Chapter 2

1871 Words
“Christine, Anak, kamusta ang tulog mo kagabi? Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong ng ina ni Adriel kay Christine habang tahimik na kumakain ng almusal ang mga ito. Iyon ang unang araw niya sa bahay ng mga ito bilang asawa ng lalaki. Lumunok siya at naiilang na sumagot. "O-po Nay, Anissa," tipid na sagot niya at muling ipinagpatuloy ang pagkain ng almusal. "Siya nga pala Adriel, Anak, ihatid mo ang asawa mo sa school," baling na sabi naman nito sa anak. Napa-ubo si Christine sa narinig na sinabi ng ina nito. "A-ah, naku. Hindi na po kailangan, Nay, sanay naman po akong nagku-commute papasok at pauwi kaya okay lng po ako," agap na sagot ni Christine ng hindi sumagot si Adriel sa ina nito. Sinaid niya ang baso ng juice at pagkatapos ay tumayo sa kinauupuan. "Pasok na po ako Nay," mabilis niyang sinukbit ang bag at agad na kumilos para lumalad. Pero hindi pa man siya na kaka tatlong hakbang ay narinig niyang nagsalita si Adriel. "Ihahatid kita sa school mo," sabi nito sa kanya sa seryoso na tinig at tumayo. Naiilang na bumaling siya ng tingin sa lalaki. "S-salamat po kuya," nahihiya na aniya rito at muling ipinagpatuloy ang paglalakad palabas. Nauna siyang lumakad papunta sa sasakyan. Nang sapitin ni Adriel ang van ay kaagad niya itong pinag buksan ng pinto sa katabi ng driver seat. Nakayuko na sumakay naman roon ang dalaga. Habang nasa biyahe sila ay namayani ang katahimikan sa dalawa. "Anong oras ang last subject mo?" Basag na tanong ni Adriel sa namayaning katahinikan ng dalawa. "A-ah, Three thirty po kuya," tipid na sagot naman ni Christine sa lalaki. Isang tango lang ang sinagot sa kanya ni Adriel habang nakatutok sa pagmamaneho. Nang sapitin na nila ang malaking gate ng school ay kaagad na nagpa-salamat at nagpaalam si Christine kay Adriel saka mabilis na lumabas ng sasakyan. Kaagad naman na sumunod si Adriel sa kanya. Malalaking hakbang ang ginawa ni Christine upang mabilis siyang makalayo sa lalaki dahil nahihiya talaga siya rito. "Christine, sandali," tawag nito sa kanya kaya napahinto siya sa paglalakad at pumihit paharap sa lalaki. Mabilis na inilang hakbang ni Adriel ang kinatatayuan niya. Nang makarating ito sa kanya ay hinugot nito ang wallet at kumuha ng cash doon. "Baon mo." sabi nito at iniabot sa kanya ang 200 pesos. Sadali niya na pinagkatitigan ang pera na hawak ni Edriel. Nagdadalawang isip siya kung dapat ba niya itong kunin o hindi. Dangkasi ay nahihiya siya dito na dumagdag pa siya sa mga expenses nito sa bahay. "Ah, hindi na po kuya, may pera pa naman po ako sa wallet ko," nahihiya na tanggi niya. "Sige po pasok na ako, ma-le-late na po ako," agad niyang tinalikuran na ito. Iyong pang araw-araw na kain na nga niya sa bahay ng mga ito ay nahihiya na siya, ano pa kaya kung hihingi siya ng baon dito. Parang kalabisan na iyon sa kanya. Isa pa naisip niya na wala naman talagang obligasyon ito sa kanya, kinasal lang sila ng dahil pananakot ng ate niya. "Adriel, Anak, binigyan mo ba ng baon ang asawa mo?" Tanong kaagad ng ina ni Adriel sa kanya pagdating ng bahay. Umiling siya sa ina. "Hindi po Nay, inaabutan ko po siya ng pera kanina ayaw naman po niya tanggapin dahil may pera pa naman daw po siya sa wallet n'ya," sagot niya ina. "Naku! Hijo, naiwan ni Cristine ang wallet n'ya sa loob ng kwarto n'yong mag-asawa," naiiling na sabi ng ina ni Edriel. Kinuha niya ang wallet ni Christine sa kamay ng ina. "Ihahatid ko na lang po sa kanya ang wallet, Nay," saad nito. "Anak, pasensya ka na kung nadagdagan ang responsibilidad mo, ha. Alam ko na medyo tagilid tayo sa budget ngayon dahil nawalan ka ng trabaho. Nag me-maintenance pa ako. Tapos ngayon nagka asawa ka pa ng wala sa panahon. Pero anak, sana matutunan n'yong mahalin ang isa't-isa pagdating ng araw. Hindi man kayo sa loob ng simbahan kinasal, pinagbuklod pa rin kayo ng panginoon dalawa dahil may plano siya sa inyo, " madamdamin na wika ng ina ni Adriel sa kanya. Hinawakan nito ang balikat niya at inayos ang damit saka ito tinapik sa balikat. "Bata pa siya Anak, marami pa siyang dapat na matutunan sa buhay. kaya kung may mga bagay na hindi pa niya kayang maibigay sa iyo bilang asawa mo, 'wag mo sanang hanapin sa iba. Bagkus mahalin mo na lang muna siya at tulungan na maging handa sa buhay may asawa," dagdag na paalala pa nito sa anak. "Sige po Nay, ihahatid ko na 'tong wallet n'ya," tangin lumabas sa bibig ni Adriel. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang sinabi na iyon ng ina niya. Habang nagmamaneho siya papunta sa school ni Christine ay naaalala niya na halos hindi ito kumain ng almusal kanina. Naisip niya na marahil ay nahihiya at naninibago pa ito sa kanilang mag-ina na makasama sa bahay. Kaya naman ng may madaanan siyang drive thru ay huminto siya at in-orderan niya ng budget meal ang dalaga para makain nito sa oras ng vacant nito. Ayaw naman niya na isipin ng ate nito na pinababayaan niya ito. Nang makarating siya sa school ay tinawagan muna niya ang pinsan na si Shiena upang itanong kung anong section at building si Christine saka siya nagtanong-tanong sa mga estuydante na makasalubong niya. And there! He found her room. Kumatok siya sa pinto ng tatlong beses. Inabutan niya na kasalukuyang nagsusulat ang mga estudyante sa loob ng room. Lumakad ang guro nila Christine papunta sa pinto at nakangiti na kinausap siya kung ano ang pakay niya roon. Makaraan sabihin sa teacher ang sadya niya ay tinawag nito si Christine. Napukaw ang attention ng mga kapwa kamag-aral ni Christine nang bigkasin ng teacher nila ang pangalan niya at sabihin na may naghahanap sa kanya. Namilog ang mga mata niya nang makita kung sino ang tao na naghahanap sa kanya. "K-kuya Adriel?!" Usal niya sa sarili sa pagkabigla kung bakit naroon ito sa room nila. Mabilis siyang lumapit sa gawi ng teacher at ni Adriel na nag-uusap. Pagkarating niya sa pinto ay siyang talikod naman ng teacher niya saka bumalik sa table nito at naupo. "You forgot your wallet," wika sa kanya ng lalaki sabay abot ng wallet. "T-thank you po kuya Adriel," nahihiya na sabi niya rito at kinuha sa kamay nito ang wallet niya saka isinuksok sa bulsa ng palda. Akma na sana siyang tatalikod pabalik sa upuan niya matapos makuha ang wallet sa lalaki ng muling magsalita ito. "I'm sorry kung pinakialam ko ang wallet mo, I just put your one week allowance inside para hindi na kita bigyan araw-araw, " sabi nito at inabot sa kanya ang plastic na in-order kanina sa drive thru. "This is for you para hindi kana bibili ng meal mo mamaya sa vacant time mo," Nahihiya na kinuha niya sa kamay nito iyon. "S-salamat po ulit kuya Adriel," pasalamat na sabi niya rito. "Balik na po ako sa loob may sinusulat po kasi kami," aniya. "Okay, I'll be here before 3 P.M para sunduin ka," wika ni Adriel sa kanya. Nakangiti na tumango lang siya sa lalaki at lumakad pabalik sa upuan niya. "Sino 'yon? Ang gwapo ah!" Palatak ng kaibigan ni Christine nang makabalik siya sa upuan niya. "A..ano... b-boyfriend ng Ate ko," nagkakanda utal na sagot niya sa kaibigan niya. "Ay, sayang, para sa Ate mo pala, ang gwapo sana!" "Mag sulat ka na nga lang d'yan. Puro talaga gwapo ang bukang bibig mo," sita niya sa kaibigan at muling ipinagpatuloy ang pagsulat. Napatitig siya sa plastic ng pagkain na binili sa kanya ni Adriel. Muli ay nakaramdam siya ng guilty sa sarili. Noon pa man ay mabait na talaga ito sa kanila ng ate Celestine niya. Nakakapanghinayang lang talaga na hindi ang lalaki ang nakatuluyan ng ate niya dahil sa kanya. Kagaya ng sinabi ni Adriel kay Christine, bago mag 3 PM ay naroon na iya sa labas ng school ng dalaga upang sunduin ito. Muli ay tahimik silang dalawa sa loob ng van habang nasa biyahe pauwi. Pagkarating nila sa bahay ay nagmano si Christine sa ina ni Adriel pagkatapos ay nag kulong na ito sa loob ng kwarto ng lalaki. Nagpasya siyang lumabas ng kwarto para kumuha ng malamig na tubig. Para siyang daga na pa linga-linga kung walang tao sa paligid. Maingat siya na lumakad papunta sa kusina ng hindi lumilikha ng ingay. Bigla siyang napahinto sa paglalakad ng marinig niya na may bisita si Adriel. Alam niya na mali ang makinig sa usapan ng iba pero nang marinig niya na tungkol sa kanya ang pinag-uusapan ng mga ito ay nakinig siya. "Bakit mo naman ibebenta ng van mo? 'Di ba wala pang isang taon sa 'yo 'yan?" Puno ng panghihinayang na tanong ng kaibigan ni Adriel sa kanya sa pasya nito na ibenta ang van. "May pinaparal na kasi ako ngayon, kaya kailangan na lagi akong may pera sa bulsa," sagot nito sa kaibigan. "Oo nga pala 'no. Teka, ilang taon na ba ulit s'ya? sixteen? Seventeen? Naku mahaba-habang panahon pa ang gugugulin mo sa pagpapaaral sa kanya," "Kaya nga kailangan ko talagang maibenta ang sasakyan ko," "Pano 'yan wala ka ng sasakyan?" "Okay lang yan, makakapagpundar pa naman ako ulit pag may trabaho na ako. Ang mahalaga may budget ako para sa maintenace ni Nanay at ng..." "At ng asawa mo?" dugtong na sabi ng kaibigan ni Adriel sa kanya ng hindi niya magawang isatinig ang salitang asawa. "Sabagay, tama ka naman d'yan, pero ang saklap ng nangyari sa 'yo 'no. Imagine pinakasalan mo ang batang kapatid ng ex- girlfriend mo. Bukod sa hindi pa niya magagampanan ang responsibilidad niya as your wife. Worse,uubusan mo pa ng pera para pag-aralin siya. Well, okay lang sana kung may benefit ka sa kanyang makukuha in return tuwing gabi. Ang kaso ang bata pa, pare. Ni hindi pa yata sanay humalik ang asawa mo na 'yan!" Dagdag na biro pa ng kaibigan ni Adriel sa kanya. Siniko ni Edriel ang kaibigan. "Baliw! Ang dumi talaga ang isip mo kahit kailan!" "Pero seryoso na pare, what's your plan? Itutuloy mo ba ang pag-aabroad mo?" "Hindi ko pa alam, siguro susubukan ko na lang muna ulit na humanap ng trabaho, then pag wala talagang choice, baka i-accept ko na 'yun offer sa akin sa korea," "Tama 'yan pare, tutal bata pa naman ang asawa mo, mahirap na kung palagi mong makakatabi sa kama. Baka alam mo na..." bitin ng kaibigan ni Adriel sa maruming laman ng isip. "Sira ka ba? Sa tingin mo papatulan ko ang kapatid ng babaeng mahal ko? Hindi pa ako nasisiraan ng bait para gawin ko 'yon. At isa pa, ang bata pa niya para sa mga ganyan bagay," depensa niya rito. "Sus! Pare, sabi mo lang 'yan. Sa ganda ng kapatid ng ex mo, imposible na hindi ka maakit sa kanya. Ano ka santo na walang tinatagong libog at pagnanasa sa katawan?" Napaatras si Christine sa kinatatayuan. Mabilis siyang tumakbo pabalik ng kwarto sa narinig na pagiging bulgar ng kausap ni Adriel. "Ubusin mo na nga 'yang kape mo, para makauwi ka na. Ang halay mo talagang lalaki ka," napapailing na sabi ni Adriel sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD