kailan ka uuwi." Paalala ni Mama ng makapasok na kami sa loob ng school. Tumango naman ako at humalik sa pisngi niya bago magpaalam.
Hihihi, nagdala ako ng manga at pocket book bilang baon ko dito. Natutuwa ako sa JS Prom namin dahil halatang pinaghandaan, bawat paligid ay maganda. Cute ang mga design at ang upuan ay sosyal. May malaking field din sa gitna para sa mga sasayaw mamaya! Hihihi, kahit hindi naman kagwapuhan si Rafael ay excited din akong makasayaw siya, siyempre first time ko 'yon! Isa pa nakakabasa ako ng mga gano'n, hindi na importante sa akin kung pogi ba o hindi basta maranasan ko ay masaya na ako!
Hihihihi, at pagkatapos ng event na 'yon ay magbabasa ako! May talent kasi ako, kaya kong magbasa kahit napakaingay ng paligid, talagang nakaka-hook kasi ang mga libro ko kahit lutang ang mga bida!
"Nice, ganda ah. Feeling main character 'yan?" Bungad sa akin ng kaklase ko, inirapan ko na lang sila at pumunta sa may sulok.
Oo at hilig ko ang pagbabasa pero ayoko maging main character kung maging artista man ako! Duh, bobo kaya nila. Kahit na sabihin na maganda ang ending ay 'di pa rin ako sang-ayon. Lagi na lang silang kawawa tapos sa bandang huli lang ang magandang pangyayari. Like 3/4 paghihirap at 1/4 lang ang kasiyahan. Pero kahit naiinis ako hindi ko magawang tigilan ang pagbabasa, sobrang na-eenjoy ko kasi ang mga kilig scene. Ngunit sobra ang highblood ko kapag tatanga-tanga sila.
"Wow naman si Thea! Bongga! Kaso wala lang partner, para kang 'yong nabasa ko. Maganda tapos walang partner!"
"Feeling ko si Thea ang ating Queen of the Night!" Mga sabi-sabi nila at agree naman ako doon.
Oh tanga, naniwala na naman diyan sa bruha. Mahal ka nga ni Eduard! Halata kaya! Parang baliw din itong si Bea at nagpapaniwala kung kani-kanino! Sa boyfriend 'di naniniwala pero sa stranger? My Gosh! Napaka uto-uto talaga!
"Oh bakit bad mood?" Biglang tanong ni Christine, bumuntong hininga na lang ako at napatingin siya sa tinago kong book. "Wow! Hanggang dito may libro ka pa din? Malala ka na ah!"
"M-Mind your own business."
"Aba-aba ang taray ni Charlotte ah, bakit kaya? Nagsisi ka na bang partner mo si Rafael? Hahahaha!" Nang dahil sa sinabi ni John, tawa na nang tawa ang mga nakarinig kaya napairap na lang ako sa kawalan.
"Akala niya ata magiging pogi si Rafael eh! Tapos siya daw si pick me girl at ang kapareha niya ay gwapong-gwapo na. Ano 'yon nerd to handsome guy? Hahahaha!"
"Hahaha! O kaya naman, anak ng Mafia Boss! Magulat ka na lang may dala ng baril si Rafael eh 'no! Tapos 'yong Tatay niya may mahabang coat at nakasalamin na itim with matching tabacco stick! Hahaha!"
"I'll be gentle baby girl! Hahahahahahahahaha!"
Iniwan ko na lang sila at umupo na lang ako sa kabila, 'yong walang masyadong tao. Mabuti na lang at nalimutan din nila kasi dumating na ang ibang istudyante kaya iba naman ang binuyo nila.
"Good Morning Charlotte! Sabi ni Mommy picture daw tayo. Okay lang?" Biglang bungad ni Rafael, tumango naman agad ako.
Ngiting-ngiti ako sa picture at nakakapit pa ako sa braso ni Rafael, wala namang pakialam na mga kaklase ko dahil nandito Nanay ni Rafael. Baka mapa-guidance sila ng wala sa oras. Hindi naman kasi ito libro na 'yong mga istudyante bastos na para bang walang pinag-aralan. 'Yong tipo kahit magulang ng kakalse wala silang pakialam. Hayst nakakainis! Naalala ko na naman ang bobong bida na palaging binu-bully ng leading man, dapat kapag gano'n pilitin na lang niya magka-crush doon kung wala talaga, para 'di siya naiiba. Na-bully tuloy! Kakainis! Pero okay na rin kasi nagkatuluyan sila! Kakilig!
"Ang ganda-ganda mo naman hija! Thank you ulit ah."
"Welcome po, picture din daw po mga teachers. Hiramin ko lang po si Rafael." Pagpapaalam ko at nagtungo sa mga guro.
Ito talaga ang gusto kong maranasan. 'Yong pagdating ng future ko ay may makikita ako ganitong larawan sa album ko! Nagsayaw-sayaw na kami at natutuwa ako dahil for the first time in my life naranasan ko 'yon! Niyaya naman ako ng iba ko pang kaklase na sumayaw, pumapayag naman ako kapag may nagyaya. Lalo na mairoong tripper na gusto niya lahat maisayaw niya. Kaya naman nakiki-join na rin ako! Pero ang huli ko pa ring sinayaw ay si Rafael since siya ang partner ko!
"Charlotte, salamat ah. Mamaya na lang ulit. Mag-pi-picture daw tayo sa may red carpet. Pila daw muna sabi ng mga teachers."
"Sige-sige, babalik na lang ako sa puwesto ko. Balikan mo ako kapag may walking-walking na magaganap ah!" Masayang sabi ko, tumango naman siya.
Hindi ako naiilang kay Rafael dahil hindi naman niya ako crush. Alam ko si Thea eh, kaya wala na sa bokubolaryo ko ang mahiya o 'di kaya ay tumutol. Basta ang misyon ko lang ay matapos ang graduation ng masaya ako. Tapos kapag nagka-work na ako hahanap na ako ng leading man ko! Hihihihi! At sisiguraduhin kong matalino akong bida at 'di ako papaloko sa mga antagonist!
Excited akong bumalik sa puwesto ko at nagbasa pa ulit.
"Hindi ka ba naiingayan sa music at nagagawa mo pa ring magbasa?" Singit ni John at umupo sa tabi ko. Umirap na lang ako.
"Mas maingay boses mo, ngumangarag sa tainga ko. Usog ka ng kaunti."
"Sungit... Ano bang binabasa mo ah Charlotte, at hindi matanggal ang tingin mo diyan?" Napangiti ako sa tanong niya kaya agad kong nilabas ang story na palihim kong binabasa sa loob ng bag ko!
"Tungkol 'to doon sa babaeng mahirap at lalaking mayaman. Si lalaki ang nagmamay-ari ng plantation habang ang babae trabahadera lang. Tapos si lalaki bumalik ang ex niya na niloko siya. Kaya kinuha niya si leading lady na para pagpanggapin na fiance niya 'yon! Tapos ayon akala no'ng bidang lalaki nagseselos si bidang babae kasi kasama niya ex niya. 'Yon pala nagseselos talaga 'yon pero ang dahilan is ang leading lady crush niya ang ex ng leading man. So ang pinaka focus ng story is kung paano mahuhulog si bidang babae kay bidang lalaki kahit na lesbian siya!"
"Woah, kakaiba 'yan ah. Parang wala pa akong napapanood na ganiyan. Ano bang title?"
"Secret Desire! Ayan oh, ang laki-laki ng sulat! Maganda ito! Naulit ko na ito ng ilang beses eh. Gusto mo hiramin mo? Soli mo na lang kung kailan mo gusto, kapit-bahay lang naman kita."
Agad naman siyang pumayag kaya inabot ko na sa kaniya. Buti na lang kasama niya Mommy niya, at least doon niya maipapalagay ang libro ko. Mamaya kasi, malukot eh, wawasakin ko talaga buhay niya kahit maliit lang na tupi ang mangyari doon!
"Wow, ang cute niyo naman!" Sabi ng photographer sa amin ni Rafael. Nasa red carpet na kami.
Maya-maya pa ay nagkaroon ng banda at may mga pa-contest. May mga judges din. May pogi pa nga akong nakita! Lahat ata kami 'yon ang crush kaso nasa 30 plus na! Kumain lang ako at nagbasa. May mga award na nakuha ang ilang sa kaklase ko. Princess of the Night si Thea habang ang Queen of the Night ay hindi ko kilala, basta taga ibang section. Hindi ko rin mapigilan ang hindi ngumiti dahil kahit ang mga lumang kanta ay alam ko. Kasi sinasaliksik ko ang mga kantang nababasa ko sa libro.
"Salamat ulit Charlotte! Dahil sa iyo ay naranasan ko magkaroon ng partner! Thank you!"
"Welcome! Salamat din ah! Bye-bye na, pakisabi sa Mommy mo! Uuwi na ako narito na si Mama. Thanks ulit, 'yong pictures pala send mo sa akin. Mag-se-send din ako sa 'yo! Need ko lang! Hahaha!" Masayang sabi ko at nag-bye-bye na. Nagpaalam na rin ako sa mga teacher at istudyanteng medyo kakilala ko.
Yehey uwian na! Read na naman!
Kahit kailan talaga hindi ako nagtiwala sa lalaking ito! Alam ko naman eh! Sa simula pa lang may kadimonyohan na 'yan na balak! Napakamanhid mo naman Trisha, akala ko ba matalino ka? Valedictorian ka pa nga eh! Tapos 'yong mga ganiyan hindi niya agad na aamoy! Susmiyo! Ako nga unang basa ko pa lang, alam ko na agad. Partida top 8 ako sa klase tapos siya laging top 1! Putek pa! Napaka red flag din nitong si Arthur eh, porque pogi! Bwiset! Sana talaga maghirap ka muna bago ka sagutin ni Trisha! Itong si Trisha naman, lapit pa nang lapit kay James! Akala ko ba gusto mo si Arthur?! Eh bakit dikit ka nang dikit sa adik na 'yan? Itong author naman kasi, bakit naman gano'n?!
"Super malala ka na! What the fudge Charlotte?! Graduation natin ngayon at nagdala ka talaga ng libro?! Ano 'yan bibitbitin mo sa stage?!" Tawa sila nang tawa. Ngumuso ako at sinarado na agad ang libro ko.
Kainis! Gusto ko na agad mabasa ang next chapter at sigawan lahat ng characters na ang bo-bobo nila!
"Masyado kayong pakialamero at pakialamera. Masama 'yan."
Hindi ko sila pinansin pero pinatago ko na kay Mama ang novel ko sa kaniyang bag. Pumunta na ako ng stage at inabutan na ng dimploma. Meron din akong bronze medal at tuwang-tuwa si Mommy doon! Nag-speech na rin ang first honorable, salutatorian at valedictorian. Dumating pa ang Mayor namin kaya tuwang-tuwa kaming lahat. Binigyan kami ng pasasalamat at matapos no'n naghagis kami ng toga! Nagpalipad pa ng lobo! Huling ceremony na, dumating ang mga scout at nagpatugtog ng malungkot na awitin. Umiiyak ang iba kaya medyo naluha tuloy ako. Ang boys naman tawa nang tawa, feeling cool.
"Tara anak picture ka sa mga teacher mo." Sinunod ko si Mama. Tinawag din ako ng ilan kong kaklase at nagpa-picture din sa kanila. Nagulat pa nga akong kahit 'di ko sila ka-close ay tinatawag pa rin nila ako para sa picture taking!
Masaya naman ako at natapos na. Paglabas ng gate, bumili muna kami ni Mama ng palamig. Ako, naghitay lang sa may bench.
"Putek! Kapag ako talaga nakapasok dito sa libro! Sasabihin ko talaga kung gaano kayo kabobo! Like? What the heck! Halatang-halata naman nagpapaloko pa! Kainis!"
"Hello uli sa 'yo Charlotte, congrats." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng parent! Susmiyo! Nakakahiya naman ako!
Kasalanan 'to ni Trisha at Arthur!
Pilit akong ngumiti sa nanay ni Rafael! Agad akong tumayo at binitawan saglit ang libro. Ngayon ko lang siya nakita, mukhang siya ang tumungtong sa stage with Rafael! 'Di ko lang siguro napansin.
"Hello po... T-Thank you po and uhm, congratulations rin po kay Rafael."
"Salamat... Nakakatuwa ka naman. Asan Mama mo?" Aniya, tinuro ko naman si Mama sa 'di kalayuan. "Ahh, tama nga si Raf, hilig mo pala ang pagbabasa... Anyway, may ireregalo sana ako sa 'yo."
Shutanes seryoso? Walang gift si Mama sa anak niya! Ganiyan ba siya ka-thankful dahil pumayag akong maging kapartner ng son niya?
"Ahh? W-Wow... H-Hindi naman po kailangan ng may paganiyan po... Hehehe." Hindi ko alam sasabihin ko. Ang ganda ng kwintas, mukha siyang maliit na libro.
"Sige na tanggapin mo na. Ako pa ang gumawa mismo niyan... Maganda ito hija, hindi pangkaraniwan. At saka bagay sa 'yo"
Wala na akong nagawa at tinanggap ko na ang kwintas, natataranta pa nga ang babae ng bumalik si Mama sa puwesto ko kanina. Anyway nasa mall kami ngayon at kakain sa Jollibee! Kita ko nga ang pamilya rin ni John na narito!
"Nabasa mo na?" Sabi ko nang lumapit si John sa akin kasi ang mga magulang namin ay nasa counter. Tumango naman siya pero iba ang sagot niya sa tanong ko.
"Nakita pala kita kanina, kausap mo Nanay ni Rafael. Hindi ka ba natatakot, kulto 'yon eh!"
"Baliw! Hahaha, kahit favorite ko fairytale hindi ako naniniwala sa gano'n! Sabi ko nga sa iyo matalino ako at hindi gagaya sa mga bobong bida! Hahaha!" Tumawa na lang siya kunwari at naupo sa harapan ko. Nagsalubong ang kilay ko at tuluyan ng naibaba ang binabasang librong baon ko.
"Ewan, nakakatakot pa rin kaya! Mamaya lasunin ka no'n eh. Ang dapat mong gawin sa gano'n ay kabaliktaran para matanggal ang sumpa! Kasi kapag nagkataon baka mawala ka sa pag-iisip mo! Iyan ang sabi ng Mama ko!"
"Huh? Anong kabaliktaran? Putek ka! Hahaha saan naman nakuha 'yan ng Mama mo?" Natatawa kong sinabi, ngumuso siya at tinignan ang mga magulang namin bago lumapit sa akin para may ibulong.
"Halimbawa binigyan ka niya ng pagkain, imbis na masarap 'yon! Isipin mong pangit ang lasa at dapat isuka mo! Para tanggal sumpa at maging okay ka na ulit!"
"Eh paano kung libro binigay sa akin! Ano kabaliktaran no'n? Uunahin kong basahin ang ending bago ang prologue? Sira ulo ka ba?"
"Eh! Basta huwag mo na lang isipin 'yong binigay! Matakot ka naman Hahahaha!" Kunwaring tawa niya. Iniba ko na lang ang usapan. Umalis na rin siya sa upuan nang bumalik na ang mga parents namin.
Nalimutan ko na ang topic namin dahil ang sarap ng manok at spaghetti! Sana palaging ganito!
"Ayan, dumating na rin ang pagkakataon na hinihintay mo anak! Makakapagbasa ka na ng walang iniinda!" Natatawa si Mama, ngumuso ako at pinigilan ang ngisi.
Natutuwa ako kay Mommy dahil ang binigay niya sa akin ay maraming books kahit na minsan naiinis siya sa adik kong pagbabasa!
Mabilis ang pagdaan ng gabi. Nasa kwarto na ako at palagay kong tulog na rin si Mama. Bigla ko tuloy naalala ang mabango at magandang kwintas na regalo sa akin. Ang ganda ng design niya, napaka elegante. Mukha itong maliit na libro at maaaring buklatin, may mga nakasulat sa papel hindi lang makita dahil sa sobrang liit. Sinuot ko ito at tinignan sa salamin.
Ang ganda talaga...
Ito 'yong pinapatakot sa akin ni John! Susmiyo! Ano bang alam niya? Ultimate 'yon na mapang-asar sa school! Putek siya!
Napangiti na lang ako sa kwintas at nalimutan na ito agad dahil marami pa lang biniling libro ang mga pinsan at tita ko bilang regalo sa akin. Kumuha ako ng dalawa at humiga sa kama.
"Hihihi, sa wakas! New book ulit!" Bulong ko sa sarili, ginagaya ko lang naman ang mga character na kinakausap ang sarili na parang mga tanga! Binasa ko muna ang likod ng libro para may clue ako sa istorya bago ang mga chapter. "Undying Love, hmm masyadong cheesy..."
=Undying Love=
She is Irish, a simple lady studying at a prestigious university. She is attractive, tough, and smart at the same time. Even though she is poor, it did not stop her from working hard in vitality that is why she is a scholar. They are three siblings. She is the only daughter in their family and among her friends, she is one of the boys. Her Dad is a taxi driver while her Mom sells candies in their town. Irish grew up with no obsessions with dress and make-up, she was sometimes called a lesbian for her actions especially she is boyish and her fun time is to make a joke with people around her. Moreover, she’s the only girl who doesn’t care about the six handsome guys and famous on their campus! So when the leader of the group, Hades Grey trips her up, her life went uneven.
Typical lang naman pero nakakatuwa pa rin! Binuksan ko na agad para sa prologue pero bigla ko na lang nabitawan ang libro kaya nahulog 'yon sa may collarbone ko, tapos ayon...
Ay ewan ko, nakatulog na ako.