CRISTINE “Hay, salamat, natapos ko din!” naghihikab na sambit ko. Kahit nakapikit na ang aking isang mata. Sinikap ko rin tapusin ang pagsusulat ng sa manila paper para sa reporting namin bukas. Medyo strict ang subject teacher namin sa AP kaya naman dapat kong galingan sa pagrereport bukas. First subject namin ang AP bukas. Hindi ako dapat ma-late sa pagpasok. Tumayo na ako sa silya na kinauupuan ko upang maghanda na sa aking pagtulog. Nakapag toothbrush na ako at nakapagpalit ng pantulog na damit bago ko pa simulan ang pagsusulat para sa report ko bukas sa AP. “Ang sakit ng kamay ko, ang dami kong sinulat.” nakatihaya akong nahiga sa kama at tumitig sa kisame. Dating gawi. Pampatulog ko ang titigan ang kisame or kaya ay ang magbasa ng libro. Siguro. Dahil sa pagod ko. Kaya hin

