"Adriel, Anak, pakitawag mo na ang asawa mo sa kwarto n'yong mag-asawa. Para makapag hapunan na tayo," anang ina ni Adriel sa kanya.
Kaagad naman siya na tumalima sa winika ng ina. Marahan na kumatok sa siya pinto ng silid. Dahil nakakailang tawag na siya at walang sumasagot kaya binuksan na lang niya ang pinto at pumasok sa loob. Pagpasok niya ay bumungad sa kanya ang nakatulog na si Christine sa ibabaw ng table habang nagbabasa ito ng libro. Maingat niya na inalis ang suot nito na eye glasses. Napakunot noo siya nang mapansin na pawis na pawis ito dahil hindi nagbukas ng aircon. Binuksan niya iyon at hinayan na lamang na matulog ang dalaga.
Nagising si Christine sa pangangalay ng braso na siyang nagsisilbing pinakaunan ng ulo niya sa lamesa. Bahagya siyang napakunot nang maramdaman ang lamig ng aircon sa balat. Sinadya talaga niya na hindi magbukas ng aircon kanina para hindi na siya masyadong kumunsumo ng kuryente. Dahil narinig niya na walang trabaho si Adriel ay magtitipid siya sa paggamit ng kuryente. At bukas ay kakausapin din niya sa canteen kung pwede siya na umekstra sa canteen kahit na taga hugas ng plato para naman kumita siya ng pambaon niya sa araw-araw. Nag inat-inat siya saka kinuha ang eye glasses at sinuot iyon. Muli ay napakunot noo siya. Ang tanda niya kanina ay nakasuot ito sa kanya.
"Baka si Nay, Anissa ang pumasok dito,"
kibit balikat na aniya sa sarili at lumakad na palabas ng kwarto upang kumain ng hapunan dahil kumakalam na ang sikmura niya sa gutom.
Kinabukasan ay maagang naghanda si Christine sa pagpasok sa school. Hindi na niya hinintay pa na ihatid siya ni Adriel sa pagpasok. Mabuti na lamang at wala roon ang lalaki dahil nag-jogging daw ito. Saktong 6:AM ng umaga ay nasa school na siya. Kinausap niya ang may-ari ng canteen upang mag-apply kahit na helpler lang doon. May kilala kasi siya na kapwa estudyante niya working sa canteen after class. Tuwang-tuwa siya ng sabihin sa kanya ng may-ari ng canteen na maari na siyang magsimula ng araw din na iyon pagkatapos ng klase niya. Iyon nga lang ay hindi araw-araw ang pasok niya sa canteen. Three times a week lang ang naging pasok niya roon. Tumanggap din siya ng tutorial sa mga grades school pupils para dagdag income sa kanya. Sa kabilang banda naman ay napuno ng pagtataka si Adriel at ang ina nito.kung bakit nabago ang class schedule ni Christine. Umaalis ito before 6:AM at umu-uwi ng 6:PM. At halatang pagod na pagod ito to the point na nakakatulugan na ang pagkain ng hapunan. Dahil tatlong araw na iyon na ginagawa ng dalaga ay nagpasya si Edriel na palihim na sundan ito sa school. Ang alam kasi niya ay 8:00 AM to 3:00 Pm ang oras ng uwi nito kung hindi naman nito P.E day. Napakunot noo siyan ng hindi dumeretso sa school ang tricycle na sinasakyan ng dalaga kung hindi sa isang bahay.
Nakangiti na bumaba ng tricycle si Christine at pumasok sa bahay ng tsinutuituran niya. Matapos ang halos isang oras na pinamalagi ni Christine sa pagtuturo sa 9 years old na batang babae ay pumara na siya ng tricycle saka dumeretso sa school.
Kaagad naman na kumatok si Adriel sa bahay na nilabasan ng dalaga. Hindi siya makapaniwala sa natuklasan niya kung bakit pumunta roon si Christine. Matapos makipag usap sa lola ng bata ay umalis na din siya doon. Pinaharurot niya ang van papunta sa school ni Christine. Gusto niyang malaman kung ano pa ang ibang aktibidades ng dalaga sa paaralan kaya hindi muna siya umuwi ng bahay.
Matiyaga talaga niya na hintayin ito hanggang sa oras ng uwian nito. Nang sumapit ang alas-tres ng hapon ay nakita niya na nag uwian na ibang kapwa 4th year student ni Christine. Kaagad niyang nilapitan ang classmate ng dalaga na namukhaan niya ng araw na sunduin niya ito. Dahil may service na nag-aabang sa kaibigan ni Christine ay tinuro na lang nito kung saan makikita ni Adriel ang dalaga. Malalaking hakbang ang ginawa niya upang marating kaagad ang canteen na sinabi ng kaklase ni Christine.
Hindi pa man siya lubusang nakakalapit sa canteen ay natanaw kaagad niya ang dalaga habang abalang-abala ito sa pagliligpit ng pinagkainan, pagpunas ng lamesang pinagkalatan ng mga estudyante.
Parang pinipiga ang puso niya na makita ito roon. Hindi man niya alam kung ano ang pumasok sa isip ng batang iyon kung bakit naisipan pumasok bilang helper doon. Pagod na nga sa pag-aaral ay rumaraket pa ito. Naisip niya baka kulang ang dalawang libo na allowance na binigay niya rito. Siguro marami silang project sa school at nahihiya na magsabi sa kanya kaya naisipan na pagsabayin ang pag-aaral at trabaho.
"Christine, Anak, kakausapin ka daw ng asawa mo pagkabihis mo." mahinang sabi kay Christine ng ina ni Adriel pagpasok palang sa pinto ng bahay. Napalunok siya sa pagiging seryoso na wika nito sa kanya.
"Sige po Nay," magalang na sagot niya matapos magmano rito. Mabilis siya na pumasok ng kwarto at nagpalit ng pambahay na damit. Pagbalik niya sa sala ay mabilis na kumabog ang dibdib niya sa katahimikan at pagiging seryoso ng mag-ina. Tahimik siya na umupo sa sofa paharap sa dalawa.
"Maiwan ko muna kayong dalawa, titingnan ko muna sandali ang niluluto ko,"sabi ng ina ni Adriel at lumakad papunta sa kusina.
"Kulang ba ang allowance na binigay ko sa 'yo?" Mahina ngunit seryoso na panimula na pagtatanong ni Adriel sa dalaga.
Gulat naman na napatingin si Christine sa lalaki. "Po? Kuya?" Maang niyang sambit.
"Look, Christine. Kung kailangan mo ng pera para sa pag-aaral mo. You can ask me for money, hindi mo kailangan mahiya sa akin."
"Hindi po kuya Adriel, hindi ko pa nga po na babawasan 'yun allowance na binigay mo sa akin—"
"Then bakit mo pinapagod ang sarili mo sa pagtatrabaho para kumita?" Walang paligoy-ligoy na putol ni Adriel sa pagsasalita ni Christine.
Umalsa pa ng bahagya ang tinig nito dahilan upang mapapitlag ang dalaga sa takot.
"A-ano... Ka...si ku..ya…" Anang dalaga na hindi magawang sabihin ang nais isatinig.
"Hindi kita inuutusan magtrabaho, Christine. Isang bagay lang ang gusto kong gawin mo, 'yon ay ang mag-aral ng mabuti. Hindi mo ba nakikita ang sarili mo? Pumayat ka na. Kaya simula bukas hindi kana mag tutuitor, at hindi kana papasok sa canteen. Ayokong isipin ng Ate Celestine mo na pinababayaan kita
Ayokong sabihin niya na pabaya akong... pabaya akong asawa sa 'yo. Dito ka na nakatira sa pamamahay ko, kaya responsibilidad na kita. Mag focus ka na lang sa pag-aaral mo, 'yan ang gusto kong gawin mo," ma-awtoridad na wika ni Adriel sa dalaga.
Pinag saklob ni ang mga palad at kinagat ang ibabang labi. "Pasensya na po kuya Adriel, gusto ko lang po makabawas sa gastos dito sa bahay. ‘yung araw-araw na kumakain ako dito sa bahay n'yo, nakakahiya na po ng sobra. Gusto ko lang po sanang makabawas sa gastos sa 'yo, kahit sa pambaon-baon ko lang po..." Nangingilid ang mga luha na sabi ni Christine.
"Problema ko na 'yan Christine kung paano ko mababayaran ang mga bills dito sa bahay, kaya hindi mo na dapat pa na isipin ang bagay na 'yan." Tumayo si Adriel. "Just focus on your studies. Malaking tulong na sa akin 'yon." Wika nito, pagkatapos ay lumakad palayo sa dalaga.