CRISTINE “Pasensya ka na anak kung hindi ka mabibigyan ng party sa birthday mo ng asawa mo. Nag lump-sum payment kasi si Edriel sa utang namin sa banko. Kaya pasensya ka na talaga. Itong bahay at lupa na lang kasi ang nag-iisang alaala sa amin ng anak ko sa namayapa niyang ama. Kaya sobrang mahalaga ito sa amin. Pero ang sabi naman ni Ederil, babawi na lang daw siya sa susunod na kaarawan mo. Pasensya ka na talaga, Cristine.” narinig kong sabi ni nay Anissa sa akin. Narito kami ngayon sa loob ng aking kwarto. Naupo si nay Anissa sa tabi ko dito sa kama. Mahina ang boses at malungkot ang ekspresyon ng mukha nito habang pina paliwanag sa akin ang dahilan kung bakit hindi ako mabibigyan ng party ni kuya Edriel sa 18th birthday ko. Okay lang naman sa akin. Hindi na rin naman ako umaasa tal

