CRISTINE
“Happy Birthday, Cristine!” masayang bati sa akin ng kaibigan kong si Shiena. Mabilis lang na lumipas ang panahon. At ngayon nga ay 17th birthday ko na dito sa bahay nila kuya Edriel.
“Thank you, Shiena.” kinuha ko sa kamay nito ang regalo sa akin. Hindi ko naman gusto ang birthday party. Kaya naman ang sabi ko kay nay Anissa. Simpleng handaan lang ay okay na ako. Sabi kasi nito sa akin, gusto raw ako ni kuya Edriel ipaghanda, ayoko naman. Kasi dagdag gastos lang iyon sa kanya.
“Magugustuhan mo ‘yang gift ko!” ngisi na sabi ni Shiena kasabay ng pag sundot sa aking tagiliran. “Isuot mo ‘yan mamayang gabi! Sexy ka d’yan!” mahinang bulong nito sa akin at humagikgik pa.
Napailing naman ako. “Ikaw talaga, ano na naman ba ‘tong kalokohan mo na ‘to, Shiena?” wala talaga magawang matino ang kaibigan kong ito.
Malapad ang ngisi sa labi ni Shiena na umupo ng indian-seat sa ibabaw ng kama.
“Sige na, buksan mo na ‘yang regalo ko sa ‘yo. Tutal tayong dalawa lang naman ang nandito sa loob ng kwarto n’yo ni kuya Edriel.” sigurado akong may something dito sa regalo ni Shiena sa akin kaya ganun na lang ito ka-excited na buksan ko na ang gift nito sa akin.
Inabot pa ni Shiena ang unan at niyakap ito habang naka indian-seat pa rin.
Naka-nguso ko naman binuksan ang gift nito. “Shiena! Ano ba ‘tong gift mo? Jusko kang babae ka!” naiinis at hindi makapaniwalang sambit ko nang makita ko kung ano ang regalo nito sa akin.
Isang set ng kulay red na nighties at kulay red na T-back!
Matalim kong tinigigan si Shiena. “Anong gagawin ko dito sa regalo mo sa akin?”
“Edi malamang, isusuot mo po.” sarcastic at hagikgik ni Shiena na sagot sa akin.
“Eww!” binato ko sa mukha ni Shiena ang Nighties at T-back na regalo nito sa akin. “Gaga ka! Sa ‘yo na ‘yang regalo mo! Ikaw ang magsuot n’yan!”
Kadiri talaga ang gagang ‘to! Ang bata bata pa puro kahalayan na lang ang laman ng isip. Kaya ang baba ng grades! Puro kalokohan ang laman ng isip!
Tumawa ng malakas si Shiena. Tumayo ito sa ibabaw ng kama at niladlad sa harapan ko ang hawak na nighties at t-back.
“Gage, bagay kaya sa ‘yo ‘to. Panigurado maakit sa ka-sexyhan mo si kuya Edriel. Para naman makalimutan na n’ya ang ate Celestine mo.” matapos busisiin ni Shiena ang nighties sa harapan ko ay ang t-back naman ang niladlad nito upang ipakita sa akin kung gaano ito ka—-daring!
“s**t! Naiimagine na kita, girl. Suot mo ‘tong T-back na ‘to, panigurado ang sexy mo!”
Nagtakip ako ng mga mata. Naasiwa akong makita ang hawak ni Shiena na t-back. Jusko may ganitong klaseng panty ba? Sino naman ang nagsusuot ng ganitong klaseng panty?
“Kadiri ka, Sheina! Itago mo na nga ‘yang hawak mo! Hindi ka na nakakatuwa!” naiinis na talaga ako sa kanya.
“Oh, bakit? Kasal na kayo ni kuya Edriel ‘di ba? At kahit 17 ka palang, pwede na ‘yon! Pwedeng-pwede na kayong mag-ana ana!” malakas na humagikgik muli si Shiena.
“Ew! Kadiri ka, Shiena!” hindi ko maimagine ang lumabas sa bibig nito.
“Tsk. Sabi mo lang ‘yon kadiri. Pero hindi. Tsaka, hello. Sa gwapo ni kuya Edriel. Hindi sya nakakadiri ‘no!” hinitsa pabalik sa akin ni Shiena ang nighties at t-back na hawak nito. Pero agad ko namang tinabig iyon kaya lumipad sa lapag sa may pinto.
“Tigilan mo nga ako, Shiena. Hindi ka na nakakatuwa, ha!” inabot ko ang unan at binato sa kanya. Humagalpak naman ito ng tawa.
“Sabi mo lang kadiri. Pero kita mo, once na matikman mo ang pinsan ko, ay. Ako na ang nagsasabi sa ‘yo. Feels lang heaven, girl! Sarap ‘yun!”
Inabot ko pa ang isang unan at binato kay Shiena. Kinikilabutan ako sa mga lumalabas sa bunganga nito. Hay. Grabe talaga. Nagka-boyfriend lang, naging bulgar na ang bunganga!
“Ewan ko sa ‘yo, Shiena. Hindi ka na naman nakainom ng gamot mo!”
“Hindi ka sure!” nakangisi na tumalon pababa ng kama si Shiena. “Well, to tell you the truth. I had my medicine last night. My kisspirin at yakapsule!” pagyayabang nitong sabi.
“Lagot ka kay kuya Edriel pagmalaman n’ya ‘yan!” sindak ko sa pinagsasabi ni Shiena.
“Nyaa! Wag ka ngang k.j d’yan. Two years na kami ng boyfriend ko ‘no.”
Bumuka-sara ang aking bibig. “T-two years na kayo ng boyfriend mo?” hindi ako makapaniwala na nagawang ilihim sa akin ni Shiena na may boyfriend na pala ito.
Kagat ang pang ibabang-labi na tumango si Shiena. “Oo, two years na kami.” naupo ito sa kama. Pinag-krus ang mga hita habang ang mga mata ay kumikinang. “He’s my first.”
“A-anong…” natutop ko ang aking bibig. ‘He’s my first’. Hindi ako makapaniwala na binigay na ni Shiena ang sarili sa boyfriend nito.
“Enjoy mag-aral ng college. At masarap pag may boyfriend ka. May taga-hatid, at sundo ka na. Then, may taga-libre ka pa.”
Nasa ekspresyon ng mukha ni Shiena na masaya ito sa kanyang nobyo. Kaya masaya na rin ako para sa kanya. Kahit pa naglihim ito sa akin tungkol sa kanyang boyfriend.
Balak ko sanang lapitan si Shiena ngunit mabilis akong napatingin sa pinto nang marinig kong nag-click ang seradura ng pinto at bumukas iyon.
Shit—---yung nighties at t-back!
“Hi, kuya Edriel!”
Daig ko pa ang binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig nang marinig kong batiin ni Shiena ang pumasok sa pinto—--si kuya Edriel!
Napalunok ako at malapot na pinagpawisan nang makita kong nasa paanan ni kuya Edriel yung nighties at t-back sa kinatatayuan nito sa may pinto.
Agad akong tumakbo papunta sa kinatatayuan ni kuya Edriel nang makita kong bumaba ang mga mata nito sa bagay na natapakan nito. Umupo ako at hinila ko ang nighties at t-back na inaapakan ni kuya Edriel, nagulat pa ito dahil sa ginawa kong pagsalampak ng upo sa paanan nito.
Ramdam ko ang pamumula at pag-iinit ng aking mukha sa hiya. Tinago ko sa aking likuran ang nighties at t-back at agad rin na tumayo.
“Tara na sa labas, Shiena.” yaya ko rito sa nangangatal na labi.
Hays. Pahamak talaga ang babae na ‘to!
Agad naman na sumunod sa akin palabas ng pinto si Shiena. “Sandali, Shiena,” tumigil ang t***k ng puso ko nang marinig kong nagsalita si kuya Edriel. Dahan dahan akong pumihit paharap dito at maingat na hinawakan ang nighties at t-back sa aking likuran.
“P-po, k-kuya Edriel?” garalgal kong sagot.
“Tumawag ba sa ‘yo ang ate Celestine mo? Pupunta daw ba siya dito?”
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot dahil sa tanong na iyon ni kuya Edriel. Alam kong gusto nito makita at makausap si ate Celestine.
Nahihirapan akong lumunok. Tumawag si ate Celestine kanina. Sinabi nito na hindi makakapunta dito sa bahay nila kuya Edriel. Susunduin na lang daw ako nito bukas para i-celebrate namin ang birthday ko.
“U-uh, hindi daw po makakapunta si Ate, kuya.” mahinang sabi ko. Kitang-kita ko kung paano nanlumo ang mukha ni kuya nang sabihin kong hindi pupunta si ate Celestine dito sa bahay.
“Ganun ba, sige. Salamat.”
Tumalikod na kami ni Shiena kay kuya Edriel. Tahimik kaming naglakad papunta sa sala. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko si kuya Edriel na malungkot dahil hindi nito makausap si ate Celestine. Kung maibabalik ko lang ang gabi na iyon. Hindi na ako iinom. Hindi ako papasok sa kwarto ni kuya Edriel.
“Uy, na tahimik siya. Bakit? Selos ka?” mapang-inis na sabi ni Shiena sa akin habang naglalakad kami. Kiniliti pa ako nito. “You don’t need to be jealous, ikaw ang asawa. Lamang ka na sa Ate Celestine mo!”
“Hindi ako nagseselos ‘no!” tanggi ko sa sinabi nito na nagseselos ako. Nauna akong naupo sa sofa at tumabi naman sa akin si Shiena.
“Sabi mo, e. Edi hindi.”
“Hindi naman talaga. Bakit ako magseselos? Wala naman kaming relasyon ni kuya Edriel. At baka nakakalimutan mo, Shiena. Ikaw ang may kasalanan ng lahat kaya kami kinasal ni kuya Edriel.”
Kung hindi ako pinainom ni Shiena noong gabi ng birthday nito. Hindi ako makakatulog sa kwarto ni kuya Edriel.
Kunot-noo na hinawakan ni Shiena ang aking kaliwang kamay. “Nasaan ang wedding ring mo?” tanong nito nang makitang wala sa daliri ko ang wedding ring namin ni kuya Edriel.
Agad kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Shiena. “Nasa wallet ko,” pagsisinungaling ko.
“H-ha? Bakit nasa wallet mo? Hindi ba dapat suot mo ‘yun?”
Napakamot ako ng ulo. “Ayoko ngang makita ng mga kaklase ko, baka pagtawanan pa nila ako pag nalaman na kasal na ako. Eh ang bata ko pa ‘no.”
“Hmm… my point ka rin naman.”
Nginitian ko lang si Shiena. Pero ang totoo. Pinahubad sa akin ni kuya Edriel ang wedding ring sa daliri ko, at bilin pa nito sa akin. Maliban kay Shiena, wala ng ibang tao ang dapat na makaalam ng tungkol sa kasal namin.