PINAGPASALAMAT niya na lamang na mukhang pinaniwalaan siya ni Arishton na ang tunay na dahilan ng kaniyang paglapit dito ay dahil sa kalagayan ng kaniyang ina. Hindi rin naman talaga siya nakipagsabwatan sa kaaway nitong si Rustom kaya hindi niya kailangang itanggi ang bagay na iyon dito. Hindi niya na lamang ito kinausap sa paghihintay nila ng masasakyang taxi. Naupo siya sa tabi ng halaman samantalang ang mga ito ay nakatayo ilang hakbang ang layo sa kaniya. Ipinako niya ang kaniyang tingin sa daan sa harapann kung saan walang gaanong mga sasakyan na napapadaan. Hawak ni Aristhnon ang cellphone nito nang maalis ang kumapit na tubig doon. Mayamaya'y tumunog na lamang iyon na malinaw niyang narinig. Dahil sa malapit siya rito kitang-kita niya kung paano nitong tingnan ang cellphone dahil

